
26/05/2023
Tara na't mag-MABILISation para sa MIMAROPANs!
Ito ay isang Fast Action Strategy para sa ating kampanya ng MR-bOPV Supplemental Immunization Activity (SIA) na naglalayon na ipakita ang aming paghanga at suporta sa bawat LGU na nagsusumikap pataasin ang coverage ng pagbabakuna laban sa rubella, tigdas at polio.
Mabibigyan ng gantimpala ang mga barangay, munisipyo/component city, at probinsiya/HUC (ayon sa kategorya) na makakaabot ng 95% MR Accomplishment Rate sa ganap na 10:00 ng gabi sa ika-pitong araw pagkatapos ng huling araw ng kampanya.
Ang lahat ng mananalo ay dadaan sa maingat na pagsusuri at pagpapatunay ng DOH CHD MIMAROPA Screening Committee.