07/09/2024
Sama-samang Tugunan ang Obesity sa PIlipinas!
Nakikiisa ang National Nutrition Council sa 2024 Obesity Prevention Week. Sa pangunguna ng Department of Health, hinihikayat ang lahat na magkaroon ng sapat na ehersisyo at wastong nutrisyon bilang sandata laban sa obesity at iba pang sakit na bitbit nito.
Narito ang ilang tips para sa para sa isang mas masustansya at malusog na bukas:
β
Magkaroon ng sapat na ehersisyo sa isang araw. Gumalaw, tumayo, maglakad, gumamit ng hagdan, sumayaw, at iba pa!
β
Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng gulay, prutas, at lean protein sa bawat meal. Mas mainam na magdagdag ng nutrient-dense na pagkain sa ating diyeta.
β
Gawing gabay ang Pinggang Pinoy para sa inirerekomendang hati ng bawat food group sa inyong plato: tinyurl.com/PinggangPinoy2016
Bukod sa pag-iwas sa obesity at mga sakit na kaakibat nito tulad ng diabetes, hypertension, sakit sa puso, at cancer, nakakatulong din ang pagkakaroon ng healthy lifestyle sa ating well-being at quality of life.