26/05/2025
ALAM NIYO BA?
Isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng tao sa buong mundo ay ang aksidente sa kalsada. Kaya't ngayong Road Safety Month, ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na dagdag ingat sa lahat ng oras; maging responsableng BataeΓ±o at sundin ang mga sumusunod:
-Sa pagtawid, tingnan ang magkabilang direksyon at tumawid lamang sa tamang tawiran
-Maglakad sa sidewalks at tingnan ang daanang nilalakaran
-Kung magbibisikleta, gamitin ang nakalaang daan para sa mga bisikleta at maging alerto
-Kung magmamaneho ng de-motor na sasakyan, laging isaalang-alang ang kondisyon ng inyong
sasakyan;
-Bago magmaneho ay i-check ang preno, ilaw, langis, tubig, baterya, gulong, gas, at makina ng
sasakyan
-Magmaneho lamang kung ikaw ay nakapasa sa paper and practical exam ng LTO at mayroon nang lisensya para magmaneho
-Sundin ang mga batas trapiko
-Huwag magmaneho ng nakainom at huwag gumamit ng kahit anong mobile device habang nagmamaneho.
Tandaan, lahat tayo ay mayroong karapatang gumamit ng mga pampublikong daan, maging responsable sa paggamit ng mga kalsada upang maiwasan ang aksidenteng magaring magdulot ng pagkakulong, malubhang kalagayang medikal, o pagkamatay.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang lalawigang mayroong ligtas na mga kalsada para sa matatag
na pamilyang BataeΓ±o.