Casiguran District Hospital PGA

Casiguran District Hospital PGA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Casiguran District Hospital PGA, Hospital, Barangay Marikit, Casiguran, Aurora.

✨ Happy New Year 2026! ✨Hatid ang sigla at galak sa bawat hakbang tungo sa mas maayos, mas ligtas, at mas malasakit na s...
12/31/2025

✨ Happy New Year 2026! ✨

Hatid ang sigla at galak sa bawat hakbang tungo sa mas maayos, mas ligtas, at mas malasakit na serbisyong pangkalusugan.

Patuloy ang Casiguran District Hospital sa paglilingkod para sa kalusugan ng bawat Casiguranin.

Isang masaganang at malusog na bagong taon sa ating lahat! 💙💛

Kaligtasan ang Unahin!Pinapaalalahanan ng Casiguran District Hospital ang publiko na iwasan ang mga ipinagbabawal na pap...
12/30/2025

Kaligtasan ang Unahin!

Pinapaalalahanan ng Casiguran District Hospital ang publiko na iwasan ang mga ipinagbabawal na paputok upang maiwasan ang aksidente at pinsala. Isang ligtas na selebrasyon para sa lahat. ❤️

Iwas paputok, iwas disgrasya.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa pagdalaw ni Bokal Ena Tablang sa Casiguran District Hospital.Ang kanyang presensya, ma...
12/26/2025

Lubos po kaming nagpapasalamat sa pagdalaw ni Bokal Ena Tablang sa Casiguran District Hospital.

Ang kanyang presensya, malasakit, at patuloy na suporta ay malaking inspirasyon sa aming mga kawani at pasyente. Ang pagbisitang ito ay patunay ng kanyang taos-pusong pagmamalasakit sa kalusugan at kapakanan ng ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod at suporta BM Ena Tablang ✨

🎄✨ Merry Christmas from Casiguran District Hospital! ✨🎄Ngayong kapaskuhan, sama-sama nating ipagdiwang ang diwa ng Pasko...
12/24/2025

🎄✨ Merry Christmas from Casiguran District Hospital! ✨🎄

Ngayong kapaskuhan, sama-sama nating ipagdiwang ang diwa ng Pasko—pagmamahalan, pag-asa, at malasakit sa kapwa. Patuloy ang Casiguran District Hospital sa pagbibigay ng serbisyong medikal na may puso, lalo na sa panahong higit na kailangan ang pagkalinga at malasakit.

Nawa’y magdala ang Pasko ng kagalingan, kapayapaan, at kasiyahan sa bawat pamilya. Maligayang Pasko mula sa inyong lingkod pangkalusugan! 🎁🎄💚

📢 PABATID PUBLIKO | Casiguran District HospitalIpinapaalam po namin sa lahat ng aming mga kababayan ang iskedyul ng kons...
12/23/2025

📢 PABATID PUBLIKO | Casiguran District Hospital

Ipinapaalam po namin sa lahat ng aming mga kababayan ang iskedyul ng konsultasyon ng Casiguran District Hospital para sa nalalapit na mga araw ng kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon. May mga itinakdang petsa na walang konsultasyon dahil sa mga opisyal na holiday at nationwide work suspension, habang may mga araw naman na regular o half-day consultation lamang.

⚠️ Mahalagang Paalala: Sa kabila ng mga nabanggit na pagbabago sa iskedyul ng konsultasyon, ang Emergency Room ng Casiguran District Hospital ay mananatiling bukas 24/7 upang magbigay ng agarang serbisyong medikal sa mga pasyenteng nangangailangan.

Isang makabuluhan at masayang Retirement Program and Year-End Thanksgiving ang isinagawa ng Casiguran District Hospital ...
12/22/2025

Isang makabuluhan at masayang Retirement Program and Year-End Thanksgiving ang isinagawa ng Casiguran District Hospital noong December 16, 2025. Nagsama-sama ang buong CDH family upang magpasalamat sa lahat ng biyaya, tagumpay, at pagsubok na nalampasan sa buong taon. Kasabay nito, buong puso nating pinarangalan ang ating mga retirees na naglaan ng maraming taon ng serbisyo, sipag, at malasakit sa ospital at sa komunidad.

Salamat sa bawat isa sa inyong dedikasyon—kayo ang patunay na ang serbisyo ay may puso. 💙✨

Lubos na nagpapasalamat ang Casiguran District Hospital sa pagbisita at isinagawang inspeksiyon nina Governor Isidro Gal...
12/19/2025

Lubos na nagpapasalamat ang Casiguran District Hospital sa pagbisita at isinagawang inspeksiyon nina Governor Isidro Galban, Vice Governor Patrick Angara, at PA Shierwin Taay at Provincial Health Officer, Dra. Myrna Nicer. Ang inyong presensya at malasakit ay patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsasaayos, pagpapabuti, at patuloy na pag-unlad ng aming ospital para sa kapakanan ng mamamayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag.

