22/01/2026
GARANTISADONG PAMBATA (GP)
MASS DEWORMING ACTIVITY
Kasalukuyang isinasagawa ang Mass Deworming Activity sa 38 barangay ng Buhi, bilang bahagi ng patuloy na programa ng Municipal Health Office para sa kalusugan ng ating mga kabataan at komunidad.
Layunin ng gawaing ito na maiwasan at mabawasan ang mga intestinal worms na maaaring makaapekto sa nutrisyon, paglaki, at pangkalahatang kalusugan ng mga bata.
Pinangunahan ng ating mga Nurses & Midwives, at Barangay Health Workers, ang pamamahagi ng ligtas at epektibong pampurga sa mga kwalipikadong bata.
ALBENDAZOLE
Exyt-400
400 mg Chewable Tablet
Anthelmintic
(Benzimidazole derivative)
ALBENDAZOLE = “ALIS BULATE”
A – Alis Bulate
BEN – Benepisyo sa Bata
DA – Dapat may Pagkain
ZO - Zero Bulate Goal
LE – Ligtas at Epektibo
• Anthelmintic (gamot kontra-bulate) na ginagamit sa paggamot ng iba’t ibang parasitic infections
• Pinapatay at pinipigilan ang pagdami ng mga bulate sa tiyan
• Tinutulungan ang katawan na mailabas ang mga bulate sa pagdumi
• Pinapabuti ang nutrisyon, gana sa pagkain, at lakas ng katawan
• LIGTAS at aprubadong gamot na matagal nang ginagamit sa mga health center
• Karaniwan itong nirereseta para sa mga impeksiyon sa bituka na dulot ng;
roundworm
hookworm
whipworm
pinworm
Huwag matakot, ito ay ibinibigay ng sanay na health workers at sumusunod sa pamantayan ng DOH
TARGET NA EDAD
12 – 23 months, 1/2tablet at maaring durugin sa malinis na tubig
24 – 59 months, 1 tablet at maaring durugin sa malinis na tubig
5 – 9 years old, 1 tablet
10 - 19 years old, 1 tablet
PAALALA!!
1 Kumain muna bago uminom ng gamot
2 Siguraduhing walang lagnat o malubhang karamdaman ang bata
3 Maaaring durugin ang tableta para sa maliliit na bata ayon sa gabay ng health worker
4 Huwag ibigay kung may lagnat, pagsusuka, o matinding sakit
5 Ipaalam agad sa Nurse, Midwife o BHW sa Barangay kung may maramdamang hilo, pagsusuka, o pananakit ng tiyan
6 Ang mga ito ay karaniwang banayad at panandalian lamang
ISKEDYUL NG PAGPUPURGA
Ang Deworming ay may DALAWANG (2) doses sa isang taon bilang rekomendasyon ng DOH.
1st dose – January, February, at March 2026
2nd dose – July, August, at September 2026
May mga Barangay Health Worker (BHW) na umiikot sa bawat zone ng barangay.
Makilahok at mag-avail ng libreng purga kapag kayo ay naabot ng BHW sapagkat napakahalaga ng regular na pagde-deworming para sa kalusugan at kinabukasan ng ating mga bata.
Ligtas. Libre. Mahalaga.
Magpa-purga na!