19/09/2023
𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗞𝘂𝗺𝗮𝗶𝗻 𝗡𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗦𝗮 𝗩𝗶𝘁𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗞?
Iniisip ng ilang tao na ang vitamin K at potassium ay pareho lamang. Ito ay dahil ang potassium ay may simbolong titik K sa periodic table. Ngunit alam mo bang ang dalawang ito ay magkaiba? Ang vitamin K, tulad ng isinasaad ng pangalan nito, ay isang vitamin. Samantala, ang potassium ay isang mineral. Alamin kung paano nakatutulong ang vitamin K sa katawan at kung anu-ano ang mga pagkaing mayaman sa vitamin K.
𝙋𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙉𝙖𝙜𝙞𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙀𝙥𝙚𝙠𝙩𝙞𝙗𝙤 𝘼𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙖𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙮𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙎𝙖 𝙑𝙞𝙩𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙆?
Ang vitamin K ay tumutulong sa pagprodyus ng maraming mga protina na kinakailangan para sa pamumuo ng dugo at pormasyon ng buto, bukod pa sa ibang mga bagay. Ang prothrombin (clotting factor II) ay isang vitamin K-dependent na protina na may direktang gampanin sa pamumuo ng dugo. Samantala, ang osteocalcin ay isa pang protina na nangangailangan ng vitamin K upang lumaki ang bago at malusog na tissue ng buto.
Ito ay matatagpuan sa maraming bahagi ng katawan, tulad ng atay, utak, puso, pancreas, at buto. Mabilis na bumababa ang bilang nito at lumalabas mula sa katawan sa pamamagitan ng ihi o dumi. Bilang resulta, kahit sa mataas na dose, ito ay bihirang lumampas sa nakalalason lebel sa katawan, tulad ng maaaring mangyari sa ilang iba pang mga fat-soluble na bitamina.
Tinutukoy ito ng ilan bilang “clotting vitamin” na natural na matatagpuan sa ilang mga pagkaing mayaman sa vitamin K at iba pang dietary supplements.
Ang mga taong umiinom ng blood thinner na warfarin ay pinapayuhang panatilihin ang consistent na dietary intake ng vitamin K. Kung hindi, ang kanilang gamot ay maaaring maging hindi gaanong epektibo.