02/06/2023
Hindi lahat po nasa Hospital
Pagsinabi po ba na nurse sa ospital lng ba nagtatrabaho?
Pagsinabi po ba na nurse white uniform / scrub suit ba ung suot na damit?
Pagsinabi po ba na nurse yung sapatos puti dapat?
Nurse naman po ako pero…
Hindi po ako sa ospital nag tatrabaho. Sa isang construction company po ako nagtatrabaho bilang isang nurse sa isang construction site…
Nurse naman po ako pero…
Hindi white uniform / scrub suit ung suot ko na damit. May uniform naman po ako pero uniform na binibigay ng company at reflectorized vest with company ID no. printed at the back ( kadalasan na suot ng isang construction worker 😊 )
Nurse naman po ako pero…
Hindi po puti na rubber shoes o duty shoes ung ginagamit ko kundi safety shoes po.
Nagtapos ko po ung Nursing ko po noong March 2010 nag take ng board December 2010 and passed the exam. Hindi po ako nag apply sa hospital kagaya ng iba. Nahire po ako sa LGU bilang Ambulance Nurse from January 2011 hanggang March 2015
I resigned last march 2016 and applied as an OHN (Occupational Health Nurse) at a Construction company at natanggap po ako. Hindi lng po pag fifirst aid ang trabaho po ng isang nurse sa isang construction dahil meron naman po first aider sa bawat company pero pag wala or di na kaya ni first aider si nurse na po ung maghahandle sa patient. Developing and implimenting health and safety programs. Developong disease prevention programs kagaya po ng tubercolosis prevention program, HIV-AIDS prevention program, Vaccination Program etc. Depending po sa documents or data po ng illness and injuries within the workplace. For example mataas ung data mu sa ubo for the month of novembe. Panu mu kaya mapapababa ung Cough for the next months to come. Pwedeng smoking cesation program dahil smoking related ung cough nang mga workers.
“Bakit hindi sa hospital? Bakit sa construction? Sayang sa hospital ka nlng sana?Di ka na nyan makapag abroad pag ganun!” Yan po ung kadalasang mga tanong bakit ko pinili na dito po mag trabaho. Hindi nmn porket nurse ako kailangan na sa ospital na ako magtrabaho. Occupational Health Nursing ay branch din po ng pagiging nurse. Pinili ko din po tong field na to dahil gusto ko rin po ipakita na ang pagiging nurse ay hindi lng sa hospital pwedeng magtrabaho. Gusto ko iprove na theres more other than being a nurse in a hospital. Work abroad? Yes pwede. Search nyu nlng po kay pareng google.
Salamat po sana makatulong sa mga nurses and future nurses.
“PROUD PO AKO SA TRABAHO KO BILANG ISANG NURSE”
Kaway kaway sa mga kapwa ko OH Nurses!! 😊
-NurseHUMVEE