
05/07/2023
3 Ways para iwasan ang Varicose Veins
1. Pagkauwi mo sa bahay itaas ang legs mo habang nakahiga for at least 30 minutes kahit at least two pillows high para yung naipon na dugo sa legs ay pumunta sa puso.
2. Magsuot ng compression stocking pag alam mong buong araw kang nakatayo o nakaupo sa trabaho, pag nasa iisang position lang ang legs mo sa buong araw maiipon ang dugo sa legs, at pag nag compression stockings ka makakatulong itong itulak ang dugo pataas.
3. Mag exercise araw-araw kahit simpleng walking exercise lang atleast 30 minutes per day to improve blood circulation.