11/07/2025
Tuwing buwan ng Hulyo, ginugunita natin ang National Deworming Month ๐Hinihikayat ang publiko na sumailalim ang mga bata ๐ง๐ป sa deworming o pagpurga.
Magkaisa tayo para sa malinis na kapaligiran at tamang sanitasyon! Sama-sama nating gawin ang W.O.R.M.S. para sa mas malusog na komunidad!
๐ W - Wash Hands / Maghugas ng kamay nang maigi gamit ang sabon at tubig.
๐ฝ O - Observe proper use of toilet / Gumamit ng palikuran nang maayos at laging panatilihing malinis.
๐ฒ R - Reduce exposure to unwashed, uncooked, and undercooked food / Iwasan ang hilaw, hindi nahuhugasan o kulang sa luto na pagkain.
โ
M - Mass Deworming / Magpapurga
๐ S - Sapatos o tsinelas ay suotin
๐จโโ๏ธ Kung nakakaramdam ng sintomas ng sakit tulad ng Soil-transmitted Helminthiasis (STH), magtungo agad sa pinakamalapit na health station/center para magpakonsulta.
โ๏ธBUKOD SA LEPTOSPIROSIS, MGA BATANG NAGLALARO SA BAHA PWEDENG MAGKA-ASCARIASIS DALA NG MGA BULATEโ๏ธ
Babala ng DOH, hindi lang Leptospirosis ang maaaring makuha sa baha, kundi ang mga Soil-transmitted Helminths (STH) infections, tulad ng Ascariasis, Trichuriasis, at Ancylostomiasis. Madalas na tinatamaan ng mga STH ay ang mga batang hindi nagpapurga.
Ayon sa datos ng DOH noong 2024, 57% pa lang ng batang 1-4 years old ang nagpapurga sa kabila ng libreng Deworming tablets na binibigay sa mga health center.
Ilan sa mga sintomas ng STH infections ang:
โ๏ธPananakit ng tiyan
โ๏ธPagtatae
โ๏ธPanghihina
โ๏ธRectal prolapse (Paglabas ng laman ng pwet)
โ๏ธMabagal na paglaki ng katawan at isipan ng bata
Paalala ng DOH sa mga magulang, huwag hayaang maglaro sa baha ang mga bata at gawin ang W.O.R.M.S para maiwasan ang impeksyon na dala ng mga bulate! ๐ชฑ