16/09/2025
PROGRAM IMPLEMENTATION REVIEW PARA SA BARANGAY FIRST 1000 DAYS (BF1KD) SA ABORLAN
Petsa: Setyembre 16, 2025
Oras: 8:30 AM - 12:00 NN
Lugar: Aborlan, Palawan
Isang matagumpay na Program Implementation Review para sa Barangay First 1000 Days (BF1KD) Project ang isinagawa sa Aborlan, sa pakikipagtulungan ng NGO partner – Vitamin Angels at ng Latter Day Saints Church. Layunin ng aktibidad na higit pang paigtingin ang adbokasiya para sa pagkakaroon ng malulusog na batang Aborlanon, bilang isang mahalagang pamumuhunan sa human capital at kinabukasan ng ating bayan.
Ang mga pilot barangays na kalahok sa programang ito ay:
📍 Barangay Sagpangan
📍 Barangay Isaub
📍 Barangay Magsaysay
📍 Barangay Poblacion
📍 Barangay Cabigaan
Kabilang sa mga dumalo ang Vitamin Angels Team na pinangunahan ni Dr. Luz Iscubil, Country Program Manager ng Vitamin Angels Philippines, kasama ang dalawa pang miyembro ng BF1KD Team. Nakasama rin natin ang dalawang kinatawan mula sa Helen Keller International bilang observing NGO partners.
Pinarangalan din tayo ng presensya ng ating mahal na Municipal Mayor, Hon. Lito O. Tito, na nagbigay ng inspirasyonal na mensahe at buong suporta sa mga programang pang-kalusugan at nutrisyon ng ating munisipalidad.
Dumalo rin ang mga miyembro ng LGU Aborlan-BF1KD Coaches, Midwives, at ang ating mga BF1KD Facilitators na binubuo ng mga dedikado nating Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNSs).
Lubos ang pasasalamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa programang ito, na layuning tiyakin ang malusog at maayos na pagsisimula ng buhay ng bawat batang Aborlanon—mula sa sinapupunan hanggang sa ikatlong taon ng kanilang buhay. 💙👶
#