Doc Willie Ong Tips For Eye

Doc Willie Ong Tips For Eye Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Doc Willie Ong Tips For Eye, Ophthalmologist, Manila, UT.

Menopause Sa Lalaki: Ano Ito?Payo ni Doc Willie OngKung ang babae ay may menopause, ang mga lalaki naman ay may andropau...
05/17/2024

Menopause Sa Lalaki: Ano Ito?
Payo ni Doc Willie Ong
Kung ang babae ay may menopause, ang mga lalaki naman ay may andropause. Iba ang sintomas ng menopause sa babae kumpara sa lalaki.
Ang menopause sa babae ay biglang dumarating ng mga edad 45 hanggang 55, kung saan hihinto na ang pag-re-regla ng babae. Tumitigil na ang paggawa ng itlog (egg cell) ng babae at biglang babagsak ang lebel ng estrogen sa katawan. Dahil dito, nakararamdam ang babae ng pag-iinit ng katawan (hot flushes), irregular na regla, pagkabalisa, hindi makatulog at pag-iinit ng ulo.
Kumonsulta sa iyong OB-gynecologist para malunasan ito.
Andropause Sa Lalaki:
Ang andropause ay posibleng mangyari sa mga lalaki. Ito ang tinaguriang “male menopause.”
Mula sa edad 30 ay unti-unti nang bumababa ang lebel ng testosterone ng lalaki ng 1% kada taon. Pagdating ng edad 70 ay posibleng bumaba na ang lebel ng testosterone ng halos 50%. Dahil dahan-dahan ang pagbaba ng testosterone at hindi ito gaano napapansin ng kalalakihan.
Ang sintomas ng andropause ay ang (1) pagbawas ng gana sa s*x, (2) lumiliit na mga masel ng katawan, (3) panghihina, at (4) pagbaba ng kumpiyansa sa sarili (low self confidence). Ang iba naman ay nalulungkot at nahihirapan matulog.
Para malaman kung mababa ang iyong testosterone, puwede itong ipasuri sa laboratoryo sa pamamagitan ng blood test.
Ano ang solusyon sa andropause? Una, kumain ng masustansya at ituloy ang regular na ehersisyo. Pangalawa, magpa-check up sa doktor para malaman kung may ibang dahilan ang iyong nararamdaman. Baka naman hindi andropause ang sanhi ng sintomas mo.
Huling payo: Mag-ingat din sa pag-inom ng mga supplements para sa testosterone. Hindi pa tiyak ang benepisyo at peligro nito. Kumonsulta sa inyong doktor. Good luck.

05/17/2024

Address

Manila, UT
1000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Willie Ong Tips For Eye posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share