Mga tiip mula sa isang therapist.

Mga tiip mula sa isang therapist. Pinagsamang Tip

10/01/2023
Sakit sa dibdib: Atake sa puso na ba ito?Payo ni Doc Willie OngBILANG isang espesyalista sa puso, sari-saring sakit sa d...
09/01/2023

Sakit sa dibdib: Atake sa puso na ba ito?
Payo ni Doc Willie Ong
BILANG isang espesyalista sa puso, sari-saring sakit sa dibdib ang kinokonsulta sa akin. Sa aking pag-estima, 80 percent ng mga sakit sa dibdib ay walang kinalaman sa puso. Paano ko nalalaman na HINDI sa puso ang problema? Nahuhulaan ito ng doktor sa pagkukuwento ng pasyente ng kanyang nararamdaman.
Kung ang sakit sa dibdib ay parang tumutusok, hindi iyan sa puso. Kung ang sakit ay nasa kanang bahagi ng dibdib, hindi rin iyan sa puso. Kadalasan ay nagmumula sa masel ng dibdib ang pagkirot. Baka natulog ka sa matigas na higaan. Baka nadaganan ni Mister. Baka nagbuhat ng mabigat at na i-sprain ang laman. Ang solus­yon dito ay pahinga lamang. Puwedeng uminom ng mefenamic acid kapag makirot talaga.
May dalawa pang tanong para masuri kung galing sa puso ang pananakit. Una, kaya mo bang ituro ng isang daliri ang pananakit sa dibdib? Kapag naituro ng pasyente ito, hindi iyan sa puso. Ang sakit sa puso ay hindi maituro ng isang daliri.
Pangalawa, gaano ba katagal sumasakit ang iyong dibdib? Kapag wala pang isang minuto ang tagal ng sakit, siguradong hindi iyan sa puso. Ang tunay na sakit sa puso ay mula limang minuto hanggang 15 minutos lamang.
Ano ba talaga ang sakit na galing sa puso? Ang sakit sa dibdib ay sinasabing mabigat at parang may naka­dagan sa dibdib. Ang sakit ay tumatagal lang ng lima hanggang 15 minutos. Du­marating ang sakit kapag napapagod, naglakad nang malayo o umakyat ng hag­dan.
Madalas magkaroon ng sakit sa puso ang mga kalalakihan, mula 50 edad pataas. Kung may kataba­ an, may diabetes, o may lahi ng sakit sa puso, ma­laki ang tsansa na baka puso ang diperensiya. Sa ganitong sitwasyon, mag­patingin sa doktor.
Pero kung bata ka pa naman, wala pang edad 30, lalo na kung babae ka, halos sigurado ako na hindi sa puso ang pro­ble­ ma. Huwag mangam­ba.
Magpa-check sa isang espesyalista sa puso para makasiguro. See a doctor

19 Tips Para SumayaPayo ni Doc Willie OngLahat tayo ay naghahanap ng kasiyahan sa buhay. Heto ang aking mga payo:1. Magd...
07/01/2023

19 Tips Para Sumaya
Payo ni Doc Willie Ong
Lahat tayo ay naghahanap ng kasiyahan sa buhay. Heto ang aking mga payo:
1. Magdesisyon na maging masaya – Mag-isip ng paraan at bagay-bagay na magpapasaya sa iyo. Sa plano mo, huwag din kakalimutan ang kasiyahan ng ibang tao, tulad ng iyong asawa at anak.
2. Gamitin ang iyong talento – Saan ka ba magaling? Marunong ka bang kumanta, sumayaw, magpinta, sumulat o magtalumpati? Hanapin at palakasin ang iyong talento.
3. Maglaro – Makipaglaro sa mga bata. Gumawa ng oras para sa sports at magrelaks.
4. Bilangin ang biyaya sa buhay – Magpasalamat tayo sa Diyos sa lahat ng biyaya na binigay niya.
5. Mahalin ang sarili – Lahat ng tao ay nagkakamali. Ayusin ang pagkakamali, humingi ng tawad at kalimutan mo na ito.
6. Tingnan ang ganda sa paligid – Nakita mo na ba ang pagsikat ng araw? Nalanghap mo ba ang simoy ng hangin? Narinig mo ba ang kanta ng mga ibon? Ang kalikasan ay punong-puno ng saya.
7. Magrelaks – Kapag napagod ka sa trabaho, mag-relaks at maligo ng maligamgam na tubig. Pagkatapos, magbasa ng iyong paboritong magasin o komiks. Maging abala din sa iyong hobby.
8. Maging malapit sa kamag-anak at kaibigan – Ayon sa isang pagsusuri, ang pagkausap sa isang matalik na kaibigan ng isang oras ay katumbas na ng pag-inom ng isang tabletang pain-reliever.
9. Maghanap ng positibong kaibigan – Humanap ng mga positibong tao, iyung palaging masaya at maganda ang pananaw sa buhay.
10. Tumulong sa kapwa – Ayon sa pagsusuri, tataas ang “endorphins” mo sa katawan sa pagtulong sa kapwa. Ang endorphin ay isang kemikal na nagpapalakas ng ating katawan at nagpapasaya sa atin.
11. Mag-isip ng masasayang bagay – Ayon kay Norman Vincent Peale, ang awtor ng mga libro sa Positive Thinking, dapat nating turuan ang ating sarili na mag-isip ng masasaya. Sabihin mong, “Okay lang ako. Kayang-kaya iyan. Malulutas din iyan.”
12. Magbasa at makinig ng good news lamang – Piliin lang ang mga magagandang balita.
13. Tumawa – Ayon sa pagsusuri, ang panonood ng masayang palabas ay nakapagtatanggal ng lungkot, galit at inis.
14. Alagaan ang iyong kalusugan – Paano ka sasaya kung may sakit ka? Kumain ng tama. Umiwas sa bisyo tulad ng sigarilyo at alak. Magpa-check-up din sa doktor.
15. Mag-ehersisyo – May kakaibang saya ang naidudulot ng ehersisyo. Kapag ika’y napawisan, sasarap ang iyong pakiramdam.
16. Maghanap na katamtamang stress sa buhay –Kung sobra ang stress, masama ito sa katawan.
17. Matulog – Kailangan mo ng 7-8 oras ng tulog bawat gabi.
18. Umibig – Ang taong umiibig ay puwedeng humaba ang buhay ng 7 taon. Oo, tunay iyan. Mas maligaya din ang may partner kaysa sa wala.
19. Maniwala sa Diyos – Ayon sa pagsusuri, ang mga taong may tiwala sa Diyos ay mas masaya kumpara sa mga hindi naniniwala.

Masamang Epekto sa Kalusugan ng PaghilikPayo ni Doc Willie Ong Ang mga madalas na paghilik ay maaaring magdulot ng masam...
07/01/2023

Masamang Epekto sa Kalusugan ng Paghilik
Payo ni Doc Willie Ong
Ang mga madalas na paghilik ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan ng tao. Kasama na dito ang obstructive sleep apnea. Ito ay nagdudulot ng iba pang mga problema tulad ng:
1. Mahabang pagputol sa paghinga (mahigit sampung segundo) habang natutulog dahil sa sagabal o harang sa daanan ng hangin.
2. Madalas na paggising mula sa pagtulog kahit na hindi mo namamalayan na nagigising ka.
3. Mababaw na pagtulog. Ang mga taong may obstructive sleep apnea ay hindi nakakatulog ng malalim upang mapigilan ang pagiging relaxed ng kanilang throat muscles upang hindi ito makasagabal sa daanan ng hangin. Ang mga taong madalas humilik ay laging inaantok sa umaga.
4. Pagkapagod ng puso. Ang obstructive sleep apnea ay nagreresulta sa mataas na presyon (blood pressure) at maaaring magdulot na paglaki ng puso na nagpapataas ng posibilidad ng stroke at atake sa puso
5. Iregular na tibok ng puso. Ang mga taong matagal nang humihilik ay may posibilidad na magkaroon ng iregular na tibok ng puso. Ang mga taong naghihilik ay napag-alaman na madalas na nagkakaroon ng atrial fibrillation kaysa sa mga tao na hindi naghihilik.
6. Mababang lebel ng oxygen sa katawan. Maaari itong magdulot ng pagsikip ng mga ugat sa baga at maaaring magdulot ng pulmonary hypertension kalaunan.
7. Gastroesophageal reflux disease o GERD. Madalas itong maranasan ng mga may sleep apnea. Ang mga may sleep apnea ay nakakaranas ng GERD sapagkat hindi tama ang pagsara ng daanan ng hangin. Nagdudulot ito ng pagbabago sa pressure na humihigop ng mga pagkaing tinutunaw na sa tiyan pabalik sa esophagus.
8. Pagsakit ng ulo
9. Pakiramdam na laging pagod sa umaga.
Mahalagang kumonsulta sa doktor o sleep specialist upang malaman ang kalagayan mo at kung nakakasama na sa iyong kalusugan ang iyong paghilik. Prevention is better than cure

Sa mga istatistikal na termino, 4 na sakit na may pagkakaroon ng arthralgia (sakit sa kasukasuan) ang nararapat na bigya...
02/01/2023

Sa mga istatistikal na termino, 4 na sakit na may pagkakaroon ng arthralgia (sakit sa kasukasuan) ang nararapat na bigyang pansin.
Osteoarthritis
Sakit ng kasukasuan Ang artritis (pamamaga ng kasukasuan) ay ang pinakakaraniwang sanhi ng pananakit ng kasukasuan at napakaraming tao ang dumaranas ng sakit na ito. Ang Osteoarthritis ay minsang tinutukoy bilang degenerative, ibig sabihin, ang cartilage na naglinya sa magkasanib na mga ibabaw ay sumasailalim sa mga degenerative na pagbabago sa paglipas ng panahon, at ang nasirang cartilage ay nakakapinsala sa isa't isa, na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng pananakit ng kasukasuan, pamamaga, paninigas, at limitadong kadaliang kumilos. Humigit-kumulang 27 milyong tao sa Estados Unidos ang nagdurusa sa osteoarthritis. Karaniwang nagsisimula ang mga sintomas pagkatapos ng edad na 40 at dahan-dahang umuunlad. At pagkatapos ng edad na 60, hanggang sa kalahati ng mga tao sa isang paraan o iba pa ay nahaharap sa sakit na ito. Ang Osteoarthritis ay kadalasang nakakaapekto sa malalaking joints na napapailalim sa mas malaking stress (hips, tuhod at bukung-bukong). Ang pagiging sobra sa timbang ay nagdaragdag ng panganib ng sakit na ito. Napag-alaman na ang mga taong may sobra sa timbang (kapwa lalaki at babae) ay tatlong beses na mas malamang na magkaroon ng sakit na ito kumpara sa mga taong may normal na timbang (parehong edad at pangkat ng kasarian).

Rayuma
Isang sakit na autoimmune na nagdudulot ng pananakit at paninigas ng mga kasukasuan. Kadalasan ay nangyayari sa mga kababaihan na may edad na 20 hanggang 50 taon. Sa US, may humigit-kumulang 1.5 milyong pasyente na may ganitong diagnosis. Sa mga pasyente na may sakit na ito, bilang isang resulta ng isang malfunction ng immune system, ang mga antibodies ay nabuo sa kanilang sariling mga tisyu (kabilang ang mga tisyu ng mga kasukasuan), na nagiging sanhi ng pamamaga at ipinakita sa pamamagitan ng pinsala sa mga kasukasuan at iba pang mga panloob na organo. Ang pamamaga sa mga kasukasuan ay humahantong sa mabilis na pagkasira, sakit at limitadong kadaliang kumilos. Dahil sa ang katunayan na ang sakit ay systemic at ang mga autoantibodies ay ipinamamahagi sa buong katawan, ang mga joint lesyon ay simetriko (ang mga joints sa kanan at kaliwa ay apektado). Maliit na joints (sa kamay at paa) ay madalas na apektado, pati na rin ang malalaking joints.

Bursitis
Sakit ng kasukasuan Ang sakit na ito ay madalas na nalilito sa arthritis, bagaman sa bursitis, ang pamamaga ay hindi nangyayari sa joint, ngunit sa articular bag. Ang bursitis ay maaaring maging sanhi ng kakulangan sa ginhawa, paninigas, at pananakit sa magkasanib na bahagi. Ang mga sintomas ay nauugnay sa pamamaga ng synovial membranes ng joint, kadalasang sanhi ng hindi tamang paggalaw, compression o trauma. Mas madalas ang bursitis ay bubuo sa lugar ng balikat, tuhod o balakang. Ang isang uri ng bursitis na tinatawag na "tuhod ng dalaga" ay nabubuo bilang resulta ng matagal na presyon sa kasukasuan ng tuhod sa isang matigas na ibabaw.

Gout
Sa gouty joints, kadalasang may mga paroxysmal episode ng pananakit, paninigas, pamamaga, at pamumula sa mga kasukasuan. Ang dahilan nito ay nakasalalay sa labis na produksyon ng uric acid, na hindi ganap na ginagamit ng mga bato at idineposito sa anyo ng mga kristal sa mga kasukasuan, na humahantong sa pamamaga. Bilang isang patakaran, ang sakit na ito ay bubuo pagkatapos ng 50 taon. Samakatuwid, dapat tandaan na sa edad, ang excretory function ng mga bato ay maaaring bumaba, na maaaring humantong sa gota. Ang gout ay kadalasang nakakaapekto sa paa, ngunit kung hindi ginagamot, ang iba pang mga kasukasuan ay maaaring nasasangkot din.

Systemic lupus erythematosus
Ang systemic lupus erythematosus ay isang autoimmune disease. Ang etiology ng sakit na ito ay hindi pa alam. Ipagpalagay ang isang tiyak na genetic determinism. Ang mga kadahilanan na nakakapukaw ay maaaring mga impeksyon, stress, solar insolation, ultraviolet radiation, mga pagbabago sa mga antas ng hormone sa panahon ng pagbubuntis o kapag umiinom ng mga contraceptive. Ang dahilan para sa pagbuo ng mga autoantibodies ay hindi malinaw. Ang mga kababaihan ay nagkakasakit ng 9 na beses na mas madalas kaysa sa mga lalaki at, bilang panuntunan, ang pasinaya ay nangyayari sa isang mayamang edad. Ang SLE ay nailalarawan sa pamamagitan ng mga alternating exacerbations at remissions, at ang mga panahong ito ay maaaring magkaiba ang tagal. Sa isang exacerbation, maaaring may pagtaas sa temperatura, pamamaga at sakit sa mga kasukasuan. Maaaring mahaba ang mga panahon ng pagpapatawad at hanggang 20% ng mga pasyente ay hindi nangangailangan ng paggamot sa panahong ito. Sa SLE, posible ang pinsala sa ibang mga organo at sistema (kidney, puso, balat).

fibromyalgia
Sakit ng kasukasuan Isang sakit na may ganap na hindi kilalang etiology, na nailalarawan sa pamamagitan ng talamak na pananakit sa mga kalamnan, kasukasuan, pananakit ng ulo at pagkagambala sa pagtulog. Maraming mga pasyente na may fibromyalgia ang nakakaranas ng pagkapagod at mga problema sa bituka.

Osteoporosis
Isang sakit na nailalarawan sa pamamagitan ng pagbaba ng density ng buto dahil sa paglaganap ng catabolism sa anabolismo sa mga istruktura ng buto. Karamihan sa mga kababaihan ng postmenopausal age ay may sakit. Ang pananakit ng kasukasuan ay nauugnay sa mga pagbabago sa tissue ng buto.

Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga (Part 2)By Doc Willie OngMaraming benepisyo ang pakwan sa ating kalusugan. Heto lang ang ...
02/01/2023

Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga (Part 2)
By Doc Willie Ong
Maraming benepisyo ang pakwan sa ating kalusugan. Heto lang ang ilang mga sakit na matutulungan nito: sakit sa puso, altapresyon, kanser, katarata sa mata, ulcer, singaw, bad breath, constipated, at mahina sa s*x.
Bukod dito, marami pang ibang gamit ang pakwan:
1. Mabuti sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice, nililinis ng pakwan ang ating kidneys at pantog. Kung ika’y may impeksyon sa ihi, kumain ng pakwan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo. At kung ika’y may bato sa bato (kidney stones), makatutulong din ang pakwan sa pagtanggal ng bato.
2. May tulong sa gout at mataas na uric acid – Ang katas ng pakwan ay makapagpapababa ng uric acid sa ating katawan. Sa mga may arthritis dahil sa uric acid (gout), kumain ng pakwan. (Paalala: Huwag kainin ang buto ng pakwan.)
3. Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium at iron. Dahil dito, nagbibigay ng lakas ang pakwan. May natural na asukal din ang pakwan na nagpapasigla ng ating katawan.
4. Makaiiwas sa heat stroke – Kapag napakainit ang panahon, puwede tayong mahilo at manghina ang katawan. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansyang katas na nagpapalamig sa ating katawan.
5. Sakit ng ulo – Sa South Africa, tinatapal ang balat ng pakwan sa ulo at sentido para matanggal ang sakit ng ulo.
6. First-aid sa bungang araw – Kumuha ng balat ng pakwan. Palamigin ang pakwan (pagkatapos kainin) sa refrigerator. Ipahid ang loob ng pakwan (pulp area) sa parte na may bungang araw. Maginhawa ito sa balat at nakababawas ng rashes.
7. First-aid sa sunburn at pagkapaso - Kapag napaso ang iyong balat, maganda itong lagyan ng ice o ilubog sa malamig na tubig. Puwede din lagyan ng laman ng pakwan ang parteng napaso.
8. Pampaputi – Alam ba ninyo na may glutathione din ang pakwan? Oo, at ang glutathione nito ay mas marami pa kaysa sa ibang mga prutas at gulay. Ang glutathione ay maaaring makaputi ng balat at nagpapalakas pa ito ng ating immune system.
Napakahaba talaga ang listahan ng benepisyo ng pakwan. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Kain na!

Adres

Philippine

Website

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer Mga tiip mula sa isang therapist. nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Delen