Counter 441 Wellness

Counter 441 Wellness Health is Wealth

Fatty Liver: Alagaan Ang Iyong AtayPayo na mula kay Doc Willie OngAng fatty liver ay isang kondisyon kung saan nababalot...
28/08/2025

Fatty Liver: Alagaan Ang Iyong Atay
Payo na mula kay Doc Willie Ong

Ang fatty liver ay isang kondisyon kung saan nababalot ng taba ang atay. Kung may fatty liver ka, kadalasan ay mataas din ang iyong kolesterol sa dugo, blood sugar at uric acid. Malamang ay sobra ka din sa timbang at malaki ang tiyan.
Sa umpisa ay walang sintomas ang fatty liver. May ibang tao na sumasakit ang kanang bahagi ng tiyan. Ngunit kapag umabot sa liver cirrhosis ay malala na ito at magkakaroon na ng paninilaw ng mata, pamamayat, paglaki ng tiyan at pagmamanas ng paa.
Malalaman na may fatty liver ang pasyente sa pamamagitan ng Ultrasound ng atay o Ultrasound of the Whole Abdomen. Minsan ay lumalala ang fatty liver at umaabot sa pamamaga ng atay at liver cirrhosis.
Para maagapan ang fatty liver, sundin ang mga payong ito:
1. Itigil ang pag-inom ng alak. Kahit isang patak ng wine, beer or hard drinks ay huwag nang subukan pa. Ihinto na rin ang paninigarilyo.
2. Magpapayat kung sobra ka sa timbang. Kapag nagbawas ka ng timbang, puwedeng mabawasan din ang taba sa iyong atay.
3. Umiwas sa pagkain ng matataba (oily) at matatamis na pagkain. Limitahan ang pagkain ng cake, mantikilya, ice cream at karneng baboy at baka. Umiwas o bawasan na rin ang pag-inom ng matatamis na inumin tulad ng soft drinks at iced tea.
4. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng maberdeng gulay at isda. Puwedeng kumain ng prutas pero huwag din sosobrahan ito dahil ito’y matamis din.
5. Gumalaw-galaw at mag-ehersisyo. Kapag nabawasan ang taba sa iyong katawan, mababawasan din ang taba sa atay.
6. Kung ikaw ay may diabetes, gamutin ito sa tulong ng iyong doktor.
7. Kung mataas ang iyong kolesterol sa dugo, ibaba ito sa pamamagitan ng diyeta at gamot.
8. Kumain ng yogurt. Ayon sa isang pagsusuri, may tulong ang good bacteria ng yogurt sa paggamot sa fatty liver. Hindi pa ito tiyak pero pwede ninyong subukan.
9. Huwag basta-bastang uminom ng kahit anong tableta, supplements o vitamins. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi. Itanong muna sa iyong doktor kung makasasama ba ito sa atay.
Sadyang dyeta, exercise at paggamot sa diabetes at mataas na kolesterol ang lunas sa fatty liver. Alagaan natin ang ating atay.

12/08/2025
Cancer is not a disease but Oncologist from Osh State Medical University, Moscow, Russia Gupta Prasad Reddy (BV) says ca...
10/09/2023

Cancer is not a disease but Oncologist from Osh State Medical University, Moscow, Russia Gupta Prasad Reddy (BV) says cancer is not a deadly disease but people are dying of it only because of negligence.
According to him, cancer can be removed if only two methods are followed. Methods are : -
1_ Avoid all sugary foods first. Because if you don't get sugar in your body, the cancer cells die naturally or naturally.
2. Then mix the lemon chip in a glass of warm water. Drink warm water mixed with this lemon at 3. one hour in the morning before eating. The cancer will be gone.
A study from Maryland College of Medicine found it is a thousand times better than chemotherapy.
3. Eat three tablespoons of organic coconut oil every morning and evening, it will cure cancer.
After avoiding diabetes, undergo one of the following two treatments. Cancer cannot hurt you. However, negligence or indifference does not excuse.
Please note that to protect people from cancer. Gupta Prasad has been spreading this information in various ways including social media for the past five years.
He asked for dissemination of information, so that everyone could know about it.
He said, "I've done my job. Do your part now and save people around you from cancer!.

Pamamanhid ng katawan: Baka Diabetes o Stroke naPayo ni Doc Willie OngMadalas ka ba makaramdam ng pamamanhid?Ito ay isan...
26/08/2023

Pamamanhid ng katawan: Baka Diabetes o Stroke na
Payo ni Doc Willie Ong

Madalas ka ba makaramdam ng pamamanhid?

Ito ay isang karaniwang nararamdaman na karaniwan ay walang seryoso o malubhang kahihinatnan.

Para sa mga typist, mga mechanical workers at kababaihan na naglalaba, karaniwang sila ay nakararanas ng pamamanhid ng mga kamay, na dahil sa carpal tunnel syndrome. Ang kondisyong ito ay nangangahulugang na ang ugat (median nerve) na nagbibigay ng lakas sa kamay ay naiipit. Ipahinga ang iyong mga kamay.

Ang isa pang karaniwang lugar ng pamamanhid ay sa hita sa pag-upo at pag-higa. Ito ay dahil sa naiipit ang sciatic nerve sa may balakang natin.

Ngunit dalawang mas malubhang sanhi ng pamamanhid ay stroke at diabetes.

Bagamat bihira lamang ito, may ilang mga pasyenteng na-stroke ay ang reklamo lamang ay bahagyang pamamanhid sa katawan. Kaya naman kung may pag-aalinlangan, ang mga doktor ay maaaring mag-request ng isang CT Scan sa ulo para masuri ang stroke.

Ang diabetes ay maaari ring maging sanhi ng pamamanhid, karaniwan sa mga binti at paa. Kung hindi mo mapananatili ang iyong blood sugar ng mas mababa sa 120 mg/dl, maaari itong magresulta sa pinsala sa mga ugat.

Ang may diabetes ay dapat mag-ingat sa kanilang mga binti dahil ang karaniwang senaryo ay ang pagkakaroon ng pamamanhid sa paa muna, pinsala sa paa at impeksyon. Sa mga napabayaang mga kaso, maaari itong humantong sa amputation o pagkaputol ng binti.

Mataas ang CholesterolPayo ni Doc Willie OngSi Linda ay nag-aalala dahil ang resulta ng kolesterol niya ay 273 mg/dl. So...
05/06/2023

Mataas ang Cholesterol
Payo ni Doc Willie Ong

Si Linda ay nag-aalala dahil ang resulta ng kolesterol niya ay 273 mg/dl. Sobra ito ng 73 points sa normal na 200 mg/dl. Kahit wala siyang nararamdaman, natatakot si Linda na baka atakihin siya sa puso. Ano ang dapat niyang gawin?

1. Ipasuri kung tama ang blood test.
Minsan ay nagkakamali ang mga laboratory sa blood test. Sigurado ka bang hindi ka kumain sa loob ng 10 oras bago kunan ng dugo? Huwag munang matakot. Subukan munang mag-diyeta at mag-ehersisyo. Pagkatapos ng 2 buwan, ipaulit natin ang blood test.

2. Kumain ng tama.
Mahal ang gamutan sa kolesterol at posibleng may side effects pa. Dahil dito, piliting isaayos ang iyong pamumuhay bago tayo mag-gamutan.
Kung kayo ay sobra sa timbang, kailangan nating magpapayat. Kapag ika’y pumayat ng 5 pounds, bababa din ang iyong kolesterol.
Sa diyeta, subukan ang madalas na pagkain ng oatmeal, beans (monggo) at gulay. Makapagbabawas ito ng malaki sa iyong kolesterol. Kung dati ay mahilig ka sa taba ng baboy, mantika at pritong pagkain, subukan mo naman ang taba ng isda. Tapyasin din ang taba ng baboy bago ito lutuin.
Iwasan ang pagkain ng mga cakes, pastries, croissant, ensaymada, mantikilya, cookies at iba pang mamantika na bagay. Kung dati ay hilig mo ang sinangag at fried rice, piliin na lang ang sinaing.

3. Mag-ehersisyo.
Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses kada linggo. Gawin ito ng 30 minutos hanggang isang oras. Malaki ang maitutulong ng ehersisyo sa pagbaba ng iyong kolesterol.

4. Subukan ang natural na gamutan.
Ang pagkain ng bawang ay puwedeng makababa ng kolesterol sa dugo ng 9 to 12%. Ang pag-inom din ng omega-3 fish oil supplements ay nakabababa ng triglyceride levels, isang klase ng taba sa dugo.

5. Gamot sa kolesterol.
Kung pagkaraan ng 2 buwan na pag-di-diyeta ay mataas pa rin ang iyong kolesterol, puwede na tayo mag-umpisa uminom ng maintenance na gamot. Ito ay ang mga generic na Simvastatin, Atorvastatin o Rosuvastatin. Mayroon nang mga murang gamot sa generics na botika.
Ito ang tamang paraan sa paggagamot ng kolesterol niyo.

Subukang mag-diyeta at mag-ehersisyo muna ng 2 buwan. Kapag hindi nakuha sa natural na paraan ay doon pa lamang tayo iinom ng gamot. Good luck po.

Address

Rajshahi Division

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Counter 441 Wellness posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Counter 441 Wellness:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram