
26/05/2025
Ang RABIES ay mapanganib at nakakahawang sakit na nakakamatay kung hindi ito maaagapan. Sanhi ito ng virus na nakukuha sa laway ng hayop na may rabis.
NAKAGAT o NAKALMOT ka ba ng hayop?
3 HAKBANG para MAAGAPAN ANG RABIES:
1. HUGASAN ANG SUGAT. Hugasan ang sugat ng sabon at dumadaloy na tubig sa loob ng 10 minuto.
2. KUMONSULTA agad sa pinakamalapit na health facility o Animal Bite Treatment Center.
3. KUMPLETUHIN ANG GAMUTAN at sundin ang payo ng doktor at health care provider.