Raccomandazioni per il rafforzamento del tessuto

  • Home
  • Raccomandazioni per il rafforzamento del tessuto

Raccomandazioni per il rafforzamento del tessuto Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Raccomandazioni per il rafforzamento del tessuto, Health & Wellness Website, .

https://youtu.be/jE9DgpRrVtI
07/07/2021

https://youtu.be/jE9DgpRrVtI

KNEE PAIN: Massage at StretchingVideo ni Doc Willie Ong . Ipa-masahe ang masel sa taas at baba ng tuhod (hita at binti). Puwedeng nanigas ito kaya masa...

BAKIT MADALAS SUMASAKIT ANG LIKOD KO?ANG sakit sa likod at balakang ay nararamdaman ng halos lahat ng tao. Kung ika’y so...
06/07/2021

BAKIT MADALAS SUMASAKIT ANG LIKOD KO?
ANG sakit sa likod at balakang ay nararamdaman ng halos lahat ng tao. Kung ika’y sobra sa timbang, may problema sa likod (tulad ng Scoliosis), o hindi nag-eehersisyo, mas maaga mo itong mararamdaman.

Bakit sumasakit ang likod?

Ang kadalasang dahilan ng pagsakit sa likod ay ang muscle strain o sprain, o iyung sakit ng kalamnan. Para bang na-pilay ang likod. Ang sanhi nito ay ang pagkapuwersa sa masel sa likod dahil sa
(1.) maling posisyon sa pagtulog;
(2.) maling pag-upo (naka-kuba);
(3.) maling pagbubuhat (nakayuko kung magbuhat) o nagbuhat ng sobrang bigat;
(4.) sobra sa timbang, at
(5.) pagka-edad (arthritis).

MADALAS BANG MASAKIT ANG TUHOD MO?Ang sakit sa tuhod ay nararamdaman ng maraming tao. Kadalasan ito ay nag-uumpisa sa ed...
05/07/2021

MADALAS BANG MASAKIT ANG TUHOD MO?

Ang sakit sa tuhod ay nararamdaman ng maraming tao. Kadalasan ito ay nag-uumpisa sa edad 40 pataas. Ang pangunahing dahilan ng pagsakit ng tuhod ay ang arthritis, isang sakit ng pag-edad.
Kung ika’y sobra sa timbang, mas maagang sasakit ang tuhod mo. Kung sobra ka rin sa ehersisyo, tulad ng mga runner, kickboxer o basketball player, puwedeng mapuwersa ang iyong tuhod.
Ano Ang Dapat Iwasan?
• Huwag mag-buhat ng mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin, magpatulong sa isang kasama para kalahati lang ang bigat.
• Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagdanan. Malaki ang stress sa tuhod ng paggamit ng hagdan.
• Huwag tumayo o mag-lakad ng matagal. Umupo paminsan-minsan at magpahinga. Mas relaks ang tuhod kapag tayo’y nakaupo.
• Huwag mag-high heels. Alam kong mas sexy ang babae kapag naka-high heels, pero malaki din ang stress nito sa ating tuhod.
• Huwag lumuhod sa sahig. Nakasisira ito ng tuhod. Kapag ika’y nasa simbahan, gamitin ang malambot na kutson para sa iyong tuhod.
Ano Ang Dapat Gawin?
• Kung ika’y sobra sa timbang, kailangan magpapayat. Hindi kasi kaya ng tuhod ang bigat ng iyong tiyan!
• Bumili ng rubber shoes o malambot na sapatos. Mag-tsinelas ng makapal ang swelas. Makatutulong ito para hindi matagtag ang tuhod.
• Palakasin ang masel sa ating hita. May mga ehersisyo para dito. Puwede ang stationary bike o magbending exercise ng bahagya lang (Half squat at hindi full squat.). Masama ang sobrang pagbaluktot ng tuhod lampas sa 90 degrees.
• Kapag umiinit ang tuhod sa matagalang paglalakad, puwedeng lagyan ng malamig na bag o cold compress.
• Palakasin ang buto. Uminom ng skim milk (gatas) na may maraming calcium. Para sa mga kababaihan, uminom din ng calcium supplements.
• Kapag hindi nawala ang sakit sa tuhod, magpa-konsulta sa isang orthopedic surgeon o rheumatologist.
• Hindi pa tiyak ang benepisyo ng Glucosamine at chondroitin tablets. Ang supplement na ito ay posibleng makabawas sa sakit ng ating tuhod at kasu-kasuan (joints). Magtanong sa inyong doktor.
• Tandaan: Ingatan at alagaan ang tuhod. Huwag puwersahin at tagtagin sa trabaho. Ipahinga ang tuhod para humaba ang gamit natin nito. Good luck po

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Raccomandazioni per il rafforzamento del tessuto posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram