Nagoya C O V I D-19 Impormasyon mula sa Naka Ward

  • Home
  • Nagoya C O V I D-19 Impormasyon mula sa Naka Ward

Nagoya C O V I D-19 Impormasyon mula sa Naka Ward This page provides COVID-19 information in Pilipino

04/08/2022

★Para sa mga taong naging positibo ang resulta ng COVID-19, ang pag kanselihin ng medical treatment priod.

Kung nasuri kayong positibo sa COVID-19, depende sa kung mayroon kang mga sintomas o wala, kinakailangan ng isang tiyak na panahon para sa medical treatment period.

Kung natutugunan mo ang sumusunod na pamantayan, maaari mong kanselahin ang iyong medikal treatment period nang walang kontak mula sa health center.

☑ Para sa taong mayroon sintomas
10 na araw nakalipas mula pag simula ng sintomas, at 72 oras pagkatapos humupa ang mga sintomas.

O,Mag-take ng PCR tests ng dalawang beses at makakuha ng Negative na resulta.(Pagkatapos bumaba ang mga sintomas 24 hours bago mag -take ng isa pang PCR tests)

☑ Para sa taong walang sintomas
7 araw na ng nakalipas pagkatapos ng petsa ng koleksyon ng ispesimen

At para sa tao na nagkaroon ng close contact, Ang araw ng pag quarantine ay magiging 7 na araw to 5 na araw.

Kung mas paikliin pa, isasagawa ang antigen test sa ika-2 at ika-3 araw, at kung pareho negatibo ang resulta, maaaring ikanselahin ang medical treatment period sa ika-3 araw.

url:https://www.mhlw.go.jp/content/000928216.pdf

https://www.city.nagoya.jp/kenkofukushi/page/0000149605.html

名古屋市役所 郵便番号:460-8508 愛知県名古屋市中区三の丸三丁目1番1号 電話番号:052-961-1111(代表) 所在地、地図

04/08/2022

★Serbisyo na pag-kuha ng vaccination certificate sa Convenience store.

Maaring makakakuha ng sertipiko ng pagbabakuna sa korona sa isang convenience store.

※Sa loob ng Nagoya City sa 7-Eleven lamang makakakuha.

※Kinakailangan ng My Number Card bago makakuha.

≪Araw ng pagsisimula≫
2022 Agosto 17 (Miyerkules)
・Everyday 6:30~23:00 maaring makuha

≪Mga kinakailangan ≫
1.My number Card
2.Issuance fee(120 Yen)

≪Pag-iingat≫
Upang makakuha ng sertipiko ng pagbabakuna sa ibang bansa sa isang convenience store, atbp., kinakailangang kumuha ng sertipiko ng pagbabakuna sa ibang bansa sa tanggapan ng lokal na pamahalaan o sa app pagkatapos ng Hulyo 21, 2022.

url:https://www.mhlw.go.jp/content/000965436.pdf

03/08/2022

★Pang-apat na dosis ng bakuna laban sa COVID-19

Ang ika-4 na vaccination voucher ay ipapadala sa lahat ng taong may edad na 60 pataas, gayundin sa mga may edad na 18 hanggang 59 na may iba't ibang sertipiko ng kapansanan, pagkatapos ng ika-3 pagbabakuna

5 buwan bago mapadala ang ika-4 na vaccination voucher.

Kahit ikaw ay karapat-dapat para sa pagbabakuna,kung hindi ka makakuha ng impormasyon tungkol sa pinag babatayan na sakit, kailangan mag-aplay para makakuha ng vaccination voucher.

Ang mga aplikasyon ay tinatanggap sa pamamagitan ng internet at mail.

https://www.city.nagoya.jp/kenkofukushi/page/0000153225.html

<Mga lugar ng malakihang pagbabakunahan>

Sa mga sumusunod na lugar, isinasagawa ang ika-3 at ika-4 na pag-babakuna.

