25/08/2025
⭐️Sa Wastong Pagpapasuso, Kalusugan ni Baby ay Sigurado!
Alam mo ba kung ano ang unang hakab o Kangaroo Mother Care?
Ito ang unang yakap ni baby—nakahubad (maliban sa lampin at sumbrero) at nakadikit ang balat sa dibdib ni mommy. Ang init, haplos, amoy, boses, at gatas ni nanay ay nakatutulong para mapakalma si baby at mapabuti ang kanyang paghinga at tibok ng puso.
Bakit mahalaga ang unang hakab?
👶 Tumutulong sa tamang paghinga, tibok ng puso, at init ng katawan ni baby
🛡️ Pinalalakas ang resistensya laban sa impeksyon
💧 Pinapabilis ang daloy ng gatas ni nanay
🤱 Simula agad ang breastfeeding sa unang oras
⚠️ Iwas hypoglycemia o mababang blood sugar
😴 Mas mahimbing ang tulog at mas kalmado si baby