04/08/2025
๐ธ BUNTIS CONGRESS 2025 ๐ธ
Bilang bahagi ng 51st Nutrition Month Celebration na may temang " Sa PPAN, Sama sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat" ,Isang matagumpay na pagtitipon ng ๐ฏ na buntis mula sa ating komunidad ang ginanap ngayong araw, Agosto 4 sa Gregorio Brotonel Event Center!
Ang nasabing Buntis Congress ay dapat noong July 21 ginanap ngunit dahil sa hindi magandang panahon ay minarapat itong ilipat ngayong araw.
Layunin ng programa na palakasin ang kaalaman at suporta para sa kalusugan ng ina at sanggol. Nagbigay ng mga makabuluhang mensahe at suporta sina:
๐จโโ๏ธ Dr. Richard B. Landicho
๐ฉโโ๏ธ Mayor Cindy Valenton-Reyes
๐งโโ๏ธ Konsehal sa Kalusugan Clark "Kidlat" Caringal
๐จโ๐ผ Mr. Mark Daved C. Aguado, DMO IV
Napapanahong talakayan ang inihatid:
๐ฆท Oral Health Care โ Dr. Edgardo Beltran
๐ฅ Nutrition in Pregnancy โ Mam Jesah Jobli-Cale
๐ Immunization and Maternal Protection โ Head Nurse Ma. Krissel Caringal
Naroon din ang mga kinatawan ng Philhealth para sa mga gustong magpa update ng record o magpa rehistro. Bukod doon, nagbigay rin ng libreng anti tetanu para sa mga buntis na kulang pa sa turok.
Nagbigay ng panghuling pananalita ang Municipal Nutrition Action Officer na si Nurse Ella Rafaela Padua- Mabilangan. Binigyan diin niya na ang Nutrisyon sa pagbubuntis ay hindi luho- ito ay pangangailangan. Hinikayat niya rin ang mga buntis na gamitin ang mga serbisyo para sa kanila sa health center- prenatal check up, iron and folic supplementation, deworming at Nutrition counseling.
Bukod sa kaalaman, napuspos din ang araw ng biyaya:
๐ฅฌ๐ฅiba't ibang gulay at isang tray ng itlog na nauna nang ipamigay noong July 21
๐ Maternal kit
๐ Breastfeeding cover
๐งด Product samples mula sa mga medical representatives gaya ng Taisho Pharmaceuticals, Prosel Pharma, Unilab, Metropolitan Pharmaceuticals, Medi-RX, DKT Health Inc.
๐ฑ Early lunch
๐ฑ food packs mula kay Konsehal Kidlat Caringal katuwang ang Sogo Cares
Ang Buntis Congress ay patunay na ang malasakit at edukasyon ay mahalagang puhunan para sa ligtas at malusog na pagbubuntis.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sa mga BNS, Personnel mula sa RHU, suporta mula sa iba't ibang ahensya pati na rin sa pamahalaang lokal ng Agoncillo at sa mga patuloy na sumusuporta sa ating mga ilaw ng tahanan. ๐ท