
08/08/2022
Handa na ba ang lahat para sa pagbubukas ng eskwelahan ngayon August 22, 2022? Para mas ligtas ang lahat, ang bakuna para sa COVID-19 ay ilalapit namin sa inyo! Magpabakuna na sa mga vaccination sites sa mga SCHOOLS!
Q: Required ba na magpabakuna para makapasok sa school?
A: HINDI ito required pero mas makakasiguro tayo na magiging ligtas ang mga bata laban sa COVID-19 kung sila ay mayroong proteksyon laban sa virus.
Q: Sino sino ang pwedeng sumali sa bakunahan sa eskwela?
A: Lahat ng batang may edad na 5-18 pataas na WALANG comorbidities.
Q: Anong brand ng bakuna ang available para sa mga bata natin?
A: Pfizer ang gagamitin para sa 1st at 2nd dose ng mga mag-aaral.
Q: Saan kami pwedeng mag register?
A: Mag register lang sa ating MunCoVac website:
https://vaccine.muntinlupacity.gov.ph/muncovac/
Q: Ano ano ang mga kailangang gawin bago ang araw ng pagpapabakuna?
1. Siguraduhin na ang inyong anak ay malusog at walang sakit sa araw ng inyong pagpapabakuna.
2. Dalhin ang Birth Certificate at COVID-19 Vaccination Card (Kung mayroon ng 1st dose) ng bata.
3. Dalhin ang COVID-19 Vaccination Card ng magulang o guardian kasama ang Authorization Letter galing sa nanay/tatay ng bata kung hindi sila makakasama sa araw ng pagpapabakuna.
Balik Eskwela, mas Pinas Lakas!
Handa na ba ang lahat para sa pagbubukas ng eskwelahan ngayon August 22, 2022? Para mas ligtas ang lahat, ang bakuna para sa COVID-19 ay ilalapit namin sa inyo! Magpabakuna na sa mga vaccination sites sa mga SCHOOLS!
Balik Eskwela, mas Pinas Lakas!