
30/04/2024
Overstaying for 25 years, huli ng mga pulis
Ayon sa news na ito, hinuli ng Hyogo police ang isang Korean woman, age 58 years old, walang work, matapos mapatunayang overstayer na sya dito sa Japan for 25 years.
Ang babae ay pumasok ng Japan noong August 1999, for 15 days stay lamang subalit hindi na ito lumabas at umuwi sa kanilang bansa.
Nalamang overstayer na sya ng sya ay hinuli matapos na pulutin nya ang isang point card sa loob ng supermarket at hindi nya ini-report ito. Siniyasat ang identity nya ng mga pulis, at nabisto ang pagiging overstayer nya.
Palipat lipat daw ito ng lugar na maaari nyang tirahan for 25 years. At meron din syang kinakasamang lalaki ng sya ay hulihin. Inaamin naman nito ang charge laban sa kanya.
NOTE: We offer document translation (Tagalog, English, Nihongo), document creation (SPA, Affidavit, etc.), and application form printing. Send us a private message here if you need it.