Dulay Adult and Senior Clinic - Alcala Pangasinan

Dulay Adult and Senior Clinic - Alcala Pangasinan Adult and Senior Disease Specialist

17/11/2023

/KIDNEY STONE/
Good evening pong muli aking mga kailyans. Ngayon po’y atin namang paguusapan ang tungkol sa Kidney Stones.

Bago po ang lahat, please don’t forget to Like and share and anf Like my page para po updated kayo sa mga bago nating lecture!
Maaari rin po kayong magsuggest ng topic na pwede nating talakyin at pag-usapan.

ANO ANG KIDNEY STONES AT PAANO ITO NABUBUO?
Ang mga kidney stone ay mga matitigas na deposito na gawa sa mga mineral at asin na nabubuo sa loob ng kidneys. Kapag masyadong concentrated ang ihi, maaaring mamuo at maging kristal ang calcium, uric acid salts, at iba pang kemikal na natunaw sa ihi, na siyang nagiging dahilan ng pagbuo ng bato o renal calculus.
May iba;’ ibang klase ng bato base sa komposisyon nito at dito rin nakabase ang gamot na maaaring ireseta sa inyo ng doktor.

ANO ANG MGA SANHI NG KIDNEY STONE FORMATION?
1.Labis na pagkonsumo ng
* Maasin o maaalat na pagkain
* Animal protein
* Matatamis o maasukal na pagkain

2. Obesity. Ayon sa mga research, ang obesity ay nakakcontribute sa risk ng pagbuo at pagkakaroon ng kidney stones.

3.Kulang na pagkonsumo ng :
* Calcium mula sa pagkain at inumin. Ang mas mataas na pagkonsumo ng calcium mula sa inumin at pagkain ay nauugnay sa mas mababang tsansa ng pagkakaroon at pagbuo ng kidney stones. Samantala, ang paggamit ng Calcium Supplements ay nakitang nakakadagdag sa risk ng kidney stone formation.
* Tubig. Kapag ang kabuuang ihi sa loob ng isang araw ay

/RABIES/Magandang araw po uli mga kailyans!Bago po ang lahat, please follow my page and please like and share!Ang tatala...
08/11/2023

/RABIES/

Magandang araw po uli mga kailyans!
Bago po ang lahat, please follow my page and please like and share!

Ang tatalakayin naman po natin ngayo'y ang Rabies.
Dahil marami po sa atin ang mahilig sa hayop at marami rin ang may alagang hayop, importanteng maging aware sa RABIES.

ANO ANG RABIES?
Ang rabies ay isang maiiwasang sakit na sanhi ng VIRUS na kadalasang naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng isang hayop (a*o, pusa, paniki, kalabaw, baka, unggoy at kambing). Tinatarget ng virus ang central nervous system(Utak at Spinal Cord), na nagdudulot ng pamamaga sa utak at sa huli ay kamatayan.

ANO ANG MGA SIMPTOMAS NG RABIES?
EARLY. Ang mga simptomas gaya ng lagnat, pananakit ng ulo, pagduduwal pagsusuka at pagbabago ng ugali tulad ng pagkabalisa, hindi mapakali, o laging kinakabahan ay ilan lang sa mga uang simptomas na maaaring makita. Ang pinakaunang neurologic na sintomas ng rabies ay kinabibilangan ng pamamanhid, pananakit, o pangangati malapit sa bahagi kung saan nakagat .Itong mga simptomas na ito ay karaniwang tumatagal ng 2-3 araw.

LATE. Sa oras na makaaakyat ang virus sa utak, dalawang neurologic na simptomas ang karaniwang nakikita sa tao: ang furious form na nakikita sa 80% na ka*o at ang paralytic form na nakikita sa 20% ng mga ka*o

FURIOUS. kabilang sa mga simptomas ay pagkalito, pagkakaroon ng hallucinations, agresyon, pangingisay, pagkain ng iba’y ibang bagay, pangangagat, pagkakaroon ng takot sa tubig at hangin.

PARALYTIC. kung saan ang simptomas ay paralisis na nagsisimula sa lugar ng kagat na kumakalat sa buong katawan; kawalan ng kakayahan sa paglunok, paglalaway

Ang rabies ay nakakamatay ngunit maaaring maiwasan matapos mabigyan ng tama at kompletong post-exposure therapy matapos makagat.

SA ORAS NA MAKAGAT, ANO ANG DAPAT GAWIN?
- Importanteng hugasan ng mabuti ang sugat gamit ng sabon at dumadaloy na tubig ng hindi babab sa 10-15 minuto
- Pagkatapos hugasan, i-disinfect ang sugat gamit ang iodine solution o alkohol
- Iwasa ang pagpahid ng ointments or creams sa sugat at iwasan ang pagtatakip sa sugat kapagkat ito ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng BACTERIAL Infection
- Agad na magtungo sa health center upang mabigyan ng Anti rabies vaccine at antibiotics kung kinakailngan.
TANDAAN po natin: Sa oras na lumabas ang simptomas ng RABIES, ang kamatayan ay hindi na maiiwasan. Ang tanging solusyon ay ang pag-iwas sa pagakyat ng Virus sa utak. Ito ay maiiwasan lamang kapag nakompleto ang vaccination.
- Obserbahan ang kumagat na hayop sa loob ng 14 na araw.

ILANG BESES IBINIBIGAY ANG VACCINE?
- Para sa pag-iwas sa rabies, dapat na bigyang-diin ang postexposure prophylaxis (PEP) na sinimulan pagkatapos ng exposure at bago magkaroon ng anumang simptomas. Ang vaccine ay ibinibgay ng apat na beses. Mahalagang maibigay ang unang dose ng vaccine sa lalong madaling panahon, matapos makagat. Ang mga sumusunod na dose ay ibinibigay sa day 3, 7 at day 14.

31/10/2023

/Antibiotic Resistance/
Magandang araw kailyans!

Ngayon po’y pag-uusapan natin ang isa sa mga pinakanakakabahalang problema o na kinakaharap ng buong mundo - ang antibiotic resistance.
Bago po ang lahat, please like and share to spread awareness.
Also please follow my page, for more health topics and updates!

Ano ang Antibiotic Resistance?
Ang antibiotics ay gamot na ginagamit upang patayin ang mga naturang BACTERIA. Sa paglipas ng panahon, maaaring umangkop at makagawa ang mga mikrobyo ng paraan upang hindi sila mapatay ng mga antibiotic. Ang termino para dito ay antibiotic resistance.

Bakit ito nakakabahala?
Ang ka*o ng antibiotic resistance ay patuloy na tumataas sa buong mundo. Habang tumatagal, iba’t ibang pamamaraan ng paglaban sa antibiotic ang nagagwa ng mga bacteria na siyang nagbabanta sa ating kakayahang gamutin ang mga karaniwang nakakahawang sakit. Dumarami at humahaba na rin ang listahan ng mga impeksyon na nagiging mas mahirap, at kung minsan ay imposible nang gamutin dahil hindi na epektibo ang mga antibiotics na meron tayo.

Mga Dahilan ng pagkakaroon ng Antibiotic resistance
1. Hindi pagtapos o pagkompleto sa itinakdang bilang ng araw ng gamutan.
Ilan sa mga pasyente ay tinitigil ang pag-inom ng antibiotics sa oras na makaramdam ng kaginhawan o paggaling kahit hindi pa natatapos ang nakatakdang araw ng gamutan.
2. Labis na paggamit ng antibiotics sa livestock farming at pagpapalaisdaan.
Ang Antibiotic resistant na bacteria ay maaaring malipat sa oras na kainin ng tao ang mga lamang loob ng hayop na laging nabibigyan ng antibiotics.
3. Labis na pagrereseta at paggamit ng antibiotics.
Dumarami ang nagseself-medicate at nagsisimula ng antibiotics kahit hindi rekomendado ng Doctor. Ilan din ang umiinom ng lampas sa isang klase ng antibiotics kahit hindi kailangan.
4. Hindi sapat at mahinang paraan ng pagkontrol ng impeksyon sa mga pagamutan
5. Kawalan o kakulangan ng kalinisan at sanitasyon
6. Kakulangan sa paggawa ng mga bagong antibiotics

Paano ito maiiwasan?
- Importante po na kumonsulta muna bago magsimula ng gamot. Tandaan po natin na hindi po lahat ng sakit ay kakailnganin ng antibiotics,
- Sa oras na naresetahan ng Doktor, kumpletuhin po ang itinitakdang bilang ng araw ng gamutan.
- Ugaliing maghugas ng kamay para hindi makahawa at pahalagahan ang kalinisan at maayos na sanitasyon.

27/10/2023

!! NO CLINIC TODAY !!
Clinic will resume on November 4, 2024.

Please contact our secretary for appointments 09811703294.

24/10/2023

/STROKE/
Good afternooon pong ulit mga kailyans.
Please like and share to spread awareness.

Ngayon naman po’y pag-uusapan natin ang stroke. Gaya ng atake sa puso, ang stroke ay isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas.

Ang stroke ay nangyayari kapag ang daluyan ng dugo patungo sa utak ay biglang naharangan ng isang namuong dugo o CLOT (ISCHEMIC STROKE) o di naman kaya’y dahil sa pagputok ng ugat at pagdurugo sa utak (HEMORRHAGIC STROKE). Dahil konti o walang oxygen na nakakarating, maaaring mamatay ang parte ng utak kung hindi agad maagapan.

Tumataas ang panganib na magkastroke kapag ang isang indibidwal ay may kondisyon tulad ng hypertension, diabetes, irregular na pagtibok ng puso, naninigarilyo at may mataas na cholesterol. Ang panganib ng stroke ay tumataas din pagtungtong sa edad na 55 taon pataas sa lalaki at babae.

Sa pagtingin ng simptomas ng stroke, atin pong tandaan palagi ang acronym na B-E-F-A-S-T.

BALANCE- pagkawala ng balanse, pagkahilo o biglaang pagsakit ng ulo
EYES- panlalabo ng paningin
FACE- nakalaylay o hindi pagkakapantay sa isang bahagi ng mukha
ARM- panghihina ng kamay o paa sa isang bahagi ng katawan
SPEECH- pagkakaroon ng kahirapan sa pananalita
TIME- sa oras na makita ang mga simptomas na ito’y humingi agad ng tulong

Kapag meron po ang mga simptomas na ito’y mahalagang dalhin agad ang pasyente sa ospital .Tandaan. Mahalagang maging alisto tayo sa pagpansin ng mga simptomas ng stroke. Kada segundong lumilipas, 32,000 brain cells ang namamatay. Kada minutong nagdaraan, 1.9 million brain cells ang nawawala.

TIME IS BRAIN po mga kailyans!

Good morning Kailyans!Clinic is open from 1pm-4pm today. 😊
20/10/2023

Good morning Kailyans!
Clinic is open from 1pm-4pm today. 😊

19/10/2023

/HEART ATTACK/ATAKE SA PUSO/
Good afternoon po kailyans!�
maaarin po itong i-like at i-share

Isa ang Heart attack sa pinakanangungunang kadahilanan ng pagkamatay ng mga PIlipino.

Bukod sa genetic na kadahilanan, ang diet na mataas sa taba at asukal, paninigarilyo, at pagkakaroon ng sedentary lifestyle o kakulangan sa ehersisyo ay mga pangunahing dahilan sa paglitaw ng kondisyong ito.

Ano po ba ang nangyayari sa kondisyong ito?
Ang atake sa puso ay nangyayari kapag ang isang arterya/ ugat na nagdadala ng oxygen patungo sa puso ay naharangan.

Ang mga matabang deposito na naglalaman ng kolesterol na tinatawag na PLAQUE, ay unti-unting namumuo sa arterta. Sa paglipas ng panahon ang plaque na ito ay maskumakapal at maaaring pumutok at mamuo ng CLOT. Maaaring harangan ng clot na ito ang mga arterya, na nagiging sanhi ng atake sa puso.

Ano po ang simptomas ng atake sa puso?
Mahalagang magkaroon ng kamalayan ukol sa simtomas ng Heart Attack sapagkat ito ang maaaring makapagligtas ng iyong buhay o ng inyong mga kamag-anak.

Ang mga sumusunod ang mga dapat isa-alang alang na karaniwang nararamdaman ng taong inaatake sa puso :

1. Kalidad ng sakit sa dibdib : pakiramdam na parang may nakadagan o mabigat sa dibdib
2. Lokasyon: substernal o gitnang bahagi ng dibdib, na maaari ring maramdaman sa may leeg at panga, sa kanan o kaliwang kamay sa likod o sa may sikmura.
Sa halip na sakit sa dibdib ang ilan ay nakakaramdam ng kahirapan sa paghinga, paninikmura, pagduduwal, o panghihina. Ang mga ito ay mas madalas sa mga kababaihan, matatanda, at mga pasyenteng may diabetes. Gayunpaman, kung malaking bahagi ng puso ang apektado, ang simptomas ay maaaring may kasamang ng pagpapawis, pamumutla at, panlalamig sa balat at pagbagsak ng blood pressure
3. Durasyon: sakit sa dibdib na nagtatagal ng mahigit sa 10 minuto
4. Nagpapalala: minimal na pagpapagod/ aktibidad o kahit nagpapahinga

Kapag naramdaman ang mga ito, mahalagang magtungo agad sa ospital para magawa ang test para sa atake sa puso at mabigyan ng karampatang gamot.

Tandaan po na ang atake sa puso ay nakamamatay! Wag nating ipagsawalang bahala ang sakit sa dibdib na nararamdaman.

15/10/2023

|DIARRHEA/PAGTATAE|
Good evening po kailyans!
DONT FORGET TO LIKE AND SHARE!
Kayo po ba ay nakakaranas ngayon ng Diarrhea or pagtatae?
Mahigit sa 90% ng pagtatae ay sanhi ng infection.Ang natitirang 10% nama'y maaaring sanhi ng ininom na gamot, pag-inom ng nakakala*ong substansya, intolerance sa pagkain, at iba pang mga kondisyon.

Ano po ba ang tamang management ng pagtatae/diarrhea?

Hydration
Ang pagpapalit sa tubig na nawala są katawan dahil sa pagtatae ay isa sa pinakamahalagang hakbang upang limitahan ang dehydration. Ang dehydration, kapag hindi agad naagapan, ay maaaring humantong sa kamatayan.

Ang ORAL REHYDRATING SOLUTION (ORS) ay gawa sa tubig, glucose at sodium. Isa ito sa pinakamabisang solusyon upang mas mapabilis at mas madagdagan ang fluid na inaaa*orb sa bituka, kung kayat mas mabilis ding napapalitan ang nawalang tubig sa ating katawan.

May mga handa nang ORS na maaaring mabili sa botika ngunit maaari rin itong timplahin sa loob ng ating mga kabahayan.
Pano po ito ihanda?
Kailangan lang ng:
- isang litrong tubig (naiinom at malinis)
- 1/2 kutsarita ang asin
- 6 na kutsarita ng asukal
Ito po ay iniinom hangga't kaya ng pasyente at kada matapos magbawas. Ito rin po ay dapat makonsumo sa loob lamang ng 24 hours at pag lumampas na'y dapat na itong palitan.

Medikasyon
Dahil ang pagtatae ay isang natural na tugon ng ating katawan laban sa impeksyon/toxin, pinapayuhan ang lahat na huwag agad-agad uminom ng Anti-diarrheals lalung-lalo na kung may kasamang paglalagnat o nagtatae ng dugo.

Pinapayuhan din ang lahat na iwasan ang pag-inom ng ANTIBIOTIC hangga't hindi ito nirereseta ng inyong doktor sapagkat it'y binibigay sa bilang na ka*o lamang at maaari rin nitong sirain ang normal na balanse sa tiyan na siya pang magpapalala ng inyong diarrhea.

/SORE EYES/ Good afternoon po muli mga Kailyans! Maaari po itong iLIKE at iSHARE.Uso na naman po ang Sore eyes, kaya ito...
12/10/2023

/SORE EYES/
Good afternoon po muli mga Kailyans!
Maaari po itong iLIKE at iSHARE.

Uso na naman po ang Sore eyes, kaya ito po ang ating pag-uusapan ngayon.

Ang sore eyes po o conjunctivitis ay ang infection sa conjunctiva o ang puting parte ng ating mata.

KARANIWANG SIMTOMAS AY ANG MGA SUMUSUNOD:
- pamumula ng apektadong mata
- pagluluha o pagkakaroon ng nana/pus sa mata
- pangangati, pananakit o pakiramdam na parang may buhangin sa mata

May iba't ibang klase at sanhi ang conjunctivitis/sore eyes pero ang pinakakaraniwang nakikita ay ang Sore eyes na dulot ng VIRAL or BACTERIAL Infection.

VIRUS po ang madalas na dahilan kapag ang apektadong mata ay namumula at nagluluha na walang kasamang pagmumuta. Karaniwang apektado ang isa o dalawang mata. Sa kondisyong ito, HINDI kailangang magbigay ng ANTIBIOTICS bagamat hihintayin lamang na mawala ito ng kusa.

BACTERIA naman po ang dahilan kung may kasamang pagmumuta o nana sa mata. Upang gumaling at makaiwas sa komplikasyon, kinakailangang maglagay ng ANTIBIOTICS sa mata (na NIRESETA ng Doctor).

Ito po ay nakakahawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng close contact sa mga taong may sore eyes o paghawak sa mga bagay na kontaminado ng nakakahawang virus/ bacteria.

Tandaan po! Prevention is better than cure! Upang hindi magkaroon ng Sore Eyes, ang pinakamabisang paraan po ay ang madalas na paghuhugas ng kamay!

Good afternoon kailyans!Bukas po ang ating clinic bukas(wednesday) mula 9am-12 noon.Maaari ninyo pong itext si Ma'am Jan...
10/10/2023

Good afternoon kailyans!
Bukas po ang ating clinic bukas(wednesday) mula 9am-12 noon.

Maaari ninyo pong itext si Ma'am Jane sa neumerong 09811703294 kung nais nyong magpa-appointment.

See you po!

09/10/2023

|DIABETES/DYABETIS|
MAAARI NIYO PONG I-LIKE AND SHARE!

Magandang umaga ulit mga Kailyans!
Para ulit po sa mga Diabetic nating mga mahal sa buhay, narito po ang isang panibagong lecture para sa inyo!

ANO ANG MGA DAPAT ISAALANG-ALANG NG ISANG PASYENTENG MAY DIABETES ?
1. Blood sugar
- Mahalaga po na ating mabantayan ang ating blood sugar upang maiwasan ang mga komplikayong dala ng Diabetes.
- Gamit ang glucometer, nirerekomenda na kunin ang blood sugar bago kumain (target: 80-120 mg/dL) o 2 oras matapos kumain (target: para sa mahigit 2 beses ang pagtusok ng INSULIN sa isang araw: kunin ang blood sugarL 3x/day
> para sa isang beses gumamit ng insulin sa isang araw: kunin ang blood sugar 2x/day
> para sa may Stable na Diabetes: irecord ang blood sugar 1-2x/week
> para sa mga may ibang karamdaman na may Diabetes: kunin ang CBG 3x/week

2. HBa1c testing 2-4x a week
- ang Hba1c po ay isang blood test na kayang magmonitor ng blood sugar control sa nakalipas na 3 buwan.
- Ang Hba1c ang test na ginagamit na basehan kung kontrolado ba o hindi, o kung kailangang dagdagan o bawasan ang ating mga iniinom na gamot.

3. Deteskyon, pag-iwas sa mga komplikasyon
- kung hindi makontrol ang diabetes, ilan sa mga komplikasyong hatid ng Diabetes ay ang pagkasira ng Kidneys na maaring humantong sa Kidney failure, pagkasira ng mga Nerve na maaaring magdulot ng pamamanhid at pananakit ng ating mga daliri sa paa at kamay, at pagkasira ng ating mga mata na maaring humatong sa panlalabo o pagkabulag.

4. Pagkontrol ng ibang mga kondisyon na maaaring magpalala sa Diabetes
- Blood pressure target: < 140/90
- pagmonitor ng cholesterol
- vaccination laban sa Trangka*o at Pulmunya

5. Ehersisyo
- Mahalagang mgehersisyo upang bumaba ang Blood Sugar.
- Inirerekomenda na mag-ehersisyo ng 150 minuto/week (hatiin sa 3-4 na araw)

6. Nutrition therapy.
- Gaya nang nauna ko tinalakay at inupload, maaaring sundin ang Diabetes Plate Method

7. Araw- araw na paginom ng iniresetang gamot o pagturok ng iniresetang insulin.
-Tandaan po! magpakonsulta po para sa adjustment ng ating mga gamot at huwag po sanan pangunahan ang ating mga eksperto

8. Psychosocial care.
- Mahalaga ding bigyang pansin ang Psychological na epekto ng sakit na ito. Ang Diabetes ay isang sakit na walang lunas. Dahil dito, ito ay maaaring mgdulot ng depresyon o anxiety sa ibang pasyente.

07/10/2023

Good morning po!
Para po sa mga Kailiyans natin na Diabetic, ang Diabetes Plate method mo ang isa sa pinakamadaling paraan na makakatulong sa pagkontrol ng ng ating mga blood sugar.

-Punan ang kalahating(50%) bahagi ng pinggan (standard na sukat 9 inches) ng mga nonstarchy na gulay, tulad ng salad, green beans, brokoli, cauliflower, repolyo, karot at iba pa .
- ang kapat na bahagi (25%) naman ay para sa hindi mamantika at matabang na protina, tulad ng manok, isda, beans, tofu, o itlog.
- ang natitirang kapat na bahagi (25%) ay punan ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates gaya ng kainin, kamote o patatas.

Maaari pong i-LIKE at i-SHARE ang ating page!

Para sa susunod na Lecture po ay ating tatalakayin ang mga dapat bantayan at imonitor ng isang taong may Dyabetis!

05/10/2023

|HIGHBLOOD(ALTAPRESYON)|

Magandang gabi mga Ka-ilians!

Maaaring i-share po ang karagdagan impormasyon sainyong mga mahal sa buhay😊

P**i follow ang page para sa susunod po na LECTURE SERIES😊

Para po sa kaalaman ng lahat, ang altapresyon(Highblood) ay isang kondisyon kung saan umaakyat ang blood pressure ng 130/80 pataas.

According to the World Health Organization(W.H.O) 46% ng mga tao sa buong mundo ay di alam kung sila ay may altapresyon

Ayon naman sa Hypertension Guidelines(Harrisons):

May dalawang stages ang altapresyon:
Stage 1: BP 130-139/80-89
Stage 2: BP >140/90

Ngayon, PANO PO ITO IMONITOR?
Kunin ang BP sa Umaga pagkagising at bago matulog. Kung ang BP ay mataas sa >2 na okasyon, pinapayuhang magpakonsulta na sa doctor.

Kung ang BP ay hindi makontrol, maaaring maapektuhan ang ibang organs mg katawan gaya ng kidneys, mata, puso at utak na maaaring mauwi sa kidney failure, pagkabulag, atake sa puso o stroke.

Ilan sa mga paraan para ito'y makontrol ay ang mga sumusunod:
-DASH diet
- pag-iwas o paglimita sa pag-inom ng alak
-pageehersisyo
- pagbabawas mg timbang
- paginom ng niresetang maintenance araw-araw

Kung may karadagang pa pong tanong, lumapit lamang sa inyong local health unit para mabigyan ng hustong impormasyon tungkol sa Hypertension.

Kita kita sa susunod mga Ka-ilians! :)

Adult and Senior Disease Specialist

Address

Centrum Ga*oline Station, Poblacion West
Alcala
2425

Opening Hours

Wednesday 9am - 12pm
Saturday 8am - 4pm

Telephone

+639811703294

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dulay Adult and Senior Clinic - Alcala Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category