08/10/2020
Ang collagen ay isang protina na natural na matatagpuan sa ating katawan. Ang katungkulan ng collagen ay parang isang ”GLUE”. Binubuklod nito ang ating kalamnan sa ating buto, pinapatibay ang ating blood vessel, at binubuklod ang ating lamang-loob sa ating balat. Ikumpara ang collagen sa isang ama ng tahanan, ito ang tumatayong ”haligi” na kung nawala o kulang, ang tahanan ay magigiba. 🙂
Ang collagen ay matatagpuan mo sa iba’t ibang parte ng katawan. Meron sa buhok, kutis, kuko, buto, joints, ligaments, at tendons. At ang collagen ay meron iba’t ibang uri o klase. Ayon sa article ng ncbi, ang collagen ay meron 16 na uri. Pero sa usapin ng benepisyo ng collagen sa kutis, buhok, at kuko, ang type I and type III ang sumasakop dito. Kutis/Skin
Ang collagen sa ating kutis ay siyang nagbibigay ng malasutla o glow kung ito ay nagtataglay ng sapat na collagen. Sa mga kutis naman na kulang, makikitang very dull at lifeless. Ang collagen ay kinakailangan sa wound healing, ito ay para mapabilis at maiwasan ang pagkakaroon ng peklat o scar sa ingles. Ang collagen din ang nagbibigay ng firmness sa ating balat. Sa usapin naman ng ”stretches”, sa panahon na tayo ay mabubuntis, tataba o biglang papayat, ang collagen at elastin ang nagbibigay ng tibay sa hibla ng ating balat o laman. Maiiwasan nito ang pagkakaroon ng stretch marks sanhi ng mga pagkabinat. Kuko/Nails
Kagaya ng buhok, ang keratin din ang nagpapatibay sa ating mga kuko. Ang collagen ay tumutulong na patibayin ang kuko mula sa pagkaputol at mula sa paninilaw nito. Ang brittle nails at yellow nails ay maraming sanhi, maaaring ito ay dahil sa edad, sa mga nail polish at acetone, palagiang pedicure at manicure, palagiang babad sa tubig, at fungal infection. 5 dahilan bakit nababawasan ang collagen katawan 1. EDAD 2. LIFESTYLE 3. UV LIGHT/ UV RAYS 4. AIR POLLUTION 5. HORMONE/MENOPAUSE Epekto ng kakulangan ng collagen sa kutis, buhok, at kuko
Wrinkles, age spots
Sagging skin
Pagkalagas ng buhok at pagnipis nito
Brittle nails
Paninilaw ng kuko
Mga paraan para iBoost ang collagen sa katawan. ugaliin kumain ng mga pagkain na masustansya katulad ng mga gulay at prutas na mayaman sa VIT C. at huwag kalimutan mag take ng collagen supplements upang makatulong sa ating kalusugan. palagi po natin tandaan “ HEALTH IS WEALTH “❤️❤️