
24/11/2021
ANG MAGANDANG BENEPISYO SA ATING KALUSUGAN NG PAGKAIN NG LABANOS:
Gaya ng ibang gulay ay mayaman sa mga bitamina at mineral ang radish o labanos. Sagana ito sa Vitamin C, maging sa potassium at fiber. Mahusay rin itong tagapagbigay ng iron at calcium, maging ng folic acid. At dahil nga sa napakarami nitong taglay na sustansyaay mabisa rin itong panggamot sa iba’t ibang mga karamdamang nararanasan ng tao.
Halimbawa na lamang ang mga sumusunod:
1.Mabuti sa puso. Bukod sa potassium ay mayroon ding taglay na flavonoids ang labanos, isang substance na may kakayahan ding mapababa ang blood pressure ng isang tao. Kaya naman, tunay na isang “heart-friendly vegetable” ang labanos dahil napapabuti nito ang pagdaloy ng dugo sa ating katawan na nagpapababa sa tyansa ng tao na magkaroon ng sa-kit sa puso gaya ng str-oke.
2.Lunas sa hypert-ens-ion. Ang pagtaas ng level ng blood pressure o hypertension ay nangyayari kung masyadong napapagod ang puso sa pagpapadaloy ng dugo sa buong katawan dahil sa mga nakabara sa mga blood vessels o ugat. Nangyayari din ito minsan dahil sa init ng panahon o kaya naman kung masyadong stressed ang isang tao. Upang mapigilan ang pagkakaroon ng hyprten-sion ay mangyaring kumain ka lamang ng labanos dahil mayaman ito sa potassium na nagpapababa naman ng blo-od pres-sure.
3.Lunas sa diab-etes. Kung sakaling tumaas ang blo-od sugar level ng isang tao dahil hindi kulang ito sa insulin ay maaari itong malunasan sa pamamagitan ng pagkain ng labanos. Kaya nitong i-regulate ang glucose level kaya naman maiiwasan ang sa-kit na diab-etes.
4.Dehydration. Lalo na sa panahon ng tag-init, hindi maiiwasan ng tao ang pagpapawis kaya naman nawawalan ng tubig ang ating katawan, na nagiging sanhi ng dehydration. Upang maiwasan mong maranasan ito ay subukan mong kumain ng labanos dahil gayang mga prutas ay mayroon din itong taglay na juice o katas. Hindi ka man makainom ng sapat na tubig ay ayos lang dahil mayroon namang sariling “tubig” ang labanos na siyang magpapalakas sa iyo.
5.Gamot para sa lagnat. Kapag tayo ay may lagnat ay nakakaramdam tayo ng init sa katawan dahil sa pagtaas ng ating temperature. Isang mabisang paraan upang mapababa ito ay ang pagkain ng labanos dahil isa itong “cold vegetable” na maaaring kumontra sa init na iyong nararamdaman. Bukod pa riyan ay kaya rin ng gulay na ito na ibsan ang pananakit ng ulo, at ilabas sa iyong katawan ang mikyobrong dahilan ng iyong sakit sa pamamagitan ng pag-ihi o urination.
6.Gamot sa chest congestion. Ito ay isang uri ng respiratory disease na maaari mong makilala dahil sa mga sintomas na sipon at baradong ilong, hirap sa paghinga, at pag-ubo ng may pagsipol sa tunog. Upang hindi na lumala pa ang kondisyong ito ay mainam na kumain na lamang ng labanos na mayaman sa mga sustansyang mineral na makagagamot dito.
7.Pagbabawas ng timbang. Kung inyong mapapansin, mabilis kayong makaramdam ng pagkabusog kung kayo ay kumain ng labanos. Ito ay dahil sa fiber, na mabuti para sa mga gustong mabawasann ang timbang. Dahil mabilis kang mabusog ay mababawasan na ang posyon ng iyong kinakain kaya naman hindi madadagdagan ang iyong timbang. Sa kabilang banda ay bababa naman ang iyong timbang dahil kaya rin ng labanos na pabilisin ang proseso ng iyong pagtunaw o metablosim process.
8.Pagpapalakas sa immune system. Ang sistemang ito ng ating katawan ayang siyang pangunahing depensa natin laban sa mga sakit. Kung malakas an gating immune system ay mapipigilan ang mga bacteria at viruses na sanhi ng ating pagkakasakit. Ang pagkain ng labanos ay isa sa pinakamabibisang paraan upang palakasin ito dahil sa napakaraming nutrients na taglay nito.
9.Lunas sa cancer. Ang cancer ay isa sa mga pinaka-kinatatakutang sakit sa panahon ngayon. Ito ay ang pagkakaroon ng diperensya ng mga cells sa isang bahagi ng katawan, at maaaring kumalat sa iba pa. ang folic acid at Vitamin C na taglay ng labanos ay makakatulong upang malabanan ang mga free radicals na nagiging sani ng cancer. Kaya rin nitong pigilan ang pagtubo ng mga tumor bago pa ito ma-devolop bilang cancer.
Sa kabila ng lahat ng ito ay dapat namang umiwas dito ang mga buntis at may hypoglycemia dahil maaari itong makasama sa kanilang kondisyon. Gayunpaman, hindi natin maitatanggi na tunay nga at napakaraming benepisyo ang ating makukuha kung uugaliin nating kumain ng labanos. Kaya naman sana, sa susunod na makita natin ito sa pagkaing inihain sa atin ni Nanay ay huwag natin itong iwasan, bagkus ay ating enjoyin ang pagkain dito.
Para sa ibang kaalaman, maari po kayong mag-iwan ng mensahe sa comment section o magmessage/tumawag lamang sa numerong:
📞 0931-944-9769