24/07/2025
IPALIWANAG KO HA PARA MAINTINDIHAN MO!
📌Bakit kailangan ang long term health care?
Dahil ang medical costs ay dumodoble kada 5 to 7 years. Kaya kung 25 years old ka ngayon, pag reach mo ng age 61, makaka 6 na doble ang medical cost.
Marami sa nagkakasakit ay pumapanaw nang wala sa oras dahil walang pambili ng gamot.
Karamihan ng Pinoys ay hindi nag-iipon para sa healthcare needs.Realidad ng buhay. Karamihan sa atin mas pinag-iipunan ang magarbong handaan, ang madalas na bakasyon, kesa paghandaan ang pang-medikal na pangangailangan sa pagtanda.
Hindi madadala ang HMO benefit mula sa pinapasukang kumpanya pag nag-resign o nag-retire.Kahit gaano ka pa ka-close or ka-favorite ni boss, Kasabay ng pag-alis sa kumpanya ang pagka-wala ng HMO benefit.
Walang healthcare company ang magko-cover mula edad 61 pataas. Syempre, dahil matanda na at sakitin na sa edad na ito, walang health Insurance company ang magko-cover na.
May senior care plan naman, pero ngayon
pa nga lang super mahal na ito. Ilang doble na kaya ang taas after ilang years pa?
Marami sa mga retirado ay umaasa sa mga anak, nagbe-benta ng mga ari-a***n o nangungutang para sa pangangailangang medikal. Kaya ang anak Ay nasa-sandwich sa panga-ngailangan ng sariling pamilya at ng mga retiradong magulang.
Karamihan SA dahilan ng pagkabangkarote Ay ang krisis pang Medical.Sabi nga nung nurse, pumasok sa ospital na milyonaryo ang isang pasyente. Simot ang millions paglabas ng ospital.
Ngayon, bata ka pa at malusog. Pero isipin din na darating ang panahon na tatanda ka at posibleng maging sakitin pa. Kaya habang bata pa, malusog, kumikita at
may pang-invest pa para sa long term health care plan, mag-start na ng plan ngayon.
Start building your solid financial foundation now!
Ang ating kinabukasan ay nkasalalay sa ating mga kamay.
゚