06/03/2023
Happiness cannot be achieved simply by gaining wealth, position in society, beauty or fame. Hindi ito madadaan sa laki ng bahay, sa sarap ng pagkain, sa ganda ng pananamit, o sa kapal ng wallet. Kung tutuusin, minsan ay mas masaya pa nga ang mga batang naglalaro sa estero kaysa sa mga bilyonaryo.
Bakit nga kaya ganito? Simple lang ang sagot.
Ang happiness ay kondisyon ng puso. Halimbawa, kahit sabihin natin na parehong pareho ang sitwasyon ng dalawang tao, maaaring masaya ang isa habang miserable naman ang isa. Masaya kung may thankfulness & appreciation, at malungkot kung hindi nakukuntento sa kung ano mang natanggap.
Thankfulness Comes from Appreciation
Mas masaya ang puso kapag marunong tayo magpasalamat sa kung ano mang meron tayo. On the other hand, kapag hindi tayo marunong mag-appreciate, at feeling natin ay laging kulang & we deserve more, hinding hindi tayo magiging maligaya.
Sa Meditation practice, tinuturuan tayo na maging simple at appreciative. Because we appreciate that our spiritual well-being is more important than our material well-being, hindi tayo maghahangad ng sobra sa buhay. Of course, we should do our best to meet our material needs because, after all, we have to maintain the physical body. But whether maging success o failure tayo materially, hindi dito nakabase ang happiness natin.
Let's Be Appreciative of & Thankful for God's Unconditional Love.
Isa pang tinuturo sa atin ng pag-practice ng Meditation ay ang ma-appreciate natin ang unconditional love ng Diyos para sa atin. A heavy burden is lifted off our shoulders when we know that there is Someone who will love us no matter how imperfect we are. He will never leave us through thick & thin. He is in control & can protect us. We can take shelter in Him through His Holy Names.
Let’s be thankful for whatever we have, & not stress over what we don’t have. Count your blessings, sabi nga nila. If we appreciate how fortunate we already are for having even the most basic necessities in life, we will feel more at peace.
Haribol!🌸🙏