04/08/2021
Dengue season na naman! Kung ikaw ay may sakit mas mabuti magpakonsulta sa malapit na clinic/hospital.
PANGASINAN LATEST UPDATE :
Pagtaas sa kaso ng Dengue sa Pangasinan, pinangangambahan
Ngayong tag-ulan, pinaalalahan ng Provincial Health Office (PHO) ang publiko na maging maingat sa dengue dahil sa pagdoble ng kaso nito mula Enero hanggang Hulyo 26.
Umabot sa 2,634 na dengue cases ang naitala ng PHO Epidemiology and Surveillance Unit at nasa 97 percent ang nadagdag sa huling naitalang bilang na umabot lamang sa 1,334 dengue cases mula Enero hanggang Hulyo, 2020.
Mababa naman ang bilang ng mga namatay dahil sa dengue ngayong taon, kumpara noong nakaraan na nasa labing-isa. Ang dalawang naitalang nasawi dahil sa dengue ay mula sa Rosales at Malasiqui.
Ang mga bayan at siyudad na patuloy paring binabantayan ng PHO ay ang mga sumusunod: San Carlos City na may 302 dengue cases, Alaminos City na may 290, Pozorrubio na may 147, Bolinao na may 109, Urdaneta City na may 108, Bayambang na may 103, Lingayen na may 90, Asingan at Binmaley na may parehong 72 na kaso.
Pinapaalalahanan naman ng tagapagsalita ng Department of Health - Ilocos na si Dr. Rheuel Bobis sa publiko na isabuhay ang 4S Habit laban sa Dengue. Ang 4S habit ay ang mga sumusunod: S1 - Search and destroy mosquito-breeding sites, S2 - Secure Self-protection measures, S3- Seeking early consultation, at S4 - Support fogging.
Dagdag niya, patuloy na tumataas ang dengue cases dahil sa mga lamok na namumugad sa mga baradong tubig na resulta ng kawalan ng kalinisan sa kapaligiran.