EAMC Employee's Clinic

  • Home
  • EAMC Employee's Clinic

EAMC Employee's Clinic East Avenue Medical Center's Portal to Employees Clinic.

21/02/2024

Ngayong linggo ay amin po kayong pinapaalalahanan na bigyan rin ng atensyon ang inyong kalusugan ng bibig at ngipin 👄 🦷 Ang ating bunganga ay ginagamit hindi lamang sa pagsasalita ngunit pati na rin sa pagkain at paghinga. Kaya’t mainam na binibigyan din natin ito ng kaukulang pag-aalaga. Paano?

Ugaliin na magsipilyo at gumamit ng floss 3 beses sa isang araw. 🪥

Iwasan rin ang pagkain ng matatamis at itigil ang paninigarilyo 🚭

Uminom ng maraming tubig 🚰

Bumisita sa dentista 2 beses sa isang taon. 🧑‍⚕️

Ugaliing magpakonsulta sa ating mga doktor o dentista lalo na kung may mga sira sa ngipin, namamagang gilagid, bukol na tumubo sa bunganga, mabahong hininga o may concern sa kalusugang bibig at ngipin.



02/02/2024

Ang Dyabetis o Diabetes Mellitus ay isang kondisyon kung saan mataas ang lebel ng asukal sa dugo. Pwede ito magdulot ng mga komplikasyon. 🍰🍩🍪🍭

Karaniwan ito ay walang sintomas pero sa mga tao na sobrang taas na ang lebel ng asukal sa dugo, pwede ito magdulot ng sintomas kagaya ng madalas na pag-ihi, madami na ihi, madalas na pagka-uhaw at pagka-gutom,o biglang pamamayat.

Pag hindi hindi naagapan, pwede ito magdulot ng komplikasyon sa mata, puso, bato, at pwede ito magdulot ng sugat na hindi humihilom at pwede pumunta sa pagka putol ng mga daliri, paa, o kamay.

Kung interesado magpa-konsulta para sa dyabetes o kung may nararamdaman na mga sintomas, pwede magpa-konsulta sa EAMC OPD Family Medicine, bukas ng Lunes hanggang Biyernes, registration time 7:00 AM hanggang 2:00 PM.



Magandang araw po!Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa aktibidad ng Public Health Unit na pinamagatang, "Tamang Timban...
29/01/2024

Magandang araw po!

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa aktibidad ng Public Health Unit na pinamagatang, "Tamang Timbang, Dapat Ilaban" bukas, Enero 30, 2024 sa 7th Floor, Main Building.

Maraming salamat po.

27/01/2024

Ngayong Enero ay pinagdiriwang ang Goiter Awareness Week! 🦋🦋🦋

Ang Bosyo o Goiter ay ang abnormal na paglaki ng Thyroid gland. Kung napapansin ninyo na lumalaki ang leeg o may bukol sa leeg, maaring magpa konsulta sa doktor.

Pwede itong sanhi ng masyado pagtaas o pagbaba ng kemikal na nilalabas ng Thyroid gland. Pwede rin ito dulot ng mababang lebel ng Iodiine, o iba pang sakit.

Kung interesado magpa konsulta, maaring pumunta sa EAMC Out-Patient Department Family Medicine na bukas ng Lunes hanggang Biyernes 7:00 AM hanggang 2:00 PM.

Pwede rin na magpa-konsulta sa EAMC Family Medicine Telekonsultasyon. Maaring mag-message sa EAMC FM page https://www.facebook.com/eamcdfmch2017



08/01/2024

Ngayong Bagong Taon, inaanyayahan namin ang lahat na regular na magpakuha ng presyon ng dugo o BP.

Ang Hypertension o Altapresyon ay isang kondisyon kung saan tumataas ang BP ng 140/90 pataas. Ang mga apektado nito kadalasan ay walang nararamdaman pero pwede makaramdam ng sakit sa ulo, sakit sa batok, panlalabo ng paningin, o pagsikip sa dibdib.

Pag hinayaang hindi kontrolado ang BP sa matagal na panahon, pwede itong magdulot ng mga komplikasyon kagaya ng pagkabulog, problema sa puso, at pwedeng masira ang bato at umabot sa dialysis.

Upang maiwasan ang pagtaas ng BP, pwede mag monitor sa sarili nilang bahay. Pag umabot ng 140/90 pataas, magpa-konsulta sa doktor.



13/12/2023

Hinay-hinay lang po tayo sa mga kinakain natin ngayong buwan ng Pasko at Bagong Taon! 🍖🥩🥓

Ang sobrang pagkain matataba ay pwede magdulot ng Dyslipidemia o ang abnormal na pagtaas ng level ng Cholesterol sa dugo. Pag nahayaan na tumaas ito, pwede mamuo ang mga Cholesterol sa mga ugat at humarang sa daloy ng dugo na pwedeng magdulot ng atake sa puso or stroke.