〇Naka Ward Office Hall
〇Nippon Gaishi Forum (Minami Ward)
〇Aeon Town Arimatsu (Midori Ward)

url: https://www.city.nagoya.jp/kenkofukushi/page/0000136137.html

市民を対象とした新型コロナウイルスワクチンの接種について

【Kahilingan para sa mahabang bakasyon】Maraming tao ang gagala sa panahon ng Golden Week Holiday. Ang impeksyon ng COVID-...
27/04/2022

【Kahilingan para sa mahabang bakasyon】

Maraming tao ang gagala sa panahon ng Golden Week Holiday.
Ang impeksyon ng COVID-19 ay maaaring mabilis na kumalat sa buong bansa.
Magsuot ng mask, maghugas ng kamay nang madalas, umiwas sa maraming tao, at mag-ingat sa bawat kilos.

29/03/2022

★ Kung Kayo ay Nahawahan sa Loob ng Trabaho

Ang taong nagkaroon ng kontak sa isang pasyente sa panahon na posibleng mahawahan o nahawahan ay kailangang magsagawa ng mga sumusunod na hakbang sa panahon ng 7 araw (bilang pangkalahatang patnubay) mula sa araw ng kanyang huling kontak sa pasyente.

- Kunin ang inyong temperatura dalawang-beses araw-araw upang masuri ang inyong kalusugan

- Umiwas sa mga lugar na may mataas na posibilidad na makahawa (lugar na kung saan maraming tao ang kumakain o umiinom, o malalaking)

- Umiwas pumunta sa mga institusyon (ospital, nursing homes, atbp.)

- Kung kayo ay nakakaramdam ng sintomas, mangyaring sumangguni agad sa doktor.

Hindi naman pinagbabawalang lumabas. Hinihiling po namin ang inyong mahigpit na pag-iingat depende sa inyong kalagayan.

url: https://www.city.nagoya.jp/kenkofukushi/page/0000141409.html

Maraming salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa muli...

名古屋市役所 郵便番号:460-8508 愛知県名古屋市中区三の丸三丁目1番1号 電話番号:052-961-1111(代表) 所在地、地図

29/03/2022

★Serbisyong Konsultasyon Matapos Mabakunahan

Kami po ay nagbukas ng serbisyong konsultasyon sa pamamagitan ng telepono para mga mamamayan na patuloy na nakakaranas ng sintomas ng side-effect (di-nilalayong bisa) matapos mabakunahan.

Kung kayo ay nag-aalala sa mga nararanasang side-effect, kami ay magbibigay ng mga impormasyon hinggil sa mga institusyong medical o ospital, sistema ng kaluwagan para sa mga nabakunahan at pamamaraan para sa karampatang lunas.

Telepono: 090-1886-6370 at 090-1886-6380

Oras ng Bukas: Karaniwang Araw, mula 9:00 am – 5:00 pm (maliban sa Sabado’t Linggo)

Malayang sumagguni po sa amin!

url: https://www.city.nagoya.jp/kenkofukushi/page/0000136137.html

市民を対象とした新型コロナウイルスワクチンの接種について

★Katayuan ng bilang ng nabakunahan sa Lungsod ng Nagoya Nais po naming ipaalam ang katayuan ng bilang ng nabakunahan sa ...
29/03/2022

★Katayuan ng bilang ng nabakunahan sa Lungsod ng Nagoya

Nais po naming ipaalam ang katayuan ng bilang ng nabakunahan sa Lungsod ng Nagoya (hanggang ika-28 ng Marso).

Sa Kabuuan:
Ikalawang Bakuna: 85%
Ikatlong Bakuna: 42%

65 Taong-gulang, pataas:
Ikalawang Bakuna: 89%
Ikatlong Bakuna: 78%

20-29 Taong-gulang:
Ikalawang Bakuna: 76%
Ikatlong Bakuna: 15%

12-19 Taong-gulang:
2nd vaccination: 75%

18-19 Taong-gulang:
Ikatlong Bakuna: 10% (hindi kabilang ang 12-17 taong-gulang)

Ipagpatuloy po natin na laging ligtas ang ating sarili mula sa impeksyon.

Para sa kargdagang impormasyon: https://arcg.is/1TDeq1

14/03/2022

★Reserbasyon sa mga Pangmaramihan at Malakihang Lugar ng Bakuna

Nais po naming ipaalam na magsisimula ng tumanggap ng reserbasyon para sa bakuna sa mga sumusunod na lugar.

