07/01/2026
Paano kung maubos ang fund value?
Ito ang tanong na common na fear sa VUL,
pero hindi madalas pinapaliwanag nang maayos.
Kapag naubos ang fund value,
simple lang ang ibig sabihin nun.
Wala na talagang pambayad sa insurance charges.
At kapag walang pambayad sa charges,
magte-terminate ang policy.
Hindi dahil “scam.”
Kundi dahil ganun talaga nagwo-work ang insurance.
Same lang din ito sa ibang types of insurance.
Sa term insurance,
kapag hindi ka nagbayad ng premium,
mawawala ang coverage.
Sa whole life,
kapag hindi na kayang saluhin ng surrender value o loan,
mawawala rin ang coverage.
Sa VUL,
kapag naubos ang fund value
at wala nang pinanggagalingan ng charges,
terminated din ang policy.
Magkakaiba lang ng paraan,
pero pareho ang principle.
Now, bakit nauubos ang fund value?
Maraming pwedeng dahilan.
Pwede dahil sa market performance.
Pwede dahil tumataas ang insurance cost habang tumatanda ang insured.
Pwede dahil sa policy charges over time.
At isa sa pinaka-common,
withdrawals.
Tuwing kukuha ka sa fund value,
binabawasan mo yung buffer
na dapat sana sumasalo sa future charges.
Isang beses lang minsan, ok pa.
Pero kapag paulit-ulit,
unti-unti itong nauubos.
Kaya mahalagang i-manage ang fund value.
So paano mo ito napapanatili?
#1
intindihin na ang fund value ay insurance fund,
hindi extra money.
#2
iwasan ang unnecessary withdrawals
lalo na kung hindi mo alam ang epekto sa long-term sustainability.
#3
regularly review the policy.
Tingnan kung sapat pa ba ang fund value given the current charges and age of the insured.
#4
kung kailangan,
magdagdag ng top-ups
para pataasin ulit ang insurance fund.
Hindi goal ng VUL na hindi ka na mag-aalaga ng policy
pagkatapos mong magbayad ng premium.
Goal nito ay magkaroon ka ng ways para mas tumagal ang insurance kung tama ang paggamit at management.
Kapag malinaw ito,
mas nababawasan ang takot
at mas napapalitan ng tamang expectations.
Join our growing community:
Facebook.com/groups/masterfa.insurance