23/09/2021
RED ALERT: May dugo ba ang iyong dumi?
Sa history ng colorectal cancer patients, ang mga pinakamadalas na sintomas na binabanggit nila ay:
1) Pagkakaroon ng dugo sa dumi
2) Pagbabago sa pattern ng kanilang pagdumi (laging nagtatae, laging constipated, salitan ang pagtatae at constipation)
3) Pagbabago sa mismong dumi (lumiliit o numinipis, kulay itim kahit walang iniinom na ferrous sulfate/iron tablets***)
4) Pananakit ng tiyan
5) Hirap o sakit sa paglabas ng dumi
6) Pagbaba ng timbang
Yes, ang #1 ay isang posibleng sintomas ng colorectal cancer. Gayunpaman, maraming mas common causes ang pagkakaroon ng dugo sa pagdumi tulad ng hemorrhoids (almoranas), a**l fissure (maliit na punit sa tumbong na nakukuha sa pagdumi), diverticulosis/diverticulitis (pagkakaroon ng tila mga maliliit na bulsa sa malaking bituka, lalo na sa mga matatanda), inflammatory bowel disease (sakit kung saan nagkakaroon ng pamamaga at iba pang mga abnormal na pagbabago sa gastrointestinal tract), gastroenteritis (impeksyon sa bituka), ulcer (gasgas) at polyp (kuntil).
Mas madalas na hindi cancer ang pagkakaroon ng bahid ng dugo sa dumi, pero halimbawa, hindi dahil ang isang pasyente ay may almoranas ay hindi na posible na siya ay magkaroon din ng cancer. Sa katunayan, maraming pasyenteng may colorectal cancer na mayroon ding almoranas. Kaya lalo na kung ikaw ay 40 years old pataas, mahalagang magpa-check-up sa doktor kapag:
โข Ang mga abnormal na sintomas sa pagdumi na nabanggit sa itaas ay hindi nawawala pagkatapos ng 4 weeks (pero mas mabuti pa rin ang mas maaga kapag hindi ito nawawala para ma-address kaagad ang dahilan)
โข Dumadami ang dugong lumalabas sa tumbong at may kasama nang pamumutla at iba pang mga senyales ng anemia
โข Hindi na makadumi
โข Lumalala ang pananakit ng tiyan
โข Lumalaki ang tiyan
***Ang pag-inom ng HGC GLUTATHIONE IMMUNE ENHANCER ay nakakatulong upang malinis ang ating bituka at katawan..Para makatipid sa gastos at makaiwas sa sakit...
Pm para sa ibang information about hgc
Disclaimers No Approved Therapeutic Claims!