21/05/2026
Hindi biro ang gastusin sa gamot, lalo na kung may maintenance o regular na gamutan.
Kaya naman narito ang Philhealth GAMOT para makatulong.
Maaari kang makakuha ng P20,000 halaga ng gamot kada taon para sa iba’t ibang karamdaman tulad ng high blood, diabetes, hika at iba pa.
Para makakuha ng GAMOT prescription na covered ng PhilHealth, sundin ang mga hakbang na ito:
1. Magparehistro sa PhilHealth YAKAP program:
Pwede ito sa eGovPH app, PhilHealth Member Portal, o sa kahit anong PhilHealth Local Health Insurance Office.
2. Pumunta sa napiling YAKAP Clinic
Magpatingin sa accredited yakap doctor para sa iyong konsultasyon.
Kapag kailangan ng gamot, bibigyan ka ng doktor ng prescription. Ang Yakap Physician ang mag-iisyu ng reseta na may Unique Prescription Security Code (UPSC) para sa GAMOT benefit.
3. Dalhin ang prescription sa accredited GAMOT pharmacy
Ang prescription na may UPSC at Philhealth ID lang ang kailangan nyo para makuha ang mga libreng gamot na sakop ng GAMOT program.
Magtungo lamang sa Twin Care Hospital Pharmacy at iavail ang Philhealth GAMOT covered medicines.
AVAILABLE EVERY MONDAY TO SUNDAY
08:00AM-05:00PM
Para sa ibang detalye maaring magtext o tumawag sa
Pharmacy Department: 0919-093-9204
Out-patient Department: 0925-734-7552
“Because at Twin Care, we give the best healthcare you deserve”