23/11/2016
Another great success story... by up Jun Amil
Dating nagbebenta ng bakal at bote, pero dahil nangarap para sa ikauunlad ng pamilya ay sumubok ng isang trabahong kung tawagin ay Network Marking. Ang AIM GLOBAL.
Ngayon ay di na bakal at bote ang iniaalok, kundi maraming global package ng Alliance In Motion Global Inc.
Ganyan kadami ang taong nagtitiwala sa kanya mapa Pilipinas man o abroad.
Sa AIM-BUSINESS, walang pinipili! Guys, kung
masipag ka at may pangarap, wag kang BIBITAW, kahit gaano pa man kahirap.
SA AIM GLOBAL, PANGARAP NAMIN NATUPAD kaya IKAW, SIGURADONG MATUTUPAD din yan!
Marami akong downline ang nagtatanong kung paano ako naging Millionaires' Club member eh di naman ako nakapagkolehiyo. Maraming nagtatanong paano ako nakapagpalaki ng grupo eh wala naman akong tinapos. Ang sagot ko lagi sa kanila, ang tanong na PAPANO ay madali, kasi may training o naituturo yan, pero ang pinakamahirap kasi dito ay kung BAKIT? Bakit ko nagawa?
Sa negosyong ito, may mabilis, may mabagal, depende sa dahilan kung bakit ginagawa ang AIM Global.
May mga tao na may experience sa ganitong business na di naging successful pero di ibig sabihin na kasalanan ng company at di ibig sabihin na kasalanan ng networking. Walang pinag-iba sa nag-aral ng college- merong di naka-graduate at meron din di nakatapos o di nakapasa pero kapag di nakatapos at di nakapasa hindi ibig sabihin na kasalanan ng school o kasalanan ng professor kundi kasalanan ng estudyante yun. Same din sa networking. Kung di man naging successful, baka di pinag-aralan o baka di tinarabaho, o baka mababaw ang dahilan o pagkakaintndi kung bakit ginagawa ang business.
Guys, para lalo niyong mas maintindihan, parang
ganito: kung mapapansin niyo kapag may hinahabol kang oras lets say mali-late ka na sa work mo ang bilis mo minsan sumisingit ka pa sa mga nakapila. Meron naman na nakapila na, ok lang singitan sila. Meron naman nagpapasingit talaga, pero minsan may mas mabilis don sa taong mali-late na sa work. Minsan nababangga pa ang iba sa sobrang pagmamadali.
Guys, doon yun nakabase kapag malalim ang dahilan mo kung bakit mo gagawin ang AIM Global. Doon magdidepende ang bilis ng pagyaman mo dito sa AIM Global. May mabilis: merong 1 year, merong 2 years merong 3 years, meron 4 years bago yumaman.
Depende po yun sa bawat isa sa atin. Depende sa reason natin ang bilis at bagal natin. Hindi po kasi pwede na kaya lang nag-AIM Global dahil lang sa masaya dito, o kaya nag- AIM Global kasi para lang talaga sa part-time income, o para lang kumita o kaya naman dahil sa pinagbigyan lang ang kaibigan.
Para sa akin po kaya ko ginagawa ang Aim Global:
Una, ayokong dumating ang panahon na mawala na lang ang mga magulang ko na di ko maibigay ang magandang buhay sa kanila.
Pangalawa, dadating ang panahon magpapamilya din ako. Ayokong dumating ang panahon na lalaki ang mga anak ko na di rin nila alam kung ano ang kinabukasan na naghihintay sa kanila. Minsan, may mga taong kuntento na sa buhay nila pero di naman natanong kung ang mga anak nila ay kuntento na sa ganong buhay.
Pangatlo, iba kasi pag may time freedom. Makakasama mo ang pamilya mo na namamasyal, nag-a-outing o nagdarasal.
Para saakin, mahalaga ang bawat sandali kaya dapat lamang na sulitin. Mamuhay kasama ng pamilya nang masaya at masagana. Yan ang nagawa ng Aim Global sa akin at sa aking pamilya.
Maraming salamat Aim Global. Sana ay mas marami pang tao ang matulungan mo at mabago ang buhay.
More power and God bless.