23/03/2018
NAIYAK AKO SOBRA!!!💔😭🙏
(THIS STORY WILL CHANGE UR LIFE)
KWENTONG PUNONG-PUNO NG ARAL
"ANG SINUNGALING NA INA"
Ang kuwento ay nagsimula noong bata pa ako; Ako ay isang anak ng isang maralitang pamilya. Wala kaming sapat na pagkain. Kapag oras na ng pagkain, madalas na binibigyan ako ng nanay ng kanyang bahagi ng kanin. Habang nilalagay niya ang kanyang kanin sa aking mangkok, sasabihin niya "Kainin mo na ito anak, hindi pa naman ako gutom."
Iyon ang Unang Kasinungalingan ni Nanay.
Nang lumaki na ako, ang nanay tuwing may bakanteng oras ay umaalis upang mangisda sa isang ilog na malapit sa aming bahay, umaasa siya na sa isda na mahuli niya ay mabigyan niya ako ng kaunting masustansyang pagkain. Pagkatapos ng pangingisda, magluluto siya ng ilang sariwang sinabawang isda, na nagpapataas ng gana ko. Habang kumakain ako ng sinabawang isda, ang nanay ay umupo sa tabi ko at kumain ng natirang laman ng isda na nasa buto pa ng isda na aking kinain. Naawa ako kay nanay nang makita ko iyon. Pagkatapos ay kumuha ako ng kaunti gamit ang tinidor at ibinigay ang natitrang isda sa kanya. Ngunit agad siyang tumanggi at nagsabing "Kainin mo lang yan anak. Hindi ko talaga gusto ang isda."
Iyan ang Ikalawang Kasinungalingan ni Nanay.
Pagkatapos, nang ako ay nasa Junior High School ...... upang pondohan ang aking pag-aaral, ang nanay ay nananahi ng basahan(pot holder) at binibinta sa kanto. Nagbigay ito sa kanya ng kaunting pera upang matustusan ang aming mga pangangailangan. Minsan isang gabe nagising ako mula sa aking pagtulog at tiningnan ko ang aking ina na gising pa rin, nakasindi ang isang maliit na ilaw ng kandila at may pagtitiyaga patuloy siya sa kanyang gawaing pananahi. Sinabi ko, "Nay, matulog ka na, at bukas ng umaga ay kailangan mo pa ring magtrabaho. Sumagot si nanay at sinabi" Magtulog ka na anak. Hindi pa naman ako pagod."
Iyan ang Pangatlong Kasinungalingan ni Nanay.
Nang dumating ang Final Exam sa School. Ang nanay ay humingi ng pahintulot mula sa trabaho upang samahan ako. Habang mainit ang araw, ang nanay ay naghintay para sa akin sa ilalim ng init ng ilang oras. At ng tumunog na ang bell na nagpapahiwatig na ang pangwakas na pagsusulit, si Nanay ay agad na sinalubong ako at nag alok sa akin ang isang tasa ng juice na dinala niya sa isang baso. Nakikita ko ang aking ina na natatakpan ng pawis, kaagad kong binigyan sa kanya ang juice at hiniling sa kanya na uminom din. Sinabi ni Nanay na "Inumin mo lng yan anak, hindi pa naman ako nauuhaw!"
Iyon ang Ikaapat na Kasinungalingan ni Nanay.
Matapos ang pagk**atay ng aking ama dahil sa karamdaman, ang aking nanay ay kailangang sumalo ng kanyang tungkulin at bilang nag-iisang magulang. Kailangan niyang pondohan ang aming mga pangangailangan. Ang buhay ng aming pamilya ay mas naging kumplikado. Walang araw na walang pagdurusa. Nagiging mas masahol pa ang kalagayan ng aming pamilya, at sa tulong ng aking tiyuhin na nakatira malapit sa aming bahay ay tinutulungan kami upang makaraos. Madalas pinayuhan ng aming mga kapitbahay ang aking nanay na mag-asawa muli. Ngunit ang nanay ay matigas ang ulo at binabaliwala lang ang kanilang payo; Sinabi niya "Hindi ko kailangan ang pag-ibig."
Iyan ang ikalimang Kasinungalingan ni Nanay.
Pagkatapos kong matapos ang aking pag-aaral at nakakuha ako ng trabaho, oras na para sa aking matandang ina na magretiro. Ngunit hindi niya gusto; pumupunta siya sa lugar ng pamilihan tuwing umaga, upang magbenta ng ilang gulay upang matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Ako na nagtrabaho sa ibang lungsod, ay madalas na magpadala sa kanya ng pera para tulungan siya, sa kanyang mga pangangailangan, ngunit ayaw nya na tatanggapin ang pera. Kung minsan, ipinapadala pa rin niya ang pera sa akin. Sinabi niya "Mayroon akong sapat na pera."
Iyan ang ikaanim na Kasinungalingan ni Nanay.
Matapos makapagtapos sa isang Bachelors Degree, ay patuloy akong kumuha ng Masters Degree. Pinondohan ito ng isang kumpanya sa pamamagitan ng isang scholarship program. Sa wakas ay nakapagtrabaho ako sa kumpanya na may isang malaking suweldo. At dahil diyan ay nilayon kong dalhin ang aking nanay upang tamasahin at maranasan naman nya ang magandang buhay. Ngunit hindi gusto ng aking ina na mag-abala pa ako sa kanya. Sinabi niya sa akin, "Hindi ako sanay diyan."
Iyon ang ikapitong Kasinungalingan ni Nanay.
Sa kanyang katandaan, ang ina ay nagkaroon ng kanser sa tiyan at kailangang maospital. Ako, na nanirahan sa malayo na nasa ibayong dagat ay umuwi sa bahay upang bisitahin ang pinak**amahal kong ina. Nakahiga siya sa kanyang k**a matapos magkaroon ng operasyon. Si nanay na may katandaan na ay nakatingin sa akin na may malalim na pag-iisip. Sinubukan niyang ipakita ang kanyang ngiti sa kanyang mukha ... itoy kapansin-pansin na pinipilit nya lang ipakita. Maliwanag na ang sakit nya ay ang dahilan ng paghina ng kanyang katawan. Talangang makikita mo na siya ay mahinang mahina. Tinitigan ko ang aking ina na may mga luha na dumadaloy. Ang aking puso ay nasaktan, ... nasaktang makita ang aking ina sa kalagayang iyon. Ngunit ang nanay sa kanyang kunting lakas ay sinabing "Huwag kang umiyak mahal ko, wala naman akong nararamdamang sakit."
Iyon ang ikawalo at huling Kasinungalingan ni Nanay.
Matapos sabihin ang kanyang ikawalong kasinungalingan, ipinikit na ng aking pinak**ahal na ina ang kanyang mga mata magpakailanman.
- Kung nabasa at nagustuhan mu ay pakisulat lamang ang "AMEN" at ishare kung mahal mu ang iyong kaisa-isang nanay.
---> Kung Gusto Mo Pa Maka Basa Ng Maraming Story Add/Follow Mo Lang si Jr Catamio Maraming Salamat Po