20/08/2025
Ama at Madrasta ng 7-Anyos, Inarésto sa Pangasinan Kaugnay ng Karûmal-dûmàl na Krîm3n
Nayanig ang Pangasinan matapos matagpuan ang katawan ng isang 7-anyos na batang babae sa baybayin ng Bonuan Gueset, Dagupan City noong Agosto 15.
Ang bîktîmá, isang Grade 2 student mula Barangay Bantog, Asingan, ay naiulat na nawawala noong Agosto 14 matapos sapilitang isakay sa isang Toyota Fortuner sa tapat ng kanilang bahay. Kinagabihan, natagpuan ng mga mangingisda ang katawan ng bata sa tabing-dagat, na may tatlong hiwa sa leeg ayon sa medico-légél examination.
Kinilala ng mga awtoridad na ang mga pangunahing sûspek ay mismong ama at madrásta ng bîktîmá. Ayon kay Police Lt. Col. Lawrence Keith Calub ng Dagupan City Police Station, nahuli ang dalawa sa Sison, Pangasinan matapos kilalanin ng mga testigó at iugnay sa nirentahang Fortuner na ginamit umano sa kr¡mén.
“Nakikita natin na motive dito is veng3ánce… about ito sa support, misc4rriagé, post-partum effects… pero ang nakikita natin is paghihiganti,” ani Calub.
Samantala, nanindigan ang ina ng b¡kt¡má na hindi siya titigil hangga’t hindi napapanagot ang mga responsable sa págkámátáy ng kanyang kaisa-isang anak.