05/04/2020
MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SAKIT NA BATO SA APDO/GALLSTONE oh CHOLELITHIASIS
MGA PAMAMARAAN SINTOMAS AT LUNAS upang maiwasan ang Operation or gallbladder removal.
Basahin hangang baba...
Ano po ang biliary sludge o kilala sa salitang gallstone?
Eto po ay ang namumuong fluid o tumitigas na apdo o bile sa gallbladder, maaaring dahil sa barado ang daanan ng apdo na tinatawag na bile duct (maaaring may parasites na namuo at naging cyst sa bile duct) at panghihina ng atay dahil sa sobrang daming dumi, toxins, parasites ng dugo na kailangang palabasin ng atay. Major cause po nito ay toxic bowel o maruming colon o bituka.
Ano ang gallbladder?
Ito ay imbakan ng atay ng tinatawag na bile o apdo.
Ano po ba ang bile?
Ang bile ay yellow-brown fluid na inilalabas ng liver at dinadala sa gallbladder at doon itinatago habang hindi pa ginagamit. Ito ay pangdigest ng mga matatabang ating kinain at dito rin pinapadala ng liver ang mga dumi na kailangan nyang itapon o ilabas sa ating katawan sa pamamgitan ng pagtae
Ang atay din ay maaaring magdisisyon kung ang mga itatapon nyang dumi ay ipapadaan nya sa kidney at ito ang maglalabas sa pamamgitan ng pag-ihi.
Bukod sa pangtunaw ng ating kinaing fats ito ay bumabalanse ng acid sa ating bituka dahil ito ay sobrang alkaline at ito pumapatay ng mga bacteria, virus, parasites at ibat-ibang uri ng mikrobyo na nasa ating bituka.
Ito ay binubuo ng tubig, asin, fatty acids, cholesterol, lecithin, bilirubin at mucus.
Ang atay ay gumagawa ng bile sa maghapon ng halos isang litro.
Kaya napakahalaga na ang bile ay makakalabas sa gallbladder o hindi mahahadlangan ang paglabas nito, dahil ito ay may dala-dalang mga dumi na pangtapon, pangtunaw ng fats at pamatay ng mga sari-saring mikrobyo ( katulong ito ang ating immune system at digestive system)
Ano ang ginagawa ng bile?
Pagkatapos kumain ang atay ay magmamando sa gallbladder upang ilabas ang bile, ito ay magcocontract upang mailabas ito sa bile duct o sa daanan nito papunta sa unang section ng bitukang maliit (duodenum) upang tunawin ang taba sa kinain natin, patayin kung may mga mikrobyo tayong nakain at panatilihing malakas ang ating digestive at immune system.
Ano ang kinalaman ng atay sa pamumuo ng gallstones?
Ang atay ang nagdidisisyon kung kelan nya gagamitin o palalabasin ang bile sa gallbladder. Kapag ang atay ay sobrang napagod na at nanghina dahil sa sobrang dami ng kanyang trabaho lalo na sa pagpapalabas ng lason sa ating katawan na paulit-ulit nyang ginagawa lalo kung tayo ay kumakain ng napakasasamang pagkain, nakakainom ng inuming marumi at makemikal tulad ng energy drinks, softdrinks, instant na kape etc., mga gamot na halos reseta sa atin ng mga conventional doctors o mga gamot na agad nabibili sa botika na walang habas sa pag-inom lalo ang mga pain reliever at antibiotics, maruming hangin na nalalanghap at napakarami pang ibang nakakapagparumi sa ating dugo na kailangang laging palabasin ng ating atay na dahilan naman ng ikakapanghina nito kung palaging loaded ng dumi o toxins ang ating dugo, darating ang oras na hindi na sya makakapagmando sa pagpapalabas ng mga dumi sa ating dugo.
Ang atay kasi ang nagsisilbing pinaka-manager ng ating katawan, sya ang nagdidisisyon kung kelan ito gagamitin, kelan palalabasin, aling organ ang uutusan nyang magpapalabas ng lason, etcetera.
Kapag mahina na ito hindi nya na magagawa ang kanyang tungkulin, dito na mag-uumpisang magsilitawan ang sari-saring mga sakit at isa na dito ang pamumuo ng gallstones.
Ano ang palatandaan na hindi nakakalabas ang bile at namumuo na ito?
Utot ng utot dahil sa pagkaing hindi natunaw na pinagpipyestahan ng mga bad bacteria kaya naglalabas ng maraming hangin o gas dahil sa kawalan ng bile na panunaw at pamatay sa mga bad bacteria, parasites o ibat-ibang mikrobyo.
Pagsakit ng sikmura o pagkakaroon ng tinatawag na ulcer at gastritis.
Pagdami ng acid o pag-akyat nito sa bibig (GERD)
Pagsakit sa halos buong tiyan dahil sa pagdami ng hangin o gas sa maliit at malaking bituka.
Pagsakit ng balakang at ng likod.
Pagsakit sa ilalim ng kanang bahagi ng rib cage hanggang sa likuran at sa kanang bahagi ng likod mula sa may parang pinakapakpak o scapula.
Hindi pagtae ng regular, maaaring sa kakulangan ng bile at iba pang panunaw.
Pagtaas ng cholesterol sa dugo.
Hirap ng paghinga o heartburn.
Masakit na dibdib
Pakiramdam na busog o hindi natutunawan.
Minsan naninilaw ng balat at mata kapag sobrang dami na ng bilirubin sa dugo.
Malaki ang parte ng regular na paglabas ng bile sa pagkakaroon ng matibay at malakas na immune system at syempre sa hindi pagkamuo ng gallstones. Ang kalahati ng immune system natin ay maituturing na nasa bituka o 'yong tinatawag na intestinal immune system na ang trabaho po nito ay masmahirap kesa sa immune system (sa dugo bihira ang pinapatay na mikrobyo na tinatrabaho ng lymphatic at immune system), hindi katulad ng bituka ito ay expose lagi sa napakaraming bad bacteria, parasites, microbes at fungi, lalo kung 'di regular tumatae o bihirang nalilinis ang bituka.
Kaya napakalaki po ang maitutulong ng paglilinis ng colon para makaiwas sa gallstones o sa biliary sludge at syempre sa halos lahat na ng sakit..
Kapag maayos ang daloy ng bile ay magkakaroon tayo ng built-in na panlaban sa parasites at ibat-ibang mikrobyo at syempre iwas sa pagkamuo ng gallstones dahil lalakas ang ating immune system.
Kapag mahina ang intestinal immune system natin, magkakaron tayo ng tinatawag na autoimmune disease o 'yong sakit na.. immune system mismo natin ang umaatake sa ating katawan sabi ng mga conventional doctors pero kung talagang masusuri ng husto ito ay dahil sa paglalabas ng sobrang sundalo sa katawan o pupuksa sa kaaway (mga sari-saring mikrobyo)
Ang pagkakaroon ng sakit na bato sa apdo ay matutukoy lamang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ultrasound sa hepatobiliary tree (ito ang tawag sa kabuuang sistema ng atay, apdo at ng mga daanan nito). Kapag ang bato sa apdo ay napabayaan, maaaring kumplikasyon ang maaaring idulot nito katulad ng mga sumusunod: i) cholecystitis – pamamaga ng apdo na siyang dahilan ng matinding pananakit ng tiyan; ii) pinipigil nito ang natural na daloy ng mga kemikal sa bile ducts na maaaring sumira sa atay na siyang sanhi ng paninilaw ng balat at mata (jaundice); iii) matinding lagnat; at iv) sinisira ang balanse ng aktibidad sa hepatobiliary tree na maaaring ikamatay ng may sakit.
Karaniwang ipinapayo ng doktor ay operasyon o pagtanggal ng bato sa apdo. Malaking pera ang kakailanganin para sa operasyon. Ngunit merong mkabago at natural na pamamaraan kung paano tanggalin ang bato sa apdo. Upang makaiwas sa operasyon ang isang tao na may bato sa apdo. Ang pamamaraan na ito ay mabuti rin sa mahina ang atay dahil ang atay at apdo ay magkadikit.
Papaano po tayo makakaiwas sa gallstones o biliary sludge?
Palakasin ang atay
Paano? Iwas tayo sa mga pagkaing alam nating magpapahirap o makakapagpahina lang sa ating atay o pagkain ng magdadagdag ng toxins sa dugo, tulad ng:
Fatty food, processed food, junk food, fast food, fried food, coffee, softdrinks o soda energy drinks, canned food, at iwas sa mga gamot tulad ng mga pain reliever anti-biotics etc.
Kumain ng maraming gulay at prutas, uminom ng maraming tubig maliban sa gabi kung kelan malapit na matulog at wag isasabay ang pag-inom habang kumakain dahil ito ay makakahadlang sa digestion. 30mins to 1hr before or after meal pweding uminom kung maaari.