ValueMed Jade Building 71 Aurora Blvd, QC

  • Home
  • ValueMed Jade Building 71 Aurora Blvd, QC

ValueMed Jade Building 71 Aurora Blvd, QC ValueMed located at Jade Building 71 Aurora Blvd, Quezon City, Metro Manila

February is National Cancer Awareness month!🎗🎀
14/02/2025

February is National Cancer Awareness month!🎗🎀


Ngayong buwan ng Pebrero, ating ipinagdiriwang ang National Cancer Awareness Month at World Cancer Day, na may temang "United by Unique". 🎀

Sa ating laban kontra kanser, magkaisa tayo sa layuning makapagbigay ng suporta at tulong sa mga taong apektado ng kanser dahil Bawat Buhay Mahalaga.

🔍 Mahalaga ang early detection. Gawing routine ang pagpapa-cancer screening.
🚭💖 Simulan ang healthy living sa pamamagitan ng TED: tamang pagkain, ehersisyo, at disiplina.
💡 Practice safe s*x upang makaiwas sa HPV at iba pang STI.
🩺 Kumonsulta sa inyong healthcare workers para sa tamang impormasyon tungkol sa kanser.





Umiwas sa Trangkaso ngayon unang buwan ng 2025!😷🤧🥶Practice cough etiquette!Simulan ang 2025 ng malusog ang lahat!Maligay...
15/01/2025

Umiwas sa Trangkaso ngayon unang buwan ng 2025!😷🤧🥶

Practice cough etiquette!

Simulan ang 2025 ng malusog ang lahat!Maligayang bagong taon!🎆🎇🥳🎉


DOH PRESS RELEASE
PR ID NO. 2025-01-08-01

=====================

MALA-TRANGKASONG SAKIT SA PHL MABABA; HINIHIKAYAT NG DOH NA UMIWAS SA SAKIT NGAYONG PANAHON NG AMIHAN
Press Release | 08 Enero 2025

Patuloy na hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na isagawa ang respiratory etiquette tulad ng pagtatakip sa ubo gamit ang siko; pananatili sa bahay kapag may ubo, sipon, o lagnat; at madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig habang nagpapatuloy ang mas malamig na Northeast Monsoon, o panahon ng Amihan. Binigyang-diin ng DOH na ang panahon ng Amihan ay maaaring humantong sa pagtaas ng mga kondisyon sa paghinga tulad ng allergy o respiratory infections.

Update sa Influenza-like Illness (ILI)
Nakapagtala ang DOH Influenza-like Illness (ILI) Surveillance System ng kabuuang 179,227 na mala-trangkasong sakit noong Disyembre 31, 2024, na mas mababa pa rin ng 17% kaysa sa 216,786 na kaso na naitala noong nakaraang taon. Ang pagbabang ito ay maaaring maiugnay sa mas mabuting pag-uugali at gawi sa paghahanap ng kalusugan at mas mahusay na paghahanda ng sektor ng kalusugan.

Ang ILI ay nailalarawan sa pamamagitan ng ubo, sipon, at lagnat. Ito ay karaniwang dahil sa mga respiratory virus na may Rhinovirus (1,257/4,921 o 25.5% ng mga positibong sample), Enterovirus (1,140/4,921 o 23.2%), Influenza A (1,072/4,921 o 21.8%), Respiratory Syncytial Virus (560/4,921 o 11.4%), at Adenovirus (527/4,921 o 10.7%) ang nangungunang 5 sanhi ng ILI sa Pilipinas.

Sa labas ng Pilipinas, ang pagtaas ng mga karaniwang acute respiratory infections, kabilang ang Respiratory Syncytial Virus (RSV) at Human Metapneumovirus (hMPV), ay iniulat ng World Health Organization (WHO) sa Disease Outbreak News nito na may petsang 7 Enero 2025. Inaasahan ang pagtaas sa panahon ng taglamig sa Tsina at iba pang mga bansa sa Northern Hemisphere. Nilinaw din ng mga awtoridad ng China sa WHO na ang healthcare system ng China ay hindi nalulula at walang emergency declaration o response na nangyayari.

Human Metapneumovirus (hMPV)
Ang Human Metapneumovirus (hMPV) ay hindi isang bagong sakit. Natuklasan ito noong 2001 ng mga Dutch na mananaliksik sa mga sample ng nasopharyngeal aspirate mula sa mga bata na may mga impeksyon sa paghinga na dulot ng hindi kilalang mga pathogen. Sa Pilipinas, sinusuri ang hMPV bilang bahagi ng panel 2 (expanded panel) para sa mga specimen na negatibo ang pagsubok sa panel 1 (para sa Influenza, SARS-CoV-2, at RSV) bilang bahagi ng ating Influenza-Like Illness (ILI) at pagsubaybay sa Severe Acute Respiratory Illness (SARI).

Ika-6 ang hMPV sa mga natukoy na causative agent ng ILI sa Pilipinas para sa 2024. Mula Enero 1 hanggang Disyembre 21, 2024, 284/4,921 (5.8%) ang mga positibong sample ay dahil sa hMPV. Kamakailan lamang, mula Disyembre 1 hanggang 21, 2024, 10/339 (2.9%) ang mga positibong sample ay dahil sa hMPV. Ang hMPV ay paminsan-minsang nakikita, na walang kakaibang clustering o pattern, sa buong taon.

Karamihan sa mga taong nahawaan ng hMPV ay magkakaroon lamang ng banayad na mga sintomas, na kinabibilangan ng ubo, lagnat, pagkabara ng ilong, at halak. Ang mga bihirang malubhang kaso ay maaaring magresulta sa brongkitis o pulmonya, lalo na sa mga sanggol, matatanda at mga indibidwal na immunocompromised. Ang mga may dati nang kondisyon sa baga, tulad ng Asthma, Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) o emphysema, ay nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng malalang resulta.