1. Nagoya Gaishi Forum

(1) Ang reserbasyon ay magsisimula sa ika-14 (Lunes) ng Marso, 9:00 a.m.
(2) Araw at oras ng bakuna:
Mula ika-15 (Biyernes) ng Abril hanggang Ika-15 (Linggo) ng Mayo
Magbubukas ng 9:00 a.m. hanggang 9:00 p.m.

*Maliban sa mga araw na may nagaganap na ibang event, at sa mga araw na sarado.

2. Naka Ward Office Hall

(1) Ang reserbasyon ay magsisimula sa ika-14 (Lunes) ng Marso, 9:00 a.m.
(2) Araw at oras ng bakuna:
Mula ika-15 (Biyernes) ng Abril hanggang Ika-14 (Sabado) ng Mayo
Magbubukas ng 10:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.

* Maliban sa mga araw na may nagaganap na ibang event, at sa mga araw na sarado.

Hinggil sa lugar ng paradahan:
Wala pong libreng lugar ng paradahan para sa mga taong magpapabakuna. Pumuntta sa mga nasabing lugar sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon.

Para sa karagdagang kaalaman:
https://www.city.nagoya.jp/kenkofukushi/page/0000136137.html

市民を対象とした新型コロナウイルスワクチンの接種について

★Kasalukuyang Kalagayan ng COVID-19 sa Lungsod ng Nagoya Nasi po naming ipaabot ang sitwasyon sa buwan ng Pebrero.・Total...
14/03/2022

★Kasalukuyang Kalagayan ng COVID-19 sa Lungsod ng Nagoya

Nasi po naming ipaabot ang sitwasyon sa buwan ng Pebrero.
・Total na bilang sa buwan ng Pebrero: 46,642
(Total na bilang sa buwan ng Enero: 27,268)


Kabuuang bilang ng kaso ng nag-positibo: 132,490
Bilang ng Namatay: 712

Nagsimula na naman ang panahon ng hay fever (kafun-sho). Mag-iingat po kayo.

https://arcg.is/1TDeq1

10/03/2022

★Bakuna para sa mga batang mula 5 ~ 11 taong-gulang

Uri ng Bakuna: Pfizer

Pagitan ng Bakuna: Kung nabakunahan bago o matapos ang bakuna para sa COVID-19, kailangang magbigay ng 13 araw na pagitan bago muling magpabakuna.



- Batay sa panuntunan, magbigay ng 13 araw na pagitan bago ang susunod na bakuna.

- Kung ang pasyente ay 11 taong-gulang sa panahon ng unang bakuna at naging 12 taong-gulang sa panahon ng ikalawang bakuna, ang ibibigay na ikalawang bakuna ay tulad din ng pambata. Kung ang pasyente ay inabot ng 12 taong-gulang sa panahon ng unang bakuna, ang ibibigay na bakuna ay para sa mga batang higit sa 12 taong-gulang.

- Sinuman ay maaaring mabakunahan kapag natanggap ang kupon para sa bakuna.

- Kailangang samahan ng magulang o tagapag-alaga ang bata kung pababakunahan.

- Ang magulang o tagapag-alaga na makakadalo sa paunang pagsusuri o bakuna ay ang kailangang magsama sa bata.

url: https://www.city.nagoya.jp/kenkofukushi/page/0000149668.html

名古屋市役所 郵便番号:460-8508 愛知県名古屋市中区三の丸三丁目1番1号 電話番号:052-961-1111(代表) 所在地、地図

09/03/2022

★Prayoridad na Hakbangin Upang Maiwasan ang Pagkalat ng Impeksyon

Ang panahon ng prayoridad na hakbangin upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon ay pinahaba sa Lalawigan ng Aichi.

Panahon: Hanggang ika-21 ng Marso (Lunes)



- Tiyakin sa panahon ng seremonya ng pagtatapos at pagsusulit ay ginaganap sa isang lugar na kung saan may sapat na distansiya sa mga tao, at magsagawa ng mahigipit na pag-iingat upang maiwasan ang mahawa.

- Iwasan ang paglulunsad ng mga salu-salo, tulad ng pagsalubong at pamamaalam o pagtatapos na kung saan mayroong kainan o inuman

- Iwasan ang pagsama sa mga paglalakbay dahil sa pagtatapos at pagbiyahe kasama ang mga kaibigan.

