16/11/2024
AGONCILLO, NAG IISANG MUNISIPALIDAD NA NAGAWARAN NG MOUNTAIN MOVER AWARD SA LALAWIGAN NG BATANGAS NGAYONG 2024🇵🇭✨
Kahapon ay pinarangalan ang bayan ng Agoncillo bilang Mountain Mover Award sa ilalim ng Municipal Category. Dalawa lamang ang nabigyan ng parangal na ito, isang lungsod at isang munisipalidad sa buong lalawigan.
Ang nasabing award ay tinanggap ng ating Municipal Health Office na pinamumunuan ni Dr. Richard Landicho kasama sina Ms. Ma. Krissel Caringal, Nurse II at Ms. Ella Rafaela Padua, Nurse I at Adolescent Health and Program Manager sa isang programa ng Provincial Health Office, ang Gawad Parangal 2024 na may temang: "Universal Health Care: Kalusugan ng Batangas, Hakbang Tungo sa Bagong Pilipinas!" na ginanap sa Batangas Country Club.
Ikinatuwa ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, mga pinuno ng bawat departamento at lahat ng kawani ang tagumpay na ating nakamit na sa kabila ng ating pinagdadaanang pagsubok ay patuloy pa din nating ginagampanan ang ating mga tungkulin upang maipagpatuloy ang isang Magandang Serbisyo Publiko.
Matatandaan na ngayong taon ay nagsimula tayo na wala pang Teen Health Kiosk kahit saan sa ating Bayan. Ngunit ngayon ay mayroon na sa mga sumusunod:
🏥 1 Agoncillo RHU Teen Health Kiosk
🏫 3 school- based
Banyaga NHS- Teen Health Kiosk
Agoncillo NHS- Teen Health Kiosk
Coral na Munti NHS- Teen Health Kiosk
🏣 10 community-based
Subic Ibaba, Barigon, Coral na Munti, Bangin, Pook, Pansipit, San Teodoro, Sto. Tomas, Bagong Sikat, Panhulan
Ang parangal na ito ay naging posible dahil sa suporta ng pamahalaang lokal, kawani mula sa Municipal Health Office, HRH mula sa DOH, iba't ibang secondary schools sa ilalim ng pamumuno ni Dra. Maria Melissa Ariola, School Heads, Teen Health Kiosk Advisers, Peer Navigators, Sanggunian Kabataan sa pamumuno ni Hon. John Mark Hernandez, at volunteers, functionaries sa pamumuno ng mga Kapitan mula sa iba't ibang Barangay.
Patunay ito sa nakalagay sa plaque " With the right dedication, even the most challenging obstacles can be moved"
Bukod sa Mountain Mover Award, tinanggap din ng Municipal Health Office ang mga sumusunod:
- Excellence in Maternal Health Data Reporting and Delivery Services
-Plaque of Recognition on Certification of Community-Based Drug Rehabilitation Program
- Certificate of Recognition on Healthy Learning Institution (HLI) Projects for selected Last-Mile Elementary Schools in the Province of Batangas
Patuloy nating ipaparamdam sa ating mga kababayan ang isang serbisyong dekalidad, may tunay na malasakit at puso. Para ito sa inyo, aming mga kababayan!
Para ito sa iyo mahal naming Agoncillo!
Pagbati sa lahat ng kawani ng ating Municipal Health Ofiice! Mabuhay po kayo!