
29/06/2025
Isang pagpupugay po sa aming dating g**o ng high school....para po sayo Ma'am Clarita Samson Olaya....Rest in peace po..
" Sa pugad ng G**o "
Minsan may isang inakay na ibon sa pugad na nalaglag mula sa sanga ng isang puno. Masuwerte namang sa makapal na damo siya bumagsak,kaya hindi siya nasaktan.
Dahil sa nag aaral palang siyang lumipad,kulang pa sa lakas ang kanyang mga bagwis upang ikampay....at dahil doon kaya sya nahulog. Naisin man niyang balikan ang pugad ay hindi niya magawa dahil tanging paglipad lang ang paraan upang siya ay makabalik.
Sa tuwing ikakampay niya ang kanyang mga pakpak hindi niya magawang pumaimbilog sa itaas. Hangang sa abutin siya ng lamig ng gabi. Nakita siya ng isang inahing manok...naawa ito sa kanya at inakay siya sa kanyang pugad. Isiniksik siya ng inahin sa ilalim ng kanyang balahibo kasama ng kanyang mga sisiw upang hindi makaramdam ng lamig ng gabi.
Tuwing umaga habang akay akay ng inahin ang kanyang mga sisiw,hindi niya inaalisan ng tingin ang ibon na panay ang kampay pasalungat sa ihip ng hangin. At sa tuwing makakalahig ang inahing manok ng anumang uri na maaari nilang kainin ng mga sisiw isinasalo niya ang munting ibon.
Hangang sa lumipas ang panahon, ang ibon ay may kakayahan ng lumipad. Sa tuwing may magtatangka sa kanya lumilipad siya ng mataas...upang iwasan ang panganib na dulot ng ibang hayop.
Ngayon ang munting ibon ay ganap ng isang agila..isang ibong hari sa himpapawid. Sa tulong ng inahing manok at sa pagpupursiging matuto...nagawa niyang balikan ang pinagmulang pugad.
Isa lang itong kuwento..pero kung aanalisahin nating mabuti saan natin maaaring ikumpara ang munting ibon? Ano ang makapal na damo na pinagbagsakan niya...ang inahing manok at mga sisiw at pagkalahig ng mga ito upang may makain. Ano ang naging papel ng makapal na balahibo ng inahing manok na pinagkanlungan ng ibon sa lamig ng gabi?
Una..ang munting ibon ay ang mga bata na kulang pa sa pagiisip. Karaniwan mula apat hangang 6 na taong gulang o higit pa. Paano nawala sa pugad? Sa dahilang hindi lahat ay maaaring matutunan sa tahanan kaya humahanap ng paraan ang mga magulang upang mapunan o matutunan ng bata ang hindi nila kayang ituro.
Ano ang makapal na damo? Ito ang mapagpalang kamay ng mga g**o sa paaralan. Na nag silbing pananggalan nila upang huwag silang masaktan. At ang makapal na balahibo ay ang kanilang mainit na yakap upang maipadama nila sa mga bata ang kasiguraduhang ligtas sila sa lahat ng oras.
Sa bawat pagkalahig nila upang may makain..ito naman ang mga aral na ibinibigay sa bawat isa hindi upang mabusog ang sikmura kundi ang bawat isipan.
Minsan sa buhay ng isang g**o...dumarating sa kanila ang mga bata na parang isang laruan na sasakyan...na minsan kulang ng isang pirasong gulong.O isang puzzle na kulang kulang ang parte...na g**o ang nagpupuno upang mabuo.
Sino ang naging agila na haring ibon? Sila yung mga nagtagumpay sa buhay,sa anumang larangan na pinili nila.
Hindi ko alam kung paano o bakit sa aking katauhan hindi ako naging isang agila. Pero sa aming inakay na mag-asawa..sa tulong nyong mga" G**o",darating ang panahong makakabalik siya sa aming pugad.
" SA PUGAD NG G**O "
---by:Rizalino G Dacion---