01/12/2022
ANO BA ANG VERTIGO?
Kapag nahihilo ang isang tao, isa lang sa dalawang klase ang pinagdududahan niyang sakit niya: mataas ang presyon o vertigo. Madaling makumpirma ang unang nabanggit. Magpakuha lamang ng presyon gamit ang device na pang-blood pressure (BP), malalaman na kung beyond normal ang BP niya. Mas mahirap makumpirma ang vertigo.
Ano ang vertigo at mga sintomas nito?
Ang vertigo o benign paroxysmal positional vertigo (BPPV) ay isang uri ng karamdamang may kinalaman sa pagkahilo. Ito ay konektado sa loob na parte ng tainga na siyang may kinalaman sa balanse at paggalaw ng katawan ng tao. Kapang nakaramdam ang isang indibidwal na tila umiikot ang kaniyan kinaroroonan, malaki ang tsanasa na siya ay may vertigo. Ang karamdamang ito ay nagdudulot ng matinding pagkahilo. Ang ibig sabihin, hindi karaniwang hilo lamang ang nararamdaman.
Ang taong may vertigo ay maaaring magduwal at magsuka sa sobrang hilong nararamdaman. Sobra rin kung mapawisan ang pasente ng sakit na ito. Ang mga indibidwal na mayroon nang malalang kundisyon ng vertigo ay nawawalan na ng balanse sa katawan na maaaring magresulta sa kanilang pagkabuwal o pagkatumba. Higit pa dito, sa tuwing aatake ang sakit na ito, mas pinalalala pa ang sintomas ng kaunting paggalaw ng bahagi ng ulo. Nagbabago rin ang posisyon ng katawan. Kapag ganito ang nangyayari, nakakarinig din ng parang nagkukuliling sa loob ng tainga. Ito ay tinatawag na tinnitus.
Mga Sintomas:
1. Matinding pagkahilo sa paggising o di kaya naman, pagbangon
2. Pinagpapawisan nang butil-butil at malamig
3. Naduduwal at parang nasusuka ang pakiramdam
Ang vertigo ay nagsusuka sa mabilis na pagbabago ng posisyon ng ulo kaya kadalasan sa tuwing sinusumpong, ang mga nabanggit ay agarang nararamdaman. Ang taong nagkakaroon ng vertigo ay kadalasang lumalala ang stress sa buhay, mapa sa trabaho o pamilya man iyan. Madalas ding nakukulangan sa tulog ang taong may ganitong karamdaman.
Mag Vita plus Guyabano para sa vertigo.