Anda Rural Health Unit and Birthing Facility

Anda Rural Health Unit and Birthing Facility Primary Health Care Facility

Patuloy ang malasakit sa kalusugan ng bawat Pilipino!Sa Agosto 18-19, 2025, 6:00 am sa ating Municipal Gymnasium ay magk...
17/08/2025

Patuloy ang malasakit sa kalusugan ng bawat Pilipino!

Sa Agosto 18-19, 2025, 6:00 am sa ating Municipal Gymnasium ay magkakaroon ng libreng serbisyong medikal at libreng gamot handog ng opisina ni Senator Risa Hontiveros para sa ating mga kababayan. Mayroon din po etong laboratory kaya sa mga magpapalaboratory po magfasting na po kayo ng alas dose ng hating gabi. Matatapos po ang registration hanggang alas tres ng hapon. 300 na pasyente po ang minimum na iaccommodate sa isang araw.

Para sa mga magpapa check-up kayo po ay maaaring magdadala ng sumusunod:

✅ valid id
✅ certificate of indigency

Maraming salamat po!



Kaaluyon sa IDAP tan INUM-AY

PUROK KALUSUGAN sa Barangay Batiarao! Pinangunahan ng ating mga kasangga sa kalusugan, ang RHU ANDA sa pangunguna ng ati...
17/08/2025

PUROK KALUSUGAN sa Barangay Batiarao!

Pinangunahan ng ating mga kasangga sa kalusugan, ang RHU ANDA sa pangunguna ng ating masipag na doktora, Dr. Gillen Vuelta, sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Anda sa ilalim ng liderato ng ating mahal na Mayor Joganie BatangIslajogz Rarang, Vice Mayor Erwin Catabay, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Anda.

Inirepresenta ng ating masipag na konsehal Mary Ann Cacho, Committee on Health, ang ating Punong Bayan sa nasabing programa.

Maraming salamat po sa mga ibat ibang personalidad mula sa DOH, PHILHealth, Convoy of Hope Philippines, at Alpha Kappa Rho sa inyo pong tulong upang maayus na maisakatuparan ang programang pangkalusugan dito sa ating bayan.
Maraming salamat din po sa Batiarao Barangay Council sa inyong patuluy at walang sawang suporta sa programa ng ating Lokal na Pamahalaan



KAALUYON SA IDAP TAN INUM-AY

Isinagawa ngaung araw ang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon sa ating bayan. Kasama ng ating mahal na Mayor Joganie Batan...
17/08/2025

Isinagawa ngaung araw ang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon sa ating bayan. Kasama ng ating mahal na Mayor Joganie BatangIslajogz Rarang ang buong pwersa ng RHU-Anda sa pangunguna ni Dr. Gillen Vuelta, isinagawa ang ibat ibang patimpalak kasama ang mga barangay at mga Punong G**o.



KAALUYON SA IDAP TAN INUM-AY

🚨 MAG-INGAT SA PAGLILINIS PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE 🚨 Dahil meron pa ring dalang pag-ulan ang habagat, hintayin muna h...
28/07/2025

🚨 MAG-INGAT SA PAGLILINIS PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE 🚨

Dahil meron pa ring dalang pag-ulan ang habagat, hintayin muna hanggang tuluyang humupa ang baha at siguruhing ligtas na ang paligid bago simulan ang paglilinis.

Para makaiwas sa aksidente, narito ang ilang paalala ng DOH:
✔️ Magsuot ng bota, gloves, goggles, at mask
✔️ Humingi ng tulong sa pagbubuhat ng mabibigat
✔️ Mag-ingat sa paggamit ng mga kemikal na panglinis, gaya ng bleach







Paalala ng DOH, maagang ihanda ang inyong Emergency GO BAG bilang parte ng maagap na paghahanda sa anumang sakuna. Gamit...
24/07/2025

Paalala ng DOH, maagang ihanda ang inyong Emergency GO BAG bilang parte ng maagap na paghahanda sa anumang sakuna. Gamitin ang larawan bilang gabay sa pagkumpleto ng mga gamit na nasa loob nito.

Sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa: 🚨Emergency Hotline 911 at
📞DOH Hotline 1555, press 3



Maraming salamat po sa ating dalawang napakasipag na mga doktor sa bayan ng Anda, Dr. Gillen Vuelta, MHO at Dr. Mark Jay...
23/07/2025

Maraming salamat po sa ating dalawang napakasipag na mga doktor sa bayan ng Anda, Dr. Gillen Vuelta, MHO at Dr. Mark Jay Garibay, MO III, sa gitna ng masamang panahon, patuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyong medikal sa ating mga pasyente💙🫶

Pasasalamat mula kay Mayor Joganie BatangIslajogz Rarang



KAALUYON SA IDAP TAN INUM-AY

🚨 PANATILIHING LIGTAS ANG MGA DONASYON SA MGA EVACUATION CENTER 🚨⛈️ Sa panahon ng sakuna, bawat tulong ay mahalaga. Pala...
22/07/2025

🚨 PANATILIHING LIGTAS ANG MGA DONASYON SA MGA EVACUATION CENTER 🚨

⛈️ Sa panahon ng sakuna, bawat tulong ay mahalaga. Palaging tiyakin na ligtas at malinis ang iyong donasyon para sa mga nasalanta:

✔️ Inuming tubig – malinis at selyado
✔️ Pagkain – selyado, walang butas o yupi, at hindi expired
✔️ Hygiene products – bago at selyado
✔️ Damit – malinis at maayos

🤝 Makipag-ugnayan sa inyong LGU, simbahan, o community org para sa mga donation drives. Sama-sama tayong tumulong sa ating kababayan, at maghatid ng ginhawa at pag-asa!



🚨DOH: PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN🚨Sa panahon ng matinding pag-ulan, po...
21/07/2025

🚨DOH: PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN🚨

Sa panahon ng matinding pag-ulan, posibleng may kontaminasyon ang inuming tubig mula sa mga nasirang water at sewage pipes na nalubog sa baha.

Mahalagang tiyaking safe ang iniinom na tubig sa bahay man o sa evacuation center upang makaiwas sa sakit tulad ng cholera, diarrhea, at leptospirosis.

Maaari ring pakuluan ang tubig sa loob ng 2 minuto bago inumin bukod sa paggamit ng chlorine tablets.



Dapat ba akong Mabahala sa banta ng Leptospirosis?Sa panahon ng tag-ulan, may mga pagkakataong hindi maiiwasang lumusong...
21/07/2025

Dapat ba akong Mabahala sa banta ng Leptospirosis?

Sa panahon ng tag-ulan, may mga pagkakataong hindi maiiwasang lumusong sa baha.
Alamin sa mga imahe sa baba ang mga pangunahing gabay upang maiwasan ang sakit na Leptospirosis.

Protektahan ang ating sarili laban sa sakit na Leptospirosis!

🚨 ‘PAG NAGKASUGAT, FIRST AID AGAD!Paalala ng DOH kapag nagkasugat, gawin ang mga sumusunod: ✅ Hugasan ang sugat gamit an...
19/07/2025

🚨 ‘PAG NAGKASUGAT, FIRST AID AGAD!

Paalala ng DOH kapag nagkasugat, gawin ang mga sumusunod:

✅ Hugasan ang sugat gamit ang malinis na tubig at sabon.
✅ Panatilihing malinis, tuyo, at protektado ang sugat.
✅ Sundin ang mga paunang lunas para sa mga sugat.

⚠️ Iwasang mabasa ng baha ang sugat hangga’t maaari.

Agad na kumonsulta sa doktor para sa tamang gabay at gamutan sa inyong sugat.




Address

Poblacion
Anda
2405

Telephone

+639555905062

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anda Rural Health Unit and Birthing Facility posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Anda Rural Health Unit and Birthing Facility:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram