Absin's Medical Clinic

Absin's Medical Clinic Consultation on adult and child diseases. Minor procedures. Prenatal.

PCEM POCUS SIG Registration Opening Soon!Get ready, ultrasound enthusiasts! The PCEM POCUS Special Interest Group (SIG) ...
24/07/2025

PCEM POCUS SIG Registration Opening Soon!

Get ready, ultrasound enthusiasts! The PCEM POCUS Special Interest Group (SIG) is opening registration starting July 28, 2025.

Stay tuned for more details — don’t miss your chance to be part of a dynamic community advancing point-of-care ultrasound in emergency medicine!

21/07/2025

Kung nalubog ka sa baha kahit wala kang sugat sa paa, uminom ng 2 tableta ng Doxycycline 100 mg sa loob ng 24 oras para pangontra sa leptospirosis. Libre ito sa mga health center.
‘Wag na tayong dumagdag sa bilang ng may lepto.

Ingat!

21/07/2025

Maagang paggamot ay nakababawas sa komplikasyon at maaaring makaligtas ng buhay.


14/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




26/06/2025
23/06/2025
03/06/2025

Circumcision schedule available on June 5, 1 slot left. PM for appointment

02/06/2025

Hypertension silently forces your heart to work overtime.

Over the years, this pressure can enlarge the heart, weaken it, and increase your risk of heart failure. Get your BP checked regularly!

30/05/2025

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐊𝐎𝐋 𝐒𝐀 𝐌𝐏𝐎𝐗

Public Advisory No. 2025-018 | May 29, 2025

Base sa pinakahuling ulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), walang kumpirmadong kaso ng Mpox sa Eastern Visayas.

Bagama’t wala pang kaso ng Mpox sa rehiyon, mariing pinapaalalahanan ng Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ang publiko na maging maalam sa tamang impormasyon tungkol sa sakit na Mpox.

Ang Mpox ay isang nakakahawang sakit na dulot ng Monkeypox virus na may mga sintomas na kahalintulad sa smallpox. Ito ay nagdudulot ng mga pantal na mukhang butlig o pimple na nagtatagal ng 2-4 na linggo na may kasamang lagnat, sakit ng ulo at katawan, paghihina, at pamamaga ng kulani o lymph nodes.

Upang masiguro ang kaligtasan ng inyong sarili at pamilya, narito ang mga dapat gawin at tandaan:
✅Ugaliin ang madalas at tamang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, o hand sanitizer.
✅Palaging mag-sanitize ng mga gamit partikular sa mga bagay na palaging ginagamit o hinahawakan.
✅Kung maaari, iwasan ang mga aktibidad na maaaring magkaroon ng close contact.
✅Magsuot ng long sleeves, pantalon, at face mask kung nasa pampublikong lugar.
✅Magpakunsulta sa pinakalamapit na Health Center kung nakakaramdam ng alinman sa mga sintomas.

Maging responsable sa kalusugan ng sarili at ng kapwa. Higit sa lahat, manatiling updated sa mga opisyal na anunsyo ng DOH at sa mga mapagkakatiwalaang news sources upang makaiwas sa maling impormasyon.

Tandaan, ang pagkakaroon ng disiplina at tamang kaalaman ay makakatulong upang maprotektahan ang buong komunidad.

30/05/2025

Address

Real Street, Bito, Abuyog, Leyte
Abuyog
6510

Opening Hours

Monday 9am - 4pm
Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 9am - 4pm
Saturday 9am - 4pm

Telephone

+639620813525

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Absin's Medical Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category