16/06/2025
أمور تعين على إصلاح القلوب :
Mga gawaing nakakatulong sa pagsasaayos ng mga puso :
Ang puso ay isang napakahalagang bahagi ng katawan, at sa pagiging maayos ng puso nakakasalalay ang kaayusan ng buong katawan, tulad ng Sinabi ng Propeta sumakanya nawa ang pagpapala ng ALLAH at kapayapaan :
( وإنَّ في الجَسَدِ مُضْغَةً، إذا صَلَحَتْ، صَلَحَ الجَسَدُ كُلُّهُ، وإذا فَسَدَتْ، فَسَدَ الجَسَدُ كُلُّهُ، ألا وهي القَلْبُ.) رواه مسلم في صحيحه.
( At katutuhanan na nasa katawan ang isang dakot ng dugo na kapag naging maayos ay magiging maayos ang buong katawan , at kapag ito ay nasira ay masisira ang buong katawan tunay na siya yong puso ) Iniulat ni Muslim sa kanyang saheeh.
Isa rin sa kahalagahan ng puso ay ito ang tinitingnan ng ALLAH at pinagtutuonan niya ng pansin tulad ng Sinabi ng Propeta sumakanya nawa ang pagpapala ng ALLAH at kapayapaan :
( إنَّ الله لا ينظر إلى أجسامكم ولا إلى صوركم، ولكن ينظر إلى قلوبكم وأعمالكم) رواه مسلم
( Katutuhanan na ang ALLAH ay hindi tumitingin sa inyong mga katawan at hindi tumitingin sa inyong mga itsura, subalit siya ay tumitingin sa inyong mga puso at sa inyong mga gawa )
Iniulat ni Muslim .
At dahil dito ay kailangan ng bawat muslim na sikapin na maging maayos ang kalagayan ng kanyang puso dahil sa puso nakasasalalay ang pagiging matagumpay ng buong katawan , at sa kanya din nakasasalalay ang pagkawasak at pagkasira ng buong katawan.
May mga gawain na nabanggit ng ating mga ulama na makakatulong sa pagsasaayos ng kalagayan ng ating mga puso, ito po ay ang mga sumusunod :
1⃣- Ang pakikipaglaban mo sa iyong sarili sa mga kagustuhan nito at mga pagnanasa nito sa mga kasarapan na haram, huwag magpatangay sa sariling kagustuhan at sa mga kasalanan, dahil ang mga kasalanan ang pangunahing lason na nakakalason sa ating mga puso na nagiging sanhi ng pagkakasakit ng puso at pagkamatay nito ng tuluyan kapag hindi ito naagapan, kaya kailangan ng bawat muslim ang tuloy tuloy na pakikipaglaban niya sa kanyang sariling kagustuhan at pag