- Tiyakin ang pag-iingat upang maiwasan na mahawahan sa mga pana-panahong pagtitipon tulad ng, hanami at piyesta sa panahon ng tagsibol.

Maraming Salamat po sa inyong kooperasyon.

Kumusta na po kayong lahat?Ito po ang kasalukuyang katayuan ng COVID-19 sa Lungsod ng Nagoya (hanggang ika-6 ng Marso)No...
09/03/2022

Kumusta na po kayong lahat?

Ito po ang kasalukuyang katayuan ng COVID-19 sa Lungsod ng Nagoya (hanggang ika-6 ng Marso)

Noong nakaraang linggo mula ika-28 ng Pebrero ~ ika-6 ng Marso
- 8,166 na positibong kaso
-429 namatay

Mula ika-21 ng Pebrero ~ ika-27 ng Pebrero
- 8,654 na positibong kaso
- 39 namatay

Kabuuang bilang ng positibo: 125,359
Kabuuang bilang ng namatay: 679

Patuloy po tayong mag-ingat.
https://arcg.is/1TDeq1

03/03/2022

★Hindi Magandang Reaksyon ng Bakuna at Serbisyong Konsultasyon



Kaligtasan: Ang hindi magandang reaksyon sa loob ng 7 araw matapos mabakunahan ay katanggap-tanggap sa usapin ng kaligtasan kahit na ang uri ng bakuna ay iba sa una at pangalawang bakuna.

Bisa: Ang antibodies ay lubos na dumadami kahit na ang natanggap na bakuna ay Pfizer sa una at pangalawang bakuna, at Moderna naman sa pangatlong bakuna.

Naiulat na ang ikatlong bakuna ng Moderna ay nagdudulot ng mas kaunting sintomas matapos mabakunahan tulad ng lagnat at pagkapagod kaysa sa ikalawang bakuna. Ang dosis para sa ikatlong bakuna ay kalahati ng dosis na ginamit sa una at pangalawang bakuna.



☆Tanggapan ng Konsultasyong Pangkalusugan
Telepono: 052-954-6272
Oras: 9:00 am hanggang 5:30 pm (bukas sa Sabado’t Linggo at piyesta opisyal)

☆Serbisyo sa Gabi at Piyesta Opisyal
Telepono: 052-526-5887
Oras: 5:30 pm hanggang 9:00 am ng susunod na araw (karaniwang araw) (bukas ng 24 oras sa Sabado’ Linggo at piyesta opisyal)

url: https://www.city.nagoya.jp/kenkofukushi/page/0000136137.html

市民を対象とした新型コロナウイルスワクチンの接種について

03/03/2022

★Iskedyul ng Pagpapadala ng Kupon para sa Bakuna

Nais po naming ipaalam ang mga iskedyul ng pagpapadala ng mga kupon para sa bakuna.

<Para sa mga nais makatanggap ng Ikatlong Bakuna (para sa mga 18 taong-gulang pataas)>

Petsa ng Ikalawang Bakuna: Petsa ng Pagpapadala ng Kupon para sa Bakuna
Mula ika-26 ng Agosto Hanggang ika-7 ng Septiyembre: ika-7 ng Marso
Mula ika-8 ng Septiyembre Hanggang ika-14 ng Septiyembre: ika-14 ng Marso
Mula ika-15 ng Septiyembre Hanggang ika-22 ng Septiyembre: ika-22 ng Marso
Mula ika-23 ng Septiyembre Hanggang ika-28 ng Septiyembre: ika-28 ng Marso


Para sa mga bata 9-11 taong-gulang: ika-28 ng Pebrero
Para sa mga 7-8 taong-gulang: ika-14 ng Marso
Para sa mga 5-6 taong-gulang: ito ay ipapaalam sa panahon na napagpasyahan.

- Ito ay maaaring tumagal ng ilang araw mula sa petsa ng pagpapadala bago makarating.

- Ang mga sumusunod ay kailangang mag-aplay ng kupon para sa bakuna.
・Mga nabakunahan sa ibang bansa
・Mga lumipat sa Lungsod ng Nagoya pagkatapos ng Ikalawang Bakuna.

url: https://www.city.nagoya.jp/kenkofukushi/page/0000136137.html

市民を対象とした新型コロナウイルスワクチンの接種について

Kumusta na po kayong lahat?Ito po ang kasalukuyang katayuan ng COVID-19 sa Lungsod ng Nagoya (hanggang ika-27 ng Pebrero...
03/03/2022

Kumusta na po kayong lahat?

