21/07/2025
Online Horoscope Hulyo 22, 2025
ARIES (Marso 21 – April 19) Maglalaho at kukupas ang lahat ng bagay, ngunit may isang mananatili. Ito ay ang suwerteng bumalatay sa iyong katawan. Kailan man, anuman ang iyong ginagawa, hindi ka nga lalayuan pa ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 9, 27, 33, 39, 42.
TA**US – (April 20 – Mayo 20) Kahit na totoo ang sinasabi mo, hindi mo ito dapat iparinig sa nakararami. Ito ang dahilan kung bakit may mga taong lihim na naiinis sa iyo, masyado ka kasing si totoo. Minsan, hindi dapat na binibigkas ang totoo, lalo na’t ikasasakit ito ng kaloob ng iyong kapwa. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 6, 16, 25, 33, 39, 41.
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Dagdagan mo ngayon ang galaw ng katawan mo. Kung baga, kailangang kumendeng at kumilos ka ng kumilos. Ito ang panahong dodoblehin pang lalo ng langit ang iyong suwerte, basta’t makita lang niyang gumagalaw-galaw ang iyong pangangatawan, lalo na ang iyong balakang. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 5, 15, 24, 32, 42.
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ang mga dating nakakatulong sa iyo ay mapapansin mong tila nagbago na ng ugali. Pero hindi ka dapat na malungkot, dahil may bago na namang kakilala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, upang may umagapay at tumulong uli sa iyo. Mapalad ang kulay na crystal green. Masuwerteng numero 2, 7, 19, 28, 37, 43.
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Makakaharap mo ngayon ang sarili mong anino. Magagalit ka sa isang tao sa kanyang ginagawa. Pero ang totoo, gusto mo rin pa lang itong gawin sa kanya. Ang pinakamabuti, putulin mo na ang pakikipag-ugnayan mo sa taong ito, Sa ganyang paraan, gagaang ang iyong kalooban. Kapag magaang na ang iyong pakiramdam, dobleng suwerte na at magagandang kapalaran ang darapo sa iyong katawan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 41, 44.
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bigyang daan mo ang mungkahi ng mga nasa tabi mo. Hindi maganda na puro ikaw na lang ang nasusuod. Sa pansamantalang pgpapaubayan sa desisyon ng iba, susuwertehin at papalarin ka na. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 11, 19, 23, 31, 44.
LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Handa kang magsakripisyo alang-alang sa mahal mo. Magkaganon man, hindi siya papayag na malungkot ka at namumroblema ka. Kaya hawak-kamay pareho kayong babangon at kikilos, upang muling paunlarin at paigtingin pang lalo ang ikauunlad at ikaliligayahan ng iyong relasyon. Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero 3, 15, 19, 33, 42, 44.
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi ka dapat na maging pala-kontra. Hindi makabubuti sa mahal mo na lagi ka na lang nakasalungat sa mga balakin niya. Kung hindi ka sang-ayon sa pinapanukala ng iyong minamahal, manahimik ka na lang muna. Sa iyong pananahimik, susuwertehin kayong dalawa. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 2, 14, 27, 37, 42, 45.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mananalo ka at ang iyong panalo ay sunod-sunod. Hahanggaan ka ng mga katabi mo at hihingi sila ng balato. Magbalato ka, upang muling magkasunod-sunod ang iyong panalo. Sa iyong pag-uwi feeling tagumpay ka at masaya. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero 9, 12, 27, 30, 33, 39.
CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kikilos ka ayon sa mga plano mo. Kaya walang makakahadlang, dahil noon pa itinalaga ka na ng langit upang tuloy-tuloy ng manaig, magwagi at magtagumpay. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 28, 34, 38, 44.
AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Oo makukuha mo ang gusto mo. Kaya lang parang hindi sapat ang ginawa mong paghihirap sa nakuha mong munting tagumpay. Baguhin mo ang iyong diskarte, magpakatino ka na, dahil hindi lang ang mga kaibigan mo ang nasasaktan, pati na rin ang mga mahal mo sa buhay. Mapalad na kulay ang lavander. Masuwerteng numero 4, 10, 22, 31, 40, 45.
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Naboboring ka na ba na nasa bahay lang? Kailangang mong muling lumakas at sumigla, dahil sa sandaling nasugpo na ng mundo ang pananalasa ng Covid 19, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating pa sa iyo. Ito ang dapat mong paghandaan ngayon pa lang upang maiplano mo kung saan mo dadalhin ang suwerte at magagandang kapalarang ito. Mapalad na kulay ang olive green. Masuwerteng numero 7, 16, 25, 33, 41, 44.