Allen Runners Society

Allen Runners Society Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Allen Runners Society, Allen.

16/07/2022

Engkwentro laban sa CTG, kumitil sa buhay ng isang Pulis

Habang nagsasagawa ng humanitarian activity ang 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 at 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PLT MARK MHON T AMISTOSO, ay nakasagupa nila ang humigit-kumulang sampung (10) miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na nagresulta sa pagkamatay ni Patrolman Mark F Monge sa mga lugar ng San Nicolas, San Jose de Buan at Brgy. Mabuhay, Gandara, parehong sakop ng probinsya ng Samar nito lamang umaga ng sabado, July 16, 2022.

Batay sa ulat, magkasabay na nagsasagawa ng humanitarian activity ang nasabing PNP team sa isang police operation sa paligid ng mga nabanggit na bayan nang bigla silang pinaputukan ng mga miyembro ng CTG mula sa kung saan. Dumepensa ang pwersa ng kapulisan at tumagal ng halos limang (5) minuto ang palitan ng putok hanggang sa umatras at tumakas ang mga miyembro ng CTG patungo sa Northeast ng encounter site.

Dito ay napag-alamang tinamaan at malubhang nasugatan si Pat Monge at idineklara din na dead on arrival nang isinugod ito sa pinakamalapit na ospital habang ang mga casualty o sugatan sa panig ng kalaban ay hindi pa matukoy.

Ikinalulungkot ni PBGEN BERNARD M BANAC, Regional Director, ang nangyari at agad itong nagbigay ng pahayag, “Sa pagkamatay ni Pat Monge, ang buong hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay mariing kinokondena ang ganitong kataksilan na ginawa ng mga miyembro ng CTG. Hindi tayo titigil sa pagtugis sa mga salarin. Ang CTG ay isa sa mga ugat ng kahirapan sa mga hinterland areas ng Eastern Visayas, at ito ay kailangang wakasan. Mas paiigtingin pa natin ang kampanya laban sa insurhensiya,” pahayag ni RD Banac.





Address

Allen
6405

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Allen Runners Society posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram