22/09/2025
Bilang pagdiriwang ng ika-68 na Taong Pagdiriwang ng National Medicine Week ng Philippine Medical Association, magsasagawa ng mga sumusunod na aktibidad:
Petsa: Setyembre 22-26, 2025
Oras: 8:00 AM hanggang 12:00 NN
Lugar: PMA Auditorium, North Avenue, Quezon City
Araw-araw na Libreng Klinika at Lay Fora:
Setyembre 22: Mga may sakit na hindi nakahahawa
Setyembre 23: Mga batang pasyente
Setyembre 24: Mga buntis o kababaihang may nais ipakonsulta
Setyembre 25: Mga may sakit sa balat at pagiisip
Setyembre 26: Mga may kapansanan at mga matatanda
Hinihikayat namin ang aming mga pasyente na magpunta at sulitin ang ganitong programa kagaya ng libreng pagpapakonsulta, gamot at marami pang iba.