Ito po ang kasalukuyang katayuan ng COVID-19 sa Lungsod ng Nagoya (hanggang ika-27 ng Pebrero)

Noong nakaraang linggo mula ika-21 ng Pebrero ~ ika-27 ng Pebrero
- 8,654 na positibong kaso
- 39 namatay

Mula ika-14 ng Pebrero ~ ika-20 ng Pebrero
- 11,033 na positibong kaso
- 52 namatay

Kabuuang bilang ng positibo: 117,193
Kabuuang bilang ng namatay: 637

Patuloy po tayong mag-ingat.

https://arcg.is/1TDeq1

23/02/2022

★ Reserbasyon sa mga Lugar ng Pang-maramihang Bakuna sa Lunsod ng Nagoya

1. Naka Ward Office Hall
Petsa ng Pagtanggap ng Reserbasyon: ika-22 ng Pebrero 2022 (Martes) mula 9:00 am.
Aplikableng Petsa at Oras: ika-14 ng Marso (Lunes) – ika-14 ng Abril (Huwebes), 10:00 a.m. - 8:00 p.m.
Uri ng Bakuna: Moderna
2. Nippon Gaishi Forum
Petsa ng Pagtanggap ng Reserbasyon: ika-14 ng Marso 2022 (Lunes), mula 9:00 am
Aplikableng Petsa at Oras: Ipapaalam na lamang ito sa hiwalay na anunsiyo.
Uri ng Bakuna: Moderna

★ Paano Makakuha ng Reserbasyon:
- On the Internet:
https://ven.s-kantan.jp/city-nagoya-v-u/reserve/offerList_initDisplayTop.action;jsessionid=C7E7BFA48DF146D033F6FCA8A835D1EB.d1diwap36

- Phone: 050-3135-2252 ( 9:00 am ~ 5:30 pm)

★ Iba Pang Paalala
- Gumamit ng pampublikong transportasyon sa pagpunta sa lugar.
- Maaari ding kumuha ng reserbasyon para sa Nagoya Congress Center.
- Magdala ng dokumentto namagpapakila sa inyo (lisensiya, health insurance card, atbp.) at ang inyong kupon para sa bakuna (kasama ang “palatanungan” bago ang bakuna).
- Magsuot ng damit na madaling mailalabas ang inyong braso.

23/02/2022

★ Pagtatayo ng mga Serbisyong Konsultasyon para sa Pagpapabakuna ng mga Bata

Ang bakuna para sa mga bata mula sa edad na 5~11 taong gulang ay magsisimula sa Marso 2022. Dahil dito, itinayo ang mga lugar ng konsultasyon na kung saan maaaring kumonsulta ang mga batang maaaring mabakunahan at ang kanilang magulang hinggil sa pagpapabakuna.

Petsa ng Pagtatayo: ika-21 ng Pebrero, 2022 (Lunes)

Phone number: 050-3205-1661

Oras: 9:00 a.m. to 5:30 p.m. (kasama ang Sabado’t Linggo at piyesta opisyal)

Nilalaman ng Serbisyo: Konsultasyon at pagbibigay ng impormasyon hinggil sa pagpapabakuna ng mga bata.

Kumusta na po kayong lahat?Ito po ang kasalukuyang katayuan ng COVID-19 sa Lungsod ng Nagoya (hanggang ika-20 ng Pebrero...
23/02/2022

Kumusta na po kayong lahat?

Ito po ang kasalukuyang katayuan ng COVID-19 sa Lungsod ng Nagoya (hanggang ika-20 ng Pebrero)

Noong nakaraang linggo mula ika-14 ng Pebrero ~ ika-20 ng Pebrero
- 11,033 na positibong kaso
- 52 namatay

Mula ika-7 ng Pebrero ~ ika-13 ng Pebrero
- 11,872 na positibong kaso
- 38 namatay

Kabuuang bilang ng positibo: 108,539
Kabuuang bilang ng namatay: 598
Patuloy po tayong mag-ingat.

https://arcg.is/1TDeq1

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nagoya C O V I D-19 Impormasyon mula sa Naka Ward posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share