Ang inyong mga obserbasyon at suhestyon ay malaking tulong sa maayos na pagpaplano at pagpapatupad ng mga hakbang para sa pagsasaayos ng pasilidad, operasyon, at kalidad ng serbisyong pangkalusugan na ibinibigay ng aming ospital. Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at pakikiisa sa aming layuning makapaghatid ng mas ligtas, episyente, at de-kalidad na serbisyong medikal sa publiko.

This 2026, Casiguran District Hospital proudly continues its service as a DOH-licensed Infirmary Facility committed to d...
12/16/2025

This 2026, Casiguran District Hospital proudly continues its service as a DOH-licensed Infirmary Facility committed to delivering safe, accessible, and quality healthcare to the community of DiCaDi.

Guided by professionalism, compassion, and dedication, the hospital remains steadfast in strengthening its services to better respond to the health needs of everyone. With continuous improvement and teamwork, Casiguran District Hospital stands ready to serve—today and in the years to come.

In support of the campaign to end Violence Against Women and Children, CDH reaffirms its commitment to creating a safe a...
12/12/2025

In support of the campaign to end Violence Against Women and Children, CDH reaffirms its commitment to creating a safe and compassionate environment for all.

Ang aming ospital ay patuloy na magiging katuwang sa pagprotekta, paggabay, at pagbibigay-lakas sa mga kababaihan at kabataan. Sama-sama nating itaguyod ang komunidad na walang puwang para sa karahasan. 💜

,

Maraming salamat po sa pagpapaabot ng inyong saloobin hinggil sa patuloy na pagtatapon ng basura sa bahagi ng lupang nas...
12/10/2025

Maraming salamat po sa pagpapaabot ng inyong saloobin hinggil sa patuloy na pagtatapon ng basura sa bahagi ng lupang nasa harapan ng Casiguran District Hospital, partikular po sa may puno ng gemilina.

Lubos naming nauunawaan ang inyong pagkabahala, lalo na’t may R.A. 9003 ngunit patuloy pa rin ang iresponsableng pagtatapon ng ilan.

Nakikiisa po ang Casiguran District Hospital ng PGA sa adhikain ng BLGU Marikit na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating komunidad, dahil ito ay mahalagang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng lahat.

Bilang tugon ay nilinis na po ang lugar, at and CDH ay patuloy na makikipag-ugnayan upang masigurong mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng paligid. Hinihikayat din po namin ang lahat na magpakita ng disiplina at respeto sa ating kapaligiran.

Nawa’y magsilbi itong paalala na ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa. Sama-sama po nating pangalagaan ang ating komunidad para sa mas maayos at mas ligtas na kapaligiran at kumunidad.

Bukas po ang pamunuan ng CDH sa ilalim ng PGA–PHO sa anumang mungkahi at suhestiyon mula sa komunidad upang higit pang mapabuti ang aming mga serbisyo. Mangyaring magtungo sa aming Public Information and Assistance Desk para sa mga katanungan o suhestiyon.

📢 PABATID PUBLIKOIpinapaalam ng Casiguran District Hospital na ang Outpatient Section/Check-Up ay pansamantalang sarado ...
12/07/2025

📢 PABATID PUBLIKO

Ipinapaalam ng Casiguran District Hospital na ang Outpatient Section/Check-Up ay pansamantalang sarado bukas, Lunes, December 8, bilang pag-obserba sa Special Non-Working Holiday: Feast of the Immaculate Conception.

Gayunpaman, nais naming tiyakin sa publiko na mananatiling bukas at handang tumugon ang Emergency Room 24/7.

Nagsagawa ang Casiguran District Hospital ng Clean-Up Drive ngayong Disyembre 05, 2025, bilang bahagi ng inisyatibang Li...
12/05/2025

Nagsagawa ang Casiguran District Hospital ng Clean-Up Drive ngayong Disyembre 05, 2025, bilang bahagi ng inisyatibang Linis Aurora. Ang mga masisigasig na mga kawani ng ospital ay naglaan ng kanilang oras upang itaguyod ang mas malinis, at ligtas na pasilidad dahil ang paglilinis at pagmimintena ay hindi lamang gawain ng iilan kundi ng buong komunidad.
Layunin ng CDH na gawing regular ang mga hakbang para mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng buong institusyon, sa loob at labas ng ospital sa kabila ng nagdaang bagyo.

Address

Barangay Marikit, Casiguran
Aurora
3204

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Casiguran District Hospital PGA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Casiguran District Hospital PGA:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category