Pinaalalahanan ng DOH ang pangkalahatang publiko, lalo na ang mga kabataan, immunocompromised, at matatanda, na mag-ingat sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa matataong lugar kung maaari, at pagkain at pag-inom ng tubig ng maayos. Hinihimok ng DOH ang mga nasa high risk o may mga komplikadong sintomas na humingi ng medikal na pangangalaga sa lalong madaling panahon.

“Hindi bagong virus ang hMPV. Matagal na natin siyang kayang tukuyin. Hindi rin malala ang kanyang sintomas. Tulad ng karaniwang ubo at sipon, gumagaling siya ng kusa basta malakas ang ating resistensya,” said Secretary Teodoro J. Herbosa. “Palakasin ang ating immune system! Tandaan ang TED - Tamang pagkain, Ehersisyo, at Disiplina sa katawan para lumakas ang resistensya at makaiwas sa mga sakit. Kapag may sakit, manatili na lamang sa bahay. Dalasan ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, o gumamit ng alcohol. Voluntary pa rin po ang facemask - para sa mga may sintomas, at para sa mga gustong makaiwas sa hawa,” added the Health Chief.

# # #

RELEASING AUTHORITY

Dr. Albert Domingo
OIC Assistant Secretary and Spokesperson
Department of Health
Email: communication@doh.gov.ph
Mobile: +639273827512 (c/o Ms Arlene Arbas)

Health advisory tungkol sa SMOG!💨🌬
19/08/2024

Health advisory tungkol sa SMOG!💨🌬

Kasalukuyang pinagiingat ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang lahat higit lalo ang mga residenteng malapit sa Bulkang Taal dahil sa mataas na antas ng sulfur dioxide emission mula dito na nagdudulot ng volcanic smog o vog.

Ang usok o VOG ay masama sa kalusugan na maaring magdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory tract na maaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap.

Maging handa at alamin ang pinakabagong update sa lagay ng Bulkan. Ligtas ang Pamilyang Alerto.

Mag ingat sa baha and Leptospirosis!Stay safe and dry everyone!🌦🌂🌩
24/07/2024

Mag ingat sa baha and Leptospirosis!

Stay safe and dry everyone!🌦🌂🌩

Maging Aware sa inyong antibiotics! 💊🩺⚕️Kumonsulta muna sa inyong doktor at bumili sa maasahang drugstore!
14/07/2024

Maging Aware sa inyong antibiotics! 💊🩺⚕️

Kumonsulta muna sa inyong doktor at
bumili sa maasahang drugstore!


Sa pangunguna ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at sa ating pagtutulungan, kayang-kaya nating labanan ang Antimicrobial Restistance o AMR.

Sa WHO AWaRe Classification, ang mga antibiotics ay inuri sa tatlong grupo na isinasaalang-alang ang epekto ng iba't ibang antibiotics sa antimicrobial resistance upang bigyang-din ang kahalagahan ng angkop na paggamit sa mga ito.

Maging AWaRe sa inyong Antibiotics!

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa WHO AWaRe Classification, bisitahin: https://www.who.int/publications/i/item/2021-aware-classification


Panahon na ng Tag-Ulan!🌦🌂⛈️☂️DENGUE ay iwasan! 🦟🤒🩺🏥
25/06/2024

Panahon na ng Tag-Ulan!🌦🌂⛈️☂️

DENGUE ay iwasan! 🦟🤒🩺🏥

Always look for affordable and quality medicines! 💊⚕️🩺
25/06/2024

Always look for affordable and quality medicines! 💊⚕️🩺

Ano ang pinagkaiba ng Atorvastatin Generic at Branded? Alamin natin! 🔎💊

Mabisa at Abot-Kayang Pagpapagaling -
Hanapin ang Generic Medicine!

Karapatan ng konsyumer malaman na may mga murang gamot laban sa iba’t ibang sakit na mabibili mula sa mga botika. Para mahanap kung saang botika mabibili ang mga generic na gamot, bisitahin ang Drug Price Watch ng DOH sa https://dpw.doh.gov.ph/

05/06/2024
05/06/2024


Bakit nakasasama sa kalusugan ang e-cigarette?

🧠 Ang e-cigarette ay may agaran at pangmatagalang negatibong epekto sa kalusugan at brain development ng mga kabataan.

🚬 Ito ay nagdudulot ng ni****ne addiction.


25/05/2024

Protektahan ang iyong THYROID! 🏥🩺⚕️

Magpa-check-up, kumain ng tamang pagkain, at maging alerto sa mga sintomas. Itaguyod ang kamalayan! 💙



22/05/2024

Palakasin ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay sa kaalaman tungkol sa kanser sa cervix.

Ang regular na screening, bakuna laban sa HPV, at pagkilala sa mga sintomas ay mahalagang hakbang sa pag-iwas.

Magtulungan tayong magpalaganap ng kamalayan at protektahan ang ating kalusugan 💙


MAY is CERVICAL Cancer Awareness Month! 🚶‍♀️🎀🦀The Human Papillomavirus (HPV) is the leading cause of cervical cancer.HPV...
20/05/2024

MAY is CERVICAL Cancer Awareness Month! 🚶‍♀️🎀🦀

The Human Papillomavirus (HPV) is the leading cause of cervical cancer.
HPV vaccines can help prevent this cancer.



Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ValueMed Jade Building 71 Aurora Blvd, QC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to ValueMed Jade Building 71 Aurora Blvd, QC:

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share