20/02/2024
Ayon sa mga eksperto, sa isang linggo, dapat ay 150 minuto pataas ang nilalaan nga mga taong edad 18 pataas sa paggawa ng moderate intensity na physical activity, at 75 minuto para sa mga vigorous-intensity na physical activity. Minsan nakakatamad talagang mag-exercise, ‘no? 🫠 Pero alam mo ba na hindi lang naman exercise ang pwedeng gawin! Narito ang ilan pang physical activities na pwede mong gawin sa bahay:
🚶🏼Mag-walking
Maraming benepisyo ang paglalakad ilan na dyan ay ang pag-burn ng calories sa katawan, pagpapalakas ng puso, pagpapababa ng blood sugar, pati na rin ang pag-improve ng iyong mood.
🧹Tumulong sa gawaing bahay
Kung wala namang time para lumabas, pwede kang tumulong sa mga household chores. Kahit simpleng pagpiga ng labada, pagwawalis o kaya pagva-vacuum, pagmo-mop, paglilinis ng lamesa o shelf, o kung ano mang maaring linisin–physical activity na ‘yan.
🪜Gumamit ng hagdan
Kapag namamasyal o kapag nasa school o trabaho, ugaliing gamitin ang mga hagdan imbes na mag elevator o escalator. Maganda ito para sa pag-tone ng legs, pati na rin pag-burn ng calories sa katawan.
💃🏼Sumayaw
Mahilig ka bang mag-Tiktok? Baka oras na para i-try mo yung mga dance challenge doon! Bukod sa enjoy itong gawin, maganda rin ito para sa iyong muscles at cardiovascular health.
🏸Maglaro ng active games
Patintero, chinese garter, mataya-taya, pagsasayaw, hulahoop, volleyball, biking, football, basketball – ilan lamang yan sa mga masasayang laro na maaari mong gawin kapalit ng exercise. Libre na, bonding time pa ‘yan with friends and family!.
Hindi mo kailangan mapressure magpunta sa gym kung ‘di mo feel kasi maraming alternatibong paraan na available para sa’yo. Ang importante ay mapanatili mong malusog at masaya ang iyong sarili sa paraang akma sa iyo.💯
Basahin ang article na ito para sa karagdagang impormasyon: https://bit.ly/ichoose-exercise