Para maiwasan ang pagtaas ng level ng Cholesterol sa dugo, sundan ang 5 steps na ito:
1️⃣ Alamin and tamang timbang ⏲
2️⃣ Regular na ehersisyo kagaya ng brisk walking limang araw sa isang linggo 30-minuto kada exercise session 🏃‍♂️
3️⃣ Iwasan mag yosi, v**e, o uminom ng alak 🍾
4️⃣ Kumain ng masustansyang pagkain kagaya ng gulay at prutas 🍎🥦
5️⃣ Magpa-konsulta sa inyong doktor 👩‍⚕️

Ang doktor ay mag-re-request ng examen sa dugo na tinatawag na Lipid Profile. Bago magpakuha ng dugo para sa test na ito, kinakailangan mag-fasting ang pasyente o hindi pagkain at inom sa loob ng 12 na oras.

Ngayong Pasko at Bagong Taon huwag kalimutan kumain ng tama!



15/11/2023

Ngayong tag-ulan palaging alalahanin na ang mga kaso ng Dengue ay tumataas.

Ayon sa Department of Health, meron tayong 5S kontra Dengue:

1. Search and destroy mosquito breeding places tulad ng mga lumang gulong, paso, balde at drum
2. Secure self-protection tulad ng pantalon, long sleeved na damit, at mosquito repellant
3. Seek early consultation lalo na kung may sintomas ng dengue tulad ng mataas na lagnat at sakit ng kasu-kasuan, at pananakit ng likod ng mata
4. Support fogging and spraying only in hotspot areas
5. Sustain hydration lalo na kapag nilalagnat dahil sa dengue

Kung may exposure sa lamok at nagka sintomas ng dengue kagaya ng lagnat kasama ng masakit na kasukasuan, masakit na ulo, masakit na tiyan, pagsusuka, o pagdurugo ng bibig o ilong, magpa konsulta agad sa doktor.




07/11/2023

Ngayong buwan ng Nobyembre ay gunigunita natin ang Lung Cancer Awareness Month.

Ang Lung Cancer ang nangunguna, o Top 1, na klase ng cancer na umaapekto sa mga tao. Pwede itong magpresenta na matagal na ubo at hindi sinasadya na pamamayat.

Ayon sa Department of Health, para iwasan ang peligro ng cancer, tandaan healthy LUNGS, is our responsibility:

L - layuan ang Yosi, va**ng at iba pang to***co products
U - ugaliing maging aktibo at magexercise
N - nourish your body with a healthy diet
G - go for fresh air, iwasan ang polusyon
S - seek vaccination and early consultation sa Primary Care Providers

Kung merong katanungan tungkol sa Lung Cancer o gustong magpa screen for Lung Cancer, pumunta agad sa pinakamalapit na doktor.




24/10/2023

Ngayong Oktubre ay ginugunita natin ang Mental Health Awareness Week.

Nakiki-isa ang Department of Family and Community Medicine sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon ukol sa mga Mental Health Issues. Upang maagapan ang mga mental health issues at maiwasan ang mga posibleng komplikasyon nito kagaya ng su***de, pwede tayo makatulong sa paraan ng pangangamusta, pakikinig sa kanilang saloobin, intindihin sila, huwag pabayaan, at ilapait agad sa doktor.

Kung may Mental Health concerns, magpa-konsulta agad sa doktor, o pwedeng tumawag sa National Center for Mental Health.

National Center for Mental Health Crisis Hotline (Nationwide):
1800-1888-1553 (Nationwide toll-free)
1553 (Luzon-wide landline toll-free)
Cellphone lines: 09178998727 / 09086392672




17/10/2023

Ngayong ikatlong linggo ng Oktubre ay ginugunita ang Bone and Joint Awareness Week.

Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas kagaya ng paninigas or pananakit ng mga kasu-kasuan, may mga nakakapa ng bukol sa mga daliri, hindi mapaliwanag na sakit sa likod, o pamamaga o pag-init ng mga daliri, pwede itong simula ng mga tinatawag natin na Arthritis, lalo na sa mga nakakatanda.

Kung meron kayong nararamdaman sa mga buto o kasu-kasuan, magtungo agad sa doktor.



11/10/2023
Pursuant to the Office of the President Memorandum Circular No 30., the OPD will be closed tday.
31/08/2023

Pursuant to the Office of the President Memorandum Circular No 30., the OPD will be closed tday.

Address


Opening Hours

Monday 09:00 - 14:00
Tuesday 09:00 - 14:00
Wednesday 09:00 - 14:00
Thursday 09:00 - 14:00
Friday 09:00 - 14:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when EAMC Employee's Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram