09/03/2026
👀Magandang balita po para sa batang Alfonseños!
Ang Diroy-Roseus Optical Clinic po ay OPISYAL nang partner ng ating Pamahalaang Bayan bilang ACCREDITED PROVIDER ng PhilHealth Optometric Package para sa mga bata. Ito po ay matatagpuan sa Del Pilar St., Poblacion V.
Sa ilalim ng PhilHealth YAKAP Package, ang mga kwalipikadong batang may edad 0–15 taong gulang ay maaaring makatanggap ng libreng serbisyong optometric sa halagang 2,500 kada bata, sa kada taon, kabilang ang:
• Vision Screening
• Komprehensibong Eye Examination
• Eye Prescription
• Libreng Salamin sa Mata (kung kinakailangan)
• Follow-up Care
Layunin po ng programang ito na mapangalagaan ang malinaw na paningin at kalusugan ng mata ng ating mga kabataan, upang mas maging handa sila sa pag-aaral at pang-araw-araw na gawain.
📍 Magtungo lang po sa Rivera’s Maternity Healthcare Center (Luksuhin Ibaba) para kumuha ng REFERRAL, bago magpunta sa Diroy-Roseus Optical Clinic para sa eye services ng mga bata.
Pasasalamat po kay Doc Vivian Diroy Roseus! Sama-sama po nating pangalagaan ang paningin ng batang Alfonseños!