
08/08/2025
DATING BEAUTY QUEEN, NATAGPUANG P*T4Y SA DAGAT NG TACLOBAN—H*B4D, NAKATALI AT BALIT ANG MUKHA 😢
Kinilala ang biktima bilang si Akini Arradaza, dating Miss Matag-ob. Natagpuang palutang-lutang at wala nang buhay sa dagat ng Barangay 99-Diit, Tacloban noong Agosto 4 ang hubad na bangkay ng isang dating beauty queen, ayon sa ulat ng Police Regional Office 8 PRO.
Base sa imbestigasyon ng Tacloban City Police Office at Ormoc City Police Office, ang biktima ay dinukot noong Hulyo 31 ng tatlong hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Barangay Valencia, Ormoc. Sa kuha ng CCTV, makikitang pinilit siyang isakay sa isang itim na sasakyan na tumakas patungong Kananga, Leyte.
Kinilala ang bangkay sa pamamagitan ng mga natatanging tattoo at pisikal na katangian ng biktima. Kinumpirma rin ng kanyang mga kaanak ang pagkakakilanlan sa punerarya kung saan pansamantalang inilagak ang katawan habang hinihintay ang autopsy.
Ayon sa PRO 8, isang mangingisda ang nakatuklas ng bangkay matapos itong ipagbigay-alam sa kanya ng isa pang mangingisda habang nasa kanilang tahanan sa Brgy. 94-Tigbao. Tumungo siya sa lugar at doon na nakita ang bangkay na palutang-lutang sa tubig.
Agad niyang ipinagbigay-alam ito sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na nakipag-ugnayan sa Tacloban City Fishery Law Enforcement Team upang maiahon ang katawan.
Sa inisyal na pagsusuri, nasa bloated state na ang b*ngkay, walang s4plot, nakausli ang dila, at nakaumbok ang mga mata. Nakatali rin ang leeg, kamay, at paa gamit umano ang isang hammock rope. May takip na itim na tela ang mukha na binalutan pa ng asul na duct tape.
“Nasa bloated state na po ito, hvb*d. 'Yung dila nito is nakalabas na,” ayon kay Shenna Layog, acting station commander ng Tacloban City Police Office Station 2. “Nakita na rin po na nakatali iyong kanyang leeg saka kamay at iyong paa. Iyong mukha po nito ay tinakpan ng itim na tela, binalutan pa ng duct tape.”
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad at kasalukuyang tinutunton ang naturang sasakyan.
Ctto 🫶