01/20/2026
May mga usapan na mukhang harmless, kwento lang daw, update lang daw. Pero kapag palaging buhay ng ibang tao ang topic, hindi na ’yan simpleng kwentuhan. Dahan-dahan, hinahasa nito ang puso natin sa judgment, negativity, at mistrust.
How people talk about others is how they will eventually talk about you.
Kapag nasanay ang isang grupo sa paninira, hindi loyalty ang meron doon, temporary alliance lang. At kapag wala ka na sa paligid, ikaw na ang magiging kwento.
Kaya mahalagang maging maingat hindi lang sa sinasabi mo, kundi sa pinakikinggan mo.
Sabi sa Proverbs 16:28 (NIV):
“A perverse person stirs up conflict, and a gossip separates close friends.”
Hindi sinisira ng tsismis ang isang tao lang, sinisira nito ang relationships at tiwala.
Minsan iniisip natin, “Hindi naman ako nagsasalita, nakikinig lang.”
Pero ang pakikinig na walang boundaries ay tahimik na pagsang-ayon. At unti-unti, naaapektuhan nito ang isip at puso mo.
Sabi sa 1 Corinthians 15:33 (NIV):
“Bad company corrupts good character.”
Kahit mabuti ang intention mo, kung mali ang environment, maaapektuhan ka.
Kaya kung gusto mong protektahan ang peace mo at ang pangalan mo, matuto kang umiwas. Hindi lahat ng invitation ay dapat tanggapin. Hindi lahat ng usapan ay kailangan salihan.
Ang taong may character, hindi kailangang manira para magmukhang tama.
Ang taong may peace, hindi kumakain ng tsismis.
Sabi sa Proverbs 11:13 (NIV):
“A gossip betrays a confidence, but a trustworthy person keeps a secret.”
Trustworthiness is quiet. Hindi ito maingay.
Piliin mo ang mga taong nagbubuild, hindi nagbababa.
Piliin mo ang usapang may saysay, hindi paninira.
Dahil kapag inalagaan mo ang puso at pangalan mo, mas maayos ang lalakarin mo sa buhay.
Umiwas sa tsismis, hindi dahil mas mataas ka, kundi dahil mas mahalaga ang peace at purpose mo.