11/12/2025
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃
Ipinaaabot sa publiko na ang Rural Health Unit (RHU) ay pansamantalang magsasara sa Disyembre 12, 2025 dahil ang mga kawani ay dadalo sa PhilPen Risk Assessment Training. Sa araw na ito, walang regular na transaksyon at serbisyo sa opisina. Ang operasyon ng RHU ay magbabalik sa susunod na regular na araw ng trabaho (Disyembre 15, 2025, Lunes). Para sa mga agarang pangangailangan o emergency, maaaring makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) o Municipal Disaster Risk Reduction Management Office. Maraming salamat sa inyong pang-unawa.
Mayor Ogie Suayan
Vice Mayor Boyong Boongaling