11/12/2023
Mula kay Meow:
Magandang araw.
Ako po si Purificacion βMEOWβ Ramilo, 81 taong gulang, mula sa Calamba City, Laguna.
Isa akong simpleng asawa, ina, at lola.
Hilig kong maglinis ng bahay, mag-alaga ng mga halaman, at manahi ng mga damit.
Sa kasamaang palad, hindi ko na magawa ang lahat ng iyon ngayon.
Dalawang buwan na ang nakakalipas nang aksidente akong madapa sa aming bakuran. Dahil dito, nagkaron ako ng hip fracture, humiwalay na ang buto ng aking left leg sa aking left hip.
Araw-araw akong nakakaranas ng sobrang sakit sa affected area, na halos ikabaliw ko na. Hindi na rin ako makakilos ng normal; lagi na lang akong nakahiga at nangangailangan ng may mag-aalaga sa akin.
Ang sabi ng mga doktor, kailangan ko daw maoperahan. Gustong-gusto ko din namang ma-operahan upang mawala ang sakit at makakilos na muli ng normal.
Pero hindi pala madali ang magpa-opera.
Una, kailangan kong mag-undergo ng ibat-ibang tests para masiguradong kakayanin ng katawan ko ang pagpapa-opera.
Pangalawa, kailangan kong mag-ipon ng malaki-laking halaga para ipambayad sa ospital at mga doktor. Napakadami ko palang kailangang doktor dahil sa edad ko.
Ang nakakalungkot, tatlong beses na akong nako-confine ngayong 2023: isang beses dahil sa urinary tract infection, isang beses dahil sa gall bladder removal, at isang beses dahil sa impeksyon sa tyan.
Bawat confinement ko, inaabot ng dalawang linggo bago ako tuluyang maka-recover. Mabagal na daw kasi talagang gumaling kapag may edad naβnapakalaki na tuloy ng nagagastos ng aming pamilya. Naubos ko na ang aming ipon.
Kaya naman, bilang paghahanda sa nalalapit kong hip surgery, naisipan na naming humingi ng tulong sa lahat ng mayroong kakayahan at sa lahat ng mga may pusong mapagmalasakit.
Madami-dami na din ang aking pinagdaanan ngunit patuloy akong umaasa at habang mayroon pang mga nagmamahal at sumusuporta sa akin, sisikapin ko pa ring lumaban, kahit mahirap, kahit masakit.
Hiling ko na tulungan mo akong makalakad muli.
Hiling ko na samahan mo akong makalakad muli.
Come, . Join our Raffle for a Cause.
------
π Raffle Details (Mechanics + Prizes)
https://www.facebook.com/WalkWithMeowsie/posts/pfbid02WnDDySZWw1AAtiVXwYEFLeEoJBx28HvAN5fWcE2Tyx7oztWwLLJCWohUdh8HCr9Xl
π Available Slots (Please read the caption for the available slot numbers):
https://www.facebook.com/WalkWithMeowsie/posts/pfbid0LmsRDgoK1K467D1mPCiha9PAehju6ykfL8KbzgCmgPnTnEQFVAVdhof79SxSphWbl
π Mode of Payment (Gcash or BPI):
https://www.facebook.com/photo?fbid=122103130310145775&set=pb.61554373260433.-